Chapter 30 : President's Son

577 61 15
                                    

CHAPTER 30

NIANA'S POV






SERYOSO ang isang 'to.

Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya, pero ramdam kong sobrang sincere siya sa sinabi niya.

"So tell me, anong meron?" agad kong tanong nang makapasok kami sa bahay. Hindi ko na hinintay pang maging busy siya.

"Anong meron? Saan?" tanong niya pabalik.

"Anong meron ngayon? Bakit ang gulo kanina sa labas? Ang daming tao sa grocery. Anong nangyayari? May asteroid ba? Zombies? World war three pa rin ba hanggang ngayon?" sunud-sunod kong tanong habang tinitingnan ang interior design ng bahay.

In fairness, mukha talagang modern house kahit gawa sa light materials 'yong bahay. May pagka-dim ang lights sa loob. Hindi rin masakit sa mata ang color choice. In short, napaka-aliwalas sa loob ng bahay. Parang town house or rest house.

Dumiretso kami sa kusina. Sumunod lang ako sa kaniya dahil ayokong umupo agad sa sofa sa may sala.

"Asteroid? Zombies? World what? Hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon sa bansa?" tanong niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Hindi," diretso kong saad. Ayoko namang magpanggap na meron akong alam, dahil ang misyon ko ay alamin ang nangyayari sa taon na 'to. Ayoko mang magtunog weird, pero ayoko namang magsinungaling. Wala rin namang mawawala sa akin kapag nagtanong ako.

"Taga-saan ka ba at bakit hindi mo alam ang mga nangyayari? Imposible rin naman na galing ka sa ibang bansa dahil kahit doon, may parehong crisis," aniya bago ilagay sa lamesa 'yong mga bitbit niya.

"Paano kung sabihin ko sa 'yong hindi ako taga-rito," sabi ko kaya napatingin siya sa akin, sinusuri akong maigi.

"Taga-ibang bansa ka nga?"

"Hindi."

"Edi taga-saan ka? Sa ibang mundo?" walang interes niyang saad bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Inaayos niya 'yong mga dala niya. Nilalagay niya sa ref 'yong ilan at 'yong iba naman nilalagay niya sa mga cabinet sa may kusina.

"Nakatira ako sa Earth, pero hindi sa taon na 'to," seryoso kong saad.

Napahinto siya sa ginagawa niya bago lumingon sa akin. Kita ko sa mga mata niya na nawi-wirduhan na siya sa akin pero pinilit kong ngumiti para hindi niya maisip na nababaliw na ako.

"You're weird," aniya bago umupo sa may upuan malapit sa lamesa. Nanatili naman akong nakatayo, nakasandal ako sa may bandang lababo. "Pero seryoso, hindi mo alam ang mga nangyayari?" tanong niya kaya umiling ako.

"Mukha bang hindi ako seryoso?" tanong ko kaya tumango siya. "Sabihin mo na lang sa akin kung anong nangyayari," sabi ko.

Ngumiwi siya. Siguro dahil sobrang weird ko na para sa kaniya.

Huminga siya nang malalim.

"Kaya magulo kanina sa grocery ay dahil 'yon na lang ang nag-iisang grocery na may stocks ng mga pagkain," aniya.

"Ha?" naguguluhan kong tanong. "You mean, 'yong grocery na 'yon na lang ang may mga pagkain? Dito sa lugar na 'to?"

"Dito sa buong lalawigan," aniya sa tono na parang tinatama ako. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero isang araw, namalayan na lang ng karamihan na nauubos na ang supply ng mga pagkain. Kahit saan ako pumunta, wala na. Bigas, gulay, prutas, o kahit instant noodles at can goods, wala na," sabi niya.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon