19 - Now

4.4K 352 43
                                    

19 - Now



"Oy, Yuan! Kumain ka na ba? Sabayan mo na ako dine," masayang bati ng nag-aalmusal na si Gibo noong makitang pumasok sa bahay ang dalaga. "Hindi ako ginising ng mga tao--"



"Where's Dr. Vergara?"



Nabura ang ngiti sa mukha ni Gibo dahil sa seryosong boses ni Yuan. Nilunok niya ang laman ng kanyang bibig bago muling nagsalita. "Ay, si Doc ba? Kasama ni Kevin sa taas, may ginagawa yata--"



Napakunot na lamang ang noo ni Gibo noong hindi na siya hinintay ng dalaga na matapos magsalita. Agad itong tumalikod at patakbong umakyat sa hagdan.



"Oh, Yuan. Bakit--" Maging si Mara ay hindi na natapos ang kanyang itatanong noong nilagpasan lamang siya ng dalaga. Pinanood niya itong dumiretso at pumasok sa silid na ginagamit ni Dr. Vergara. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng kalabog.



Nahigit ni Mara ang kanyang paghinga noong nadatnang idinidiin ni Yuan ang matandang doktor sa pader. Naroon din si Kevin na pilit pinaghihiwalay ang dalawa. Hindi siya nagdalawang isip na pumasok at tulungan ang binata na pumagitna.



"Who are you?!" Umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang malakas na boses ni Yuan. Halata ang panggigigil niya.



"Yuan, let him go," awat ni Kevin. Hawak niya ang isang braso ng dalaga ngunit hindi niya ito mahila dahil pare-pareho silang matutumba kung bibiglain niya ito. "Mag-usap tayo ng maayos."



Marahas na ibinagsak ni Yuan ang matanda at si Kevin naman ang pinanlisikan niya ng tingin. Iwinakli niya ang kamay nito. "Alam mo ba?!"



"A-Ang alin?" kinakabahang tanong ng binata. Sa totoo lamang ay wala siyang ideya sa kung ano ang ikinakagalit ng dalaga. Alam na ng lahat ang nangyari kanina. Sigurado siyang hindi nito gusto ang kinahinatnan ni Rina, pero hindi niya alam kung bakit ito nagagalit sa doktor.



"That I was the real target!" Puno ng poot na ibinalik ni Yuan ang tingin kay Dr. Vergara. "That it was all planned! That they know I was in Basco and they sent Aiah for me!"



Bumakas ang matinding gulat sa mukha ni Kevin. Dahan-dahan siyang napalingon sa iginagalang niyang doktor na tila naguguluhan din. Kahit hindi kasama sa Basco ay naiintindihan din ni Mara ang sinabi ni Yuan. Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang bibig.



"Don't play that card," singhal ni Yuan sa matandang doktor na mukhang nalilito din. "Cut the act. Who the fuck are you?"



"Wala akong alam--"



"Oh, please!" putol ni Yuan sa pangangatwiran ni Dr. Vergara. "You know who Aiah is! You're the one who convinced us that she's not a bad person! You even told us that she knows nothing about this, when in fact she has a whole fucking syringe of pure virus with her!



"Yuan, calm down." Muling sinubukan ni Kevin na lumapit sa dalaga noong halos hingalin na ito sa pagsigaw. Bumabakat na ang ugat nito sa leeg at namumula din ang mukha. Napaatras siya noong muli itong lumingon sa kanya at nakita niyang umiiyak na ito.



"How can I afford calmness when Rina tried to kill herself in front of me?!" Napasabunot si Yuan sa sariling buhok. "Tell me how can I calm the fuck down knowing she did her best to stop herself from hurting me when she knew all along that I should be the one in her position!"



Walang nakapagsalita. Natahimik ang buong silid. Napahawak na lamang si Dr. Vergara sa kanyang dibdib habang naghahabol ng hininga. Napayuko si Kevin. Si Mara ay tahimik na lumuha din.



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now