Special Chapter

5.7K 438 683
                                    

Special Chapter



"Mommy! Kuya Wawie put his booger on my hair!" Umalingawngaw sa buong bahay ang matinis na boses ng limang taong gulang na batang babae.



Kasunod ng sigaw ay ang malakas na pagtawa ng pitong taong gulang na si Warren habang kumakaripas siya ng takbo pababa ng hagdan. Nang makitang naroon ang mga magulang niya sa living room, dire-diretso siyang lumabas ng bahay upang makaiwas sa sermon.



Hinihingal na huminto ang batang lalaki pagkalabas ng pinto kung saan rinig na rinig pa niya ang mahinang pagtawa ng kaniyang ama na nasundan ng isang lagitik. Naiimagine niyang hinampas ito ng kanyang ina.



"This is why I told you that naming him 'Warren' is not a good idea!"



"That was your first suggestion, too."



"Kaya nga. Pero nung naisip ko na ngang hindi 'yon magandang idea, 'yon pa din ang ipinangalan mo."



"You wanted to name him 'Kevin'."



"'Kevin' is not a bad name."



"And so is 'Lucas'."



"You didn't say that you wanted a junior."



"I just didn't want a son named 'Kevin'."



"Kevin is a good boy."



"Lucas is the best boy."



"May I just remind you that Kevin saved you! He died so you won't get hurt and his efforts produced that antidote!"



"That antidote was Dr. Vergara's idea. Besides, that almost killed me, too."



"Lucas!"



Napahagikgik ang batang si Warren noong muling nakarinig ng tunog ng paghampas. Nasundan iyon ng muling mahinang pagtawa ng kanyang ama. Umupo siya sa hagdan paakyat sa front porch ng bahay.



"You love Lucas, the best boy."



"Tantanan mo ako, Lucas Gomez."



"Lucas Gomez, the father of your children?"



"Lucas!"



"Yes, Lucas Gomez's Yuan?"



Saktong narinig ni Warren ang tila nayayamot na sigaw ng kanyang ina, naramdaman din niyang bumukas ang pinto sa kanyang likuran. Lumabas doon ang kapatid niyang sobrang sama ng tingin sa kanya.



"Namimiss ko na 'yong mga panahong may galit ka pa sa mundo at hindi ka nagsasalita!"



"Bakit ka nandito, Luna? Pumasok ka dun," maangas na tanong ni Warren sa kapatid.



"You can always have me whenever you miss me, Yuan. I'm all yours."



"Nagugutom ako," mayabang na sabi naman ng batang babae habang masama pa din ang tingin sa kanyang Kuya.



"Gago! Marinig ka ng mga anak mo!"



"Eh, ano? Diba, galit ka sakin?" nanghahamon ang tonong tanong ni Warren. Rinig pa rin nila ang usapan ng mga magulang na nasa loob ng bahay.



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now