6 - Friend or Foe

6K 431 124
                                    

6 - Friend or Foe



"Yuan!"



Tila naulit ang nangyari kanina noong sinundan siya ni Kevin pero sa pagkakataong ito ay huminto si Yuan sa pagtakbo. Hinihintay niyang makalapit si Lucas sa kanya.



"Together," hinihingal at seryosong sabi ni Lucas. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng dalagang tumango lamang bago sila nagpatuloy sa pagtakbo.



Muling tinahak ng dalawa ang daan patungo sa palengke sa pag-asang makakasalubong o makikita doon ang mga taong tinutukoy ni Yuan. Sinilip nila ang bawat eskinitang nadadaanan sa pagbabaka-sakaling nagtatago ang mga ito doon.



"C-Could it be..." Bagsak ang mga balikat ni Yuan habang mababagal ang paghinga dahil sa pagod. Naroon na sila sa eskinita kung saan niya natagpuan ang babae at ang batang lalaki kanina, pero wala silang nadatnan na kahit na sinong tao doon.



Napakunot ang noo ni Lucas habang nakatingin sa dalaga. Alam niya ng negatibo ang mararamdaman nito kung hindi maililigtas ang mga taong iyon pero pakiramdam niya ay mas malala pa ang reaksyon ni Yuan ngayon. Bukod sa pag-aalala para dito ay nalilito din siya. Sa halip kasi na umiyak, tila ina-absorb lamang ng dalaga ang lahat at pinapanatiling kalmado ang sarili.



Magsasalita pa lamang sana ang binata noong marinig ang tunog ng papalapit na helicopter. Unti-unti niyang iniangat ang tingin sa kalangitan at saktong tumagilid ang lipad ng helicopter noong tumapat sa kanila. Napahigpit na lamang ang kapit ni Lucas sa kamay ni Yuan habang hinihintay na tuluyang bumagsak sa lupa ang mga zombies na tila ibinuhos sa daan palabas ng eskinita.



Isa sa mga zombie ang babagsak diretso sa mismong kinatatayuan nila kaya inihanda ni Lucas ang kanyang baseball bat. Bago niya pa man iyon maiangat ay nagulat na lamang siya na nahati sa dalawa ang katawan ng zombie. Napaawang ang bibig niya noong nilingon si Yuan na tila natigilan din sa sariling ginawa at nakataas pa ang kamay na may hawak sa espada.



"I-I'm okay," mabilis na sabi ng dalaga at walang ano-ano ay bumitaw sa kamay ni Lucas upang mauna ng sumugod sa mga zombies.



Agad na kumunot ang noo ng binata at mabilis din siyang sumunod para tumulong.



Nahihirapang gumalaw ang dalawa dahil sa sikip ng eskinita. Nasisikipan man ay wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang lumaban dahil hindi sila makakalabas kung hindi mapapatumba ang mga zombies.



Hindi pa nangangalahati sa nasa dalawampung zombies ay narinig ni Lucas ang espada ni Yuan na bumagsak sa sementadong lupa. Noong lumingon siya ay nakaluhod na ang dalaga at tila nahihirapang huminga.



Bumagal muli ang ikot ng mundo para kay Lucas habang nakikipag-unahan siya sa isang naglalakad na bangkay na makalapit kay Yuan. Gigil niyang hinahawi ang bawat zombie na nakaharang sa kanyang dinadaanan. Higit limang hakbang pa ang layo niya noong hinawakan mismo ng dalaga ang kamay ng zombie na iyon at buong lakas na ibinalibag. Napahinto ang binata sa pagtakbo.



Wala pa mang nakakapagsalita ay agad ding bumangon ang zombie at tila galit na muling sumugod kay Yuan. Hindi pa nakakabawi ang dalaga na nagulat din sa sarili kaya muling nagmamadaling tumakbo si Lucas palapit. Hahampasin na sana niya ang zombie ng bigla itong humandusay sa lupa.



Nanlalaki ang mga matang sinundan ni Yuan ng tingin ang zombie hanggang sa bumagsak ito sa mismong harapan niya. Naagaw lamang ang tingin niya noong tila may bumagsak ng malakas sa mismong ibabaw ng basurahan na naroon. Bahagyang napakunot ang noo niya noong magtama ang paningin niya at ng isang babaeng ngayon niya lamang nakita.



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now