Chapter Twenty

1K 64 2
                                    

Twenty

"Pakawalan n'yo ako! Sinabi nang pakawalan n'yo ako!" malakas na hiyaw ni Patrick Mor'le. Ngunit nakatikim lang ito nang malakas na suntok kay Tori. Maingay kasi, 'yon pa naman ang pinaka-ayaw ng dalaga.

Itinali ito sa upuang kahoy tulad ni Marlon Simoen.

At kahit anong pasag nito ay hindi ito makawala.

"'Pag ako nakatakas dito, papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo!"

Ang taong dapat proprotekta sa kanyang kapatid --- ito pa mismo ang nagparanas ng impyerno sa babaeng walang kalaban-laban.

"Tatiana!" sinulyapan niya ang bagong dating na dalaga.

"Yes, Barbara?"

"Pakibalatan naman!" malakas na natawa si Islah na kapapasok lang din ng silid. Tulad nila'y nakamaskara rin.

"Really? Are you sure Barbara? Gosh, this is so exciting!" ani ni Tatiana na excited na lumabas at mukhang kukunin ang mga gamit.

"Ano ba kasing kasalanan ko sayo ha?" galit nitong tanong.

"Sa akin? Wala, sa kapatid mo meron---malaki ang kasalanan mo!" ani niya.

"Sino ba kayo?"

"Us? Oh boy, we are just a nobody here! We just kill for----well for personal reason!" aniya.

"Tsk. Siguradong ililigtas ako ni Uno at Marlon!" confident na sabi nito.

"Marlon is dead, Alam mo ba 'yon?" lumarawan ang gulat sa mukha nito. Kaya bahagyang natawa ang dalaga.

"Yes, he's dead! Sa kabilang kwarto lang kani-kanina lang!" waring excited na sabi nito.

Saktong pumasok si Tatiana. Dala ang mga paboritong gamit nito. Nakabihis pa nga na akala mo'y doctor.

"Gusto mo bang manood?" tanong ni Tatiana. Ngunit umiling lang siya saka lumabas. Tatiana is weird. Paborito nitong i-torture ang mga target sa pinakamasakit na paraan. Balatan ng buhay ang target, tanggalan ng ngipin, kuko, mata, at marami pa na aminado si Barbara na 'di niya kayang sikmurain.

"Tori!" aniya paglabas pa lang ng silid.

"Tara na Barbara, ito na ang chance mo na makaharap si Uno!" bumuntonghininga pa ito na waring nahihirapan din sa sitwasyon ng dalaga.

"Let's go, let's do it!" sumunod sa kanila si Islah at Teri na back up ng dalaga.

Tahimik lang ito sa durasyon ng byahe. Kinausap siya ni Lady A, kinumbinsi na iba na lang ang tatapos ng misyon. Pero nagmatigas ang dalaga. Gusto niyang siya ang tatapos. Saka siya lalayo.

"'Pag natapos ito, makikita ka pa ba namin Barbara?" tanong ni Islah.

"Lalayo ako, pero hindi ibig sabihin no'n na kakalimutan ko ang mga taong tumuring sa akin na pamilya ko!"

"Tuparin mo 'yan, dahil magagalit talaga ako oras na kinamulatan mo kami!" ani ni Tori na nasa tabi niya. Minsan lang ito magsalita ng ganoon kaya nauunawaan ni Barbara.

"Mag-iingat ka, Barbara!" bilin ni Teri.

"Oo naman, ang tagal kong pinaghandaan ang araw na ito!" ani ni Barbara.

---

"I'm in!" dinig niyang sabi ni Tori.

Si Teri at Islah ang kasalukuyan nasa tuktok ng isang lumang gusali kasalukuyan ina-assemble ang mga sniper rifle nila.

"Position---ready!" ani ni Islah. "Kung 'di mo magawa, Barbara---ako ang kakalabit ng gatilyo!" ani ni Islah.

"Y-eah!" tipid niyang sagot.

Barbara : The Player (Completed)Where stories live. Discover now