23 - The Unknowns

4.2K 345 187
                                    

23 - The Unknowns



Sa isang malaking silid na walang bintana, halos hindi nakatulong ang maliliit na bumbilya upang paliwanagin ang buong paligid. Sa loob ay tanging isang mesang pang-opisina ang makikita at ang itim na swivel chair sa likod niyon kung saan nakaupo ang pinuno ng Crescent.



Tila nababagot na sumandal si Sylvester Valdez sa kanyang kinauupuan. Dalawang oras na mula noong nag-utos siya ng pag-atake sa Itbayat, wala pa din siyang natatanggap na balita. Malapit na siyang mainis noong biglang bumukas ang pinto.



"None of the helicopters came back, Sir," pambungad na report ni Len sa kanyang boss. Halata sa marahas na pagtaas-baba ng kanyang dibdib na tumakbo siya patungo roon.



"Then, I guess they all died," mabagal at mahinang sabi ni Sylvester saka nanghalumbaba. "They're dead anyway."



"All helicopters had two of our people, Sir." Hindi napigilang lumunok ng sekretarya matapos diinan ang huling salitang sinabi.



Tinatamad na tinapunan ni Sylvester ng tingin ang babaeng pinapasweldo niya. "Fine. Most of them are dead anyway. Reports about the survivors living in that island?"



"N-None of the helicopters came back, Sir. W-Wala pong makakapag-report--" Napatigil si Len noong muling tumingin sa kanya ang kanilang pinuno.



"Sinasabi mo bang pumunta ako doon kung gusto kong malaman?"



"N-No, Sir." Yumuko ang sekretarya at ilang beses na lumunok. "The last explosion was heard after almost an hour of the attack, and if we look on the p-possibilities po...w-with the number of zombies we sent, over the number of humans t-there..."



Hinampas ni Sylvester ang lamesa. "Say it already!"



"It's safe to say that we've eliminated every normal human on that island, Sir," magmamadaling sabi ni Len.



Ngumiti si Sylvester. "If we didn't, how many could still be alive?"



Mabilis na binuksan ng sekretarya ang dala niyang notebook kung saan naroon ang mga computations ng mga scientists na nagtatrabaho para sa organisasyon. "Our staffs think that only one person may survive and that is only if there's at most two zombies left. But that's nearly impossible considering we sent a hundred."



Humalakhak si Sylvester at muling sumandal sa kanyang upuan. Ipinaikot niya iyon at noong muling tumapat sa lamesa ay itinaas niya doon ang kanyang mga paa. "It would be great if that girl with Vergara's antidote survived. We really need her blood if we want to create a virus that will spread worldwide."



Ipinagpasalamat ni Len ang madilim na silid dahil hindi nakita ng kanilang pinuno kung paano niya ito binigyan ng hindi makapaniwalang tingin. "S-Sir, y-your daughter is there--"



"Shanniah will survive if she deserves to live," kaswal na sabi ni Sylvester na para bang hindi buhay ng sarili niyang anak ang pinaguusapan. "If she's dead, I'll accept that the reason is because she failed with her mission."



Nanlamig ang mga kamay ni Len. Halos mabitawan niya ang notebook. Hindi matanggap ng buong sistema niya ang narinig. Pakiramdam niya ay isang demonyo ang nasa kanyang harapan.



"If you die, that's because you're looking at your boss like that."



Awtomatikong naiatras ni Len ang isa niyang paa noong tumingin muli sa kanya ang pinuno ng Crescent.



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon