36 - Junior

4K 376 207
                                    

36 - Junior



"Good morning."



Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Yuan. Ilang segundo niyang hinintay na mag-adjust ang kanyang paningin hanggang sa maaninag niya ang isang babaeng nakangiti sa kanya. Nakaharap ito sa kanya ngunit tila tumatagos sa kanyang mukha ang paningin nito. Napabangon siya noong mapagtantong isang hindi kilalang bulag na babae ang kasama niya.



"Who are you?" Tila namamaos ang boses ni Yuan noong magsalita. Inilibot niya ang tingin sa silid na pawang kulay puti ang mga kagamitan at ang pader hanggang sa sahig at kisame.



Sa dulo ng silid ay bahagyang nakabukas ang isang pinto at base sa malaking salamin na nakikita ay napagtanto ng dalaga na iyon ang banyo. Walang bintana ang silid kaya napunta ang tingin niya sa nag-iisang daan palabas. Sa itsura pa lamang ng pinto ay alam niya ng hindi niya iyon magagawang sirain. Habang nakatingin siya doon ay bumukas ang maliit at parisukat na butas sa bandang itaas.



Sumilip ang isang lalaking may mahabang pilat sa noo. Napalunok si Yuan ng mapagtantong nakabantay sa labas ang taong iyon. Imposibleng makatakas.



"Hi, Yuan. I'm Timmy. You can call me Ate Timmy since I'm seven years older than you," sa wakas ay pagpapakilala ng babae.



"H-How did you know my name? Why do you know me?" Bahagyang umatras ang dalaga sa kama. Natigilan siya noong lumingon ang babae sa kanya na tila ba nakikita siya. "Y-You are blind, r-right?"



"Yes," nakangiti pa ring sabi ni Timmy. "And you are very brave."



Napakunot ang noo ni Yuan. Mukha namang matino ang babae pero hindi niya ito maintindihan. Halos walang boses na lumabas sa kanyang bibig noong ulitin niya ang tanong kanina. "Who are you?"



"I am Timmy," pag-uulit ng babae na hindi pa rin nawawala ang ngiti. "I am one of the survivors from Palawan."



"What?"



"I am Timmy. I am one of the survivo--"



"I heard you, I mean..." Unti-unting bumagsak ang mga balikat ni Yuan. "...there are survivors in Palawan?"



Tumango si Timmy. "The whole province houses around two thousand families."



"A-Akala ko... Akala nami--"



"It really became a zombie zone before but, we managed to clear it and gathered survivors from all over the country there."



"We?" kunot-noong tanong ni Yuan. Nakasama niya ang natitirang miyembro ng Philippine Army kaya nagtataka siya kung sino ang mga malalakas at matatalinong tao na tinutukoy ng kausap.



Bahagyang natawa si Timmy. "I am friends with some really amazing people, Yuan. How about you?"



Napatingin lamang muli si Yuan sa babae. Hindi siya nagsalita. Napagtanto niya ng katulad niya ay dinakip din lamang si Timmy, pero hindi siya sigurado kung kakampi ba ito o hindi.



"How did you become friends with the daughter of Crescent's leader?"



"H-How did you--"



"They brought you in with her," sagot ni Timmy, hindi pa man tapos ang tanong.



Lalong hindi nakapagsalita si Yuan. Hindi niya alam na kasama niyang nakuha si Aiah. Bigla siyang kinabahan para sa dalaga.



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now