29 - Run Again

3.9K 344 105
                                    

I just found out that the male lead in the movie "Block Z" is also named Lucas.

I just found out that the male lead in the movie "Block Z" is also named Lucas

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.



-----



29 - Run Again



"Shit!"



Nanginginig man ang buong katawan dahil sa matinding kaba, walang inaksayang panahon si Kevin at agad na lumabas sa silid.



Saglit na napatingin si Gian kay Aiah na nasa loob pa din ng kulungan at tila paiyak nanaman. Walang salitang lumabas din siya ng silid at sumunod kay Kevin.



"Anong nangyayari?!"



Sa labas na ng bahay naabutan ni Gian ang binata na nagpapalingon-lingon sa paligid. Wala sa sariling ginaya niya ito hanggang sa matanaw niya si Jet, bitbit ang isang rifle, na tumatakbo palapit sa kanila.



"T-They're gone!" hinihingal na balita ni Jet.



Lalong napakunot ang noo ni Gian. "What do you mean they're gone?! Who?! Ano bang nangyayari?!"



"The fence!" biglang sigaw ni Kevin saka nagtatakbo patungo sa sirang parte ng bakod na gawa sa mga sanga ng puno.



"Again?" naguguluhang tanong ni Gian noong makalapit din at makita na ang mismong parte ng bakod na nasira noong madaling araw na hinabol ni Rina si Yuan at ginawa muli ng mga sundalo, ay nakabukas nanaman ngayon -- mas malawak kaysa dati.



Wala pa ding ideya sa nangyayari, napasunod na lamang ang binata noong lumabas sa bakod sina Jet at Kevin.



"Don't tell me Yuan's running again?!" sigaw ni Gian habang tumatakbo din sila.



"She's with Lucas!" sigaw din ni Jet.



"Who the fuck is chasing them?!"



Habang tumatakbo ay itinaas ni Kevin ang hawak na syringe at ipinakita kay Gian. "Sergeant Soriano accidentally pricked her finger with this!"



"That's not even a single fucking drop yet she started attacking us!" kwento pa ni Jet.



"Putangina!" Iyon na lamang ang nasabi ni Gian.



Patuloy sa pagtakbo ang tatlo kahit na hindi alam kung saan hahanapin sina Yuan at Lucas. Tinahak lamang nila ng dire-diretso ang daan hanggang sa makarating sila sa konkretong kalsada patungo sa kabahayan.



*****



"Sergeant! I'm tired!" reklamo ni Yuan habang tumatakbo.



2025: The Second HalfOnde as histórias ganham vida. Descobre agora