14 - Calm (Part 1)

4.7K 433 216
                                    

14 - Calm (Part 1)



"There's nothing wrong with the numbers. I think you'll be fine," ani Dr. Vergara matapos niyang suriin si Yuan. "Wag mo lang kalimutang sabihin sa akin o kay Kevin kapag may nararamdaman kang kakaiba."



Tahimik na tumango lamang ang dalaga. Akala ng doktor ay aalis na ito ngunit ni hindi ito gumalaw sa kinauupuan.



"Yuan? May gusto ka pa bang sabihin?"



"What happened with valuing their employees?" Humugot si Yuan ng malalim na hininga at muling nag-angat ng tingin sa matandang doktor. "Why did they drop zombies that day?"



Ngumiti si Dr. Vergara pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "I was waiting for you to ask me that. I'm ready to say I was wrong."



"I wanted to ask Aiah but, I don't want her to think that I'm considering her as a part of that organization. I mean, she is, but she's more than just the daughter of Crescent's leader. And I don't think she's as bad as her father." Muling bumuntong hininga ang dalaga.



"Her mother was as kind as an angel," malungkot ang ngiti na sabi ni Dr. Vergara.



Hindi na iyon pinansin ni Yuan. Seryoso siyang nagtanong muli. "Where exactly in Batanes are they located?"



Yumuko ang doktor bago sumagot. "It's an underground laboratory... in Basco."



Natigilan si Yuan. Hindi alam kung paanong magrereact. Gusto niyang magwala at magalit pero tila tinakasan siya ng lakas. "Y-You took... I understand if it's just me and the other zombies, but you took Kevin to Basco... knowing that?"



"I'm sorry, Yuan. But there's no other place."



"What more are you hiding from us?" Nangingilid man ang mga luha ay matigas ang boses ng dalaga noong magtanong.



"Wala na, Yuan. Trust me, I'm here to help."



Matagal na binalot ng katahimikan ang silid. Kapwa nakayuko sina Yuan at Dr. Vergara, parehong maraming iniisip. Maya-maya ay isa muling tanong ang ipinambasag ng dalaga sa katahimikan.



"Please, be honest. You know what they can do. On a scale of one to ten, how safe are we?"



*****



"Two, Jet. He said 'two'," walang buhay na sabi ni Yuan saka inubos ang laman ng lata. Niyupi niya iyon gamit ang sariling mga kamay saka ibinato sa pader.



"Putangina, lima na lang kayong babae sa bahay na 'to, na-two time ka pa ni Lucas?" hindi makapaniwalang sabi ni Jet saka nagbukas ng panibagong canned beer at iniabot 'yon sa dalaga.



"Tangina, ang bobo mo, naiiyak ako," nakasimangot na sabi ng dalaga saka muling uminom.



"Ayaw mo kasing sabihin kung sinong pinapag-usapan natin!"



"Wag kang sumigaw! Naririndi ako sa--"



"Aha! Hule!" sigaw ni Gian noong buksan ang pinto ng kanilang silid at madatnan doon sina Jet at Yuan, katabi ang isang cooler na naglalaman ng mga alak. "Di man lang nag-yaya!"



"Hoy, di ako umiinom," depensa ni Jet sa sarili. "Nanghingi lang 'to bigla."



"Weak si Jet, hindi umiinom," diretso ang tono na sabi ni Yuan saka muling uminom.



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon