24 - She is Me

4.1K 388 128
                                    

24 - She is Me



"It's been two days and there hasn't been any attack," ani Sergeant Soriano habang pinapanood sina Lucas, Jet, at Gian na naghahanda para lumabas at maghanap ng pagkain. "I can't really say that we should be thankful. I'm actually getting more nervous."



"Sana iniisip nilang naubos na tayong lahat dito," ani Jet na kinakargahan ng bala ang isang rifle. Magdadala sila ng mga armas para makasigurado. "Hindi magandang pakinggan, pero mas mabuti na 'yon."



Tumango-tango ang babaeng sundalo. "Mag-iingat kayo."



"Yuan's still sleeping," paalala ni Lucas at muli namang tumango ang sergeant.



"Dalawang araw pa lang ang nakakalipas, pero sana naman lumabas na siya ng kwarto."



Parehong napaiwas ng tingin sina Jet at Gian. Kapwa sila nag-aalala kay Yuan at hinihintay din itong bumalik sa kanila kahit pa alam nilang malabo dahil sa lahat ng nangyari.



"Let's go," pagyayaya ni Lucas at tumango lamang ang dalawang makakasama niya.



Hinatid ni Sergeant Soriano ang tatlong binata sa labas ng bahay. Hindi niya inalis ang tingin sa mga ito hanggang sa nawala sila sa naabot ng kanyang paningin. Hindi rin muna siya pumasok sa loob ng bahay at nagpasyang hihintayin ang mga binata sa labas.



Samantala, sa ikalawang palapag ng bahay, umalingawngaw ang malakas na pag-iyak ng sanggol na si Tricia. Humahangos na dinaluhan ni Mara ang kanyang anak at pilit itong pinatahan.



Dahil sa malakas na pag-iyak ng bata ay naalimpungatan si Yuan. Hanggang sa tuluyan siyang nagising. Natigilan siya at nanatili munang nakahiga. Pinakiramdaman niya ang sarili. Malinaw niyang naririnig ang pag-iyak ng isang sanggol ngunit hindi siya kinakabahan o natatakot. Hindi siya sigurado kung nawala na ba ang trauma niya sa nangyari noon sa kapatid na si Lindsey o sadyang wala na siyang kakayahan para makaramdam ng kahit na ano dahil sa lahat ng nangyari.



Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin tumatahan ang bata. Naisip ni Yuan na marahil ay nahihirapan si Mara na patahanin ang anak nito. Bumangon siya at nagpasyang lumabas.



Bumungad kay Yuan ang iritableng mukha ni Pia na mukhang nagising lang din dahil sa pag-iyak ni Tricia. Bigla itong ngumisi noong nakita siya.



"Good morning, Yuan."



Sandaling napapikit si Yuan at napabuntong-hininga. "Not now, Pia."



"Why?" nakangisi pa din at taas noong tanong ni Pia. "Accepted your defeat?"



"I didn't even know that we're playing," walang ganang sagot ni Yuan saka tumalikod at sinundan ang pinanggagalingan ng iyak.



Hindi na sumunod si Pia at napapadyak na lamang sa sahig dahil mas lumakas pa ang iyak ni Tricia. "Ugh! Somebody shut that tyanak up! Kung naglalakad na yan, itutulak ko yan sa hagdan!"



Napatigil si Yuan sa paglalakad dahil sa narinig. Napalingon siya at nakitang papasok na ulit sa kwarto si Pia. Binalikan niya ito.



"Where's Luna?" tanong ni Yuan.



Nakataas ang isang kilay na tinignan siyang muli ni Pia. "Ha?"



"Where's Luna? Which room is she using?"



Ang mataray na tingin ni Pia ay nauwi sa isang kunot noo. "Luna who?"



"Luna, the little girl?" nagtataka din na sagot ni Yuan. "She's here. She also survived the other day."



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now