Special Chapter #2 - The Wedding

6.6K 418 331
                                    

Special Chapter #2 - The Wedding



"My daughter is crying right now, Jethro," magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Lucas pagkapasok niya sa silid kung saan naroon ang groom. May isang oras pa bago magsimula ang kasal sa tabing dagat at halos kadarating lamang nila sa hotel.



"Hindi ba dapat 'congratulations' muna ang sasabihin mo?" nakangiwing tanong naman ni Jet. Mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin, tumayo siya at nilingon si Lucas. Lalo siyang napangiwi noong makitang naka-ayos din ito at nakasuot din ng pormal. Wala sa sariling inayos niya bigla ang kanyang puting coat.



Bumuntong hininga lamang si Lucas saka itinaas ang hawak niyang kopya ng listahan ng mga kasali sa entourage. Inilapit niya iyon sa mukha ni Jet saka itinuro ang magkasunod na pangalan ng kanyang mga anak.



Liam Warren Gomez
Luna Gomez



"You wrote Wawie's full name and you forgot about Luna's second name?" sabi pa ni Lucas. "Have someone print a new list or else my daughter's tantrums will ruin your wedding."



"Hindi naman siguro masyadong makaka-sagabal ang pag-iyak ni Luna?"



"I'll ruin the wedding myself if you don't make my daughter stop crying," seryoso at madiing sabi ni Lucas.



"Fine. Chill. Kasal ko, oh?" Nakasimangot na lumapit si Jet sa pinto. "Bakit kahit ngayong araw lang, hindi kayo mabait sa'kin?"



Hindi na sumagot pa si Lucas at sumunod na lamang noong lumabas ang groom sa silid. Sumakay sila ng elevator patungo sa unang palapag ng hotel. Pagkalabas ay dumiretso agad sila sa lobby kung saan naroon si Yuan, yakap ang umiiyak na si Luna. Katabi din ng mga ito si Warren na halatang naiingayan na sa kanyang kapatid, ngunit agad na nagliwanag ang mukha noong makita ang kasama ng kanyang ama.



"Ninong Jet!" Patalon na tumayo ang batang si Warren. Suot ang sarili niyang puting coat bilang little groom, tumakbo siya palapit kay Jet.



Tuwang tuwang niyakap ni Jet ang kanyang inaanak. Noong humiwalay ito ay nag-fist bump pa sila. Sinenyasan din niya ito na huwag munang maingay bago niya nilapitan ang umiiyak nitong kapatid.



"Luna, my baby girl," nakangiting bungad ni Jet na agad ding napalitan ng ngiwi noong samaan siya ni Yuan ng tingin. "Anong gagawin ni Tito Jet para tumahan na ang prinsesa namin?"



"Dad." Nilingon ni Warren ang kanyang ama noong marinig ang sinabi ni Jet. Noong bahagya itong yumuko ay bumulong siya sa tainga nito. "Do princesses wail like Luna?"



Bahagyang napaawang ang mga labi ni Lucas at mabilis niyang nilingon ang panganay na anak. Noong makita ang kainosentehan sa mga mata nito ay napapikit na lamang siya at napabuntong hininga. Hindi niya na lamang sinagot ang tanong nito.



"I want my name!" sigaw naman ng umiiyak pa ding si Luna. "I'm Luna Mariz!"



Napangiwi si Jet saka lumingon kay Yuan na para bang humihingi ng tulong. Nagtaas lamang ng isang kilay ang huli.



"Luna, kasi..." Napakagat si Jet sa kanyang ibabang labi. Humugot siya ng isang napakalalim na hininga na ipinagtaka naman ni Yuan. "Tito Jet's bride doesn't like that name kasi..."



Lalong lumakas ang pag-iyak ni Luna. "Mommy! Tito Jet's bride doesn't like me!"



"No! No!" mabilis na ani Jet. "It's just that, someone named Mariz was not in great terms with Tito Jet's bride before."



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now