Chapter Three

1.3K 102 1
                                    

Black King Organization.

Kilala ang black king organization ng lahat dahil malaki umano ang naitutulong ng grupo sa mga foundations at charities sa bansa. Ngunit walang ka-ide-idea ang bansa kung sino-sino ang myembro nito. Pero sa grupo ni Barbara, hinahanting nila ang mga myembro nito dahil sa illegal na gawain. May mga taong palihim na hinihingi ang serbisyo nila upang gawin ang 'di kayang gawin ng gobyerno at batas ng bansa. Human trafficking ang rason kung bakit kinuha ang serbisyo niya. Ang grupo ay bumuo ng foundation para roon mismo kumuha ng mga batang babae at lalaki para sa illegal na gawain.

Gawain ng mga ito ay kumuha ng mga bata sa foundation at ibinebenta sa black market  o kaya'y ginagamit na pang-regalo sa mga kaibigan. Mapabatang lalaki o babae wala silang pinipili basta't mapapakinabangan. Base sa pag-imbestiga nila, may isang children's home na ang Black King Organization mismo ang namamahala. Ang mga batang palaboy, mga batang ulila at basta na lang iniiwan sa pinto ng children's home ang ginagamit nila sa mga activities ng grupo. Mga volunteers ang namumuno sa children's home, ang mga batang akala'y inaampon ay napupunta sa mismong "foundation" kung saan dinadala ang mga bata.

Nagpaalam saglit si Angel na magtutungo ng banyo ng mapansing tumayo ang isa sa kanila. Tumango lang si Zander na tahimik na umiinom. Nagmamasid sa grupo ng mga kalalakihang dumating. Alam niyang hindi lang simpleng unwind ang ginagawa ng lalaki. Pero wala siyang planong pakialaman ito.

Pagpasok pa lang sa banyo na may limang cubicle rinig na ni Angel ang mga halinghing at ungol ng mga tao sa loob. Kahit dinig sa lugar na ito ang tugtog sa loob mismo ng bar hindi pa rin maiwasan na may marinig na ingay mula rito sa banyo.

"Ahhh faster, faster! Make it hard!" ungol na naririnig niya. Siguradong isa sa mga babae ng club iyon. Mga willing gamitin sa kahit saang lugar basta't tama ang ibinabayad sa mga ito. Dinig niya ang dalawang tinig ng lalaki sa sumunod na cubicle. Alam na niya ang ibig sabihin niyon. Gaya nga ng sabi niya rito ng mga ito sa star Club nagagawa ang mga fantasies ng mga ito. Kapareha man ang lalaki o babae. Binalewa lang niya ang mahahalay na tunog na naririnig. Kumakalampag pa nga ang mga pinto. Iginala niya ang tingin sa banyo at agad niyang nakita ang lalaking sinundan patungo rito sa banyo. Hawak ang cellphone nito. Kampanteng-kampante na walang makikialam ng kung ano mang ang lumalabas sa bibig nito.

Pasimple siyang lumapit sa lababo kung saan nakatayo ang lalaki. Walang banyo ang mga babae sa club na ito dahil ang costumer lang na makakapasok ay mga lalaki. Ang mga staff ay mayroong sariling banyo.

Naghugas siya ng kamay, hindi pa rin siya pansin ng lalaki na ngayon ay may kausap pa rin sa cellphone nito.

"Oo, kailangan ko ng product ngayon! 'Yong bago, ideretso mo sa cabin!" ani nito. Nagawi ang tingin ng lalaki sa dalagang naghuhugas. Napangisi ito ng napansin ang kaseksihan nito. Bahagyang nakayukod kaya mas hantad ang bilugang pang-upo nito. Nakadama agad ng 'di maipaliwanag na pagnanasa sa babae.

"Sige sige, mamaya na lang!" nagpaalam na ito agad saka humakbang patungo sa lababo. Kunwariy naghugas ng kamay sa tabi ni Angel.

"Available ka ba?" napakamanyakis ng tunog ng tanong ng lalaki na bahagyang umusog upang madikit sa kanya.

"Naku sir, server lang ako rito!" mapang-akit niyang sabi na bahagyang humarap upang bigyan ng access ang mata nito sa malulusog niyang dibdib. Matagal din niyang pinag-aralan ang dapat na ikilos sa lugar na ito bago niya tinanggap ang misyon. Kaya 'di na siya naiilang pa.

"Malaki ako magbayad, magaling din!" sa isip ni Angel gusto na niyang putulan ng dila at hinaharap ang lalaki. Pero pinigil niya ang sarili dahil hindi pa sapat ang impormasyon sa kung sino-sino ang myembro ng organization na kinabibilangan nito.

Barbara : The Player (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora