Chapter Seven

1.1K 89 0
                                    

Chapter Seven

"Alexander Simoen, he's adopted son of Marlon Simoen, a businessman---a billionaire businessman!"

"Hindi ko mahanap ang tunay n'yang pangalan, it's either hindi siya rehistrado o may bumura ng lahat ng records niya!" ani ni Tori na kaharap na niya ngayong nakaupo. Sa tapat nito ang laptop nito at siya ang folder na ibinigay nito.

"Hinahanting n'ya ang B.K.O, dahil sa girlfriend nya!"

"Girlfriend?" takang sabi ni Barbara . Ayon dito ng nakausap niya ito wala itong kasintahan, pero na realize rin ni Barbara na nasa club nga pala sila. At walang totoo sa lahat ng bagay sa lugar na iyon. Akala pa naman niya dahil sa mga tunay nitong magulang kaya hinahanting nito ang Black King Organization.

"Oo!" may dinampot itong larawan. Saka ibinigay sa kanya.

"S'ya si Inna, Alexander's girlfriend. Mag-pro-propose na sana si Zander sa nobya n'ya ng hindi sumipot ang babae. Natagpuan na lang itong nakasabit sa kisame ng kwarto nito---ayon sa imbestigasyon ng pulis suicide raw ang dahilan, pero sa isip ni Zander ay may kinalaman ang grupo!"

"Bakit naman niya naisip na dahil sa B.K.O?"

"Dahil itong si Inna ay may kaugnayan sa grupong ito!"

"Talaga? Interesting!" aniya na napasipol pa.

"Pero dahil limited pa lang ang meron tayong impormasyon sa Black King Organization 'di pa sapat 'yon para malaman natin ang ugnayan ni Inna----"

"No need na, wala akong pakialam sa Inna na 'yan, ang alam ko lang ay magagamit ko itong lalaking ito sa grupong iyan!" nangingiting sabi niya.

"Paano mo naman 'yon gagawin?"

"Simple lang, ikaw ang gagawa no'n para sa akin---no traces my dear!" ani ni Barbars na dinugtungan ng mahinang tawa mula rito. Tiyak na magulo ang emosyon ng lalaking iyon ngayon at pwede niyang magamit ang pagkawala ng kasintahan nito para umayon ang lahat sa kanyang plano.

"Ok, no problem!" nakakaunanwang sabi ni Tori.

"Paano ba 'yan, aalis na ako! Madami pa akong tratrabahuin ngayon!"

"Mag-iingat ka, tawag ka lang!" yumakap siya rito saka nagpaalam. Bitbit ang folder na umalis siya ng unit nito. Pagbaba niya sa first floor kung saan paboritong tambayan ng grupo nakita niyang abala ang mga ito sa kung ano-ano.

"Si Islah?" aniya. Wala kasi ito sa umpukan.

"Nasa field!" turo nito sa shooting area kung saan may mga kasamahan silang kasalukuyang nag-eensayo.

Lumakad siya patungo roon. Pagtapak pa lang niya sa field, malakas na ingay na ng mga de kalibreng baril ang maririnig. Kung normal na tao lang siguro siya, automatic na magtatakip siya ng tenga. Pero hindi, sampung taong gulang pa lang siya noong unang nakahawak ng baril---unang beses makapatay gamit ang baril na iyon.

Lumapit siya sa tabi ni Islah na focus sa paglalagay ng bala sa baril nito. Inilipat niya sa lamesang kahoy ang folder. Dumampot ng baril, sinuri iyon kung may bala at ng makitang loaded iyon saka niya ikinasa at itinutok sa target.

Muntik pa siyang matawa ng makita ang target ni Islah.

"So sino naman itong target mong 'to? Gwapo ha!" biro niya. Waring sinisipat ang angulo ng target habang nakaumang dito ang hawak na baril.

"'Yan 'yong babaunan ko ng bala sa noo kapag nagkita kami!" ani ni Islah na 'di tumigil sa pagkalabit nito sa gatilyo hanggat 'di nauubos ang laman na bala. Wasak-wasak ang larawan na idinikit sa flywood.

"Nice shot!" aniya. Nang makita ang sinapit ng target. Madalas nitong sabihin na mas mahusay siya kesa rito----siguro nga may iba't iba lang silang specialty sa larangang ito. Islah is the best in distant fighting. Using her baby sniper rifle mabilis nitong natatapos ang trabaho nito.

"Tss, pa-humble ka pa Barbara, alam nating pareho na kahit nakapikit ka kaya mong bumaril ng walang mintis!" ani nito, lumakad patungo sa flywood na sira-sira. May hawak na itong mansanas sa kaliwang kamay. Alam na ni Barbara kung ano ang ibig sabihin ni Islah sa ginagawa nito.

Tatayo ito habang hawak ang mansanas na target niya. Masyadong kumpyansa ito sa kakayahan niya.

Bumuntonghininga siya saka iniumang ng maayos ang baril. At ng matiyak na ang target walang pag-aalinlangan na kinalabit niya ang gatilyo. Maya-maya lang sunod-sunod na palakpak ang narinig ni Barbara. Palapit na si Islah. Nanonood na rin pala ang iba nilang kaibigan.

"Nice shot, Barbara!" ani ni Islah ng makalapit.

"Tsk, alis na ako!" aniya sabay dampot ng folder at umalis. Iniwan ang mga kaibigan na natatawa sa reaction niya. Sanay na rin sa ugali niyang pabago-bago.

"Baka nakalimutan mong ako ang driver mo!" ani ni Islah. Nilingon niya ito. Oo nga pala.

---

"Bakit n'yo ba kami kinulong dito? Anong kailangan n'yo sa amin ha?" Masungit na sabi ng anak na babae ni Christopher Laurel. Umupo si Barbara sa upuang nasa harap nito. Hindi naman sila nakagapos hindi nga lang siya makatakas dahil nasa isang Isla ang mga ito na ang paraan lang para umalis sy bangka o yate. Unless lalanguyin nila ang lugar. Magdidilim na ng makarating si Barbara at Islah. Nakasuot sila ng maskara na nagkukubli sa kalahati ng kanilang mga mukha.

Pati mata ay may contact lenses din upang makasigurado.

"Simple lang, dahil sa Papa mo!"

"Ano bang kasalanan ng Daddy ko sa inyo? Mabuting tao ang Daddy ko! Kailangan n'yo ba ng pera, sabihin n'yo lang!" natawa sila ni Islah sa kayabangan ng dalaga.

"Tanungin mo kaya ang Mama mo, Misis Laurel, why not tell your daughter about your husbands' work?"

"Ano ba 'yang sinasabi n'yo, mabuting tao ang asawa ko!" depensa ng ginang. Wala ba itong alam o nagmamaang-maangan lang ito?

Lumapit si Barbara sa ginang at hinaklit ang panga nito.

"Galingan mo pang magsinungaling! Baka putulin ko 'yang dila mo!" aniya saka binitiwan ito.

Sinulyapan niya si Islah.

"Nakikinig s'ya!" ani ni Islah saka iniabot ang cellphone sa kanya.

"Ohhh, say hi Daddy!" ani ni Barbara sinabayan pa ng nakakatakot na tawa mula rito.

"Ano bang gusto mo, kung sino kang Barbara ka? 'Wag mong sasaktan ang pamilya ko!" mariing sabi ng lalaki. Nanggagalaiti sa galit.

"Gusto mo?" aniya na sinulyapan ang mag-ina nito saka tumayo. Sumenyas siya kay Islah na lalabas lang. May mga armadong bantay rin ang mag-ina kaya tiwala silang 'di makakagawa ng paraan ang mga ito na makatakas.

"Gusto kong sundin mo lahat ng sasabihin ko, o baka gusto mong babuyin ng mga tauhan ko ang maldita mong anak!" aniya na bumungisngis ng tawa.

"Ano bang gusto mo?" mabilis na sagot ng lalaki.

"Ibigay mo sa akin ang pangalan ng mga pinuno ng Black King  Organization!" ani niya. Nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya.

"Ayaw mo ba?"

"G--usto, gusto! 'Wag mo lang sasaktan ang mag-ina ko!" pagmamakaawa nito.

"Madali ka lang palang kausap! One of this days bibisitahin kita. Wait for me okay?" aniya na bago patayin ang tawag ay tumawa muna ng nakakaloko saka ibinaba iyon. Kung demonyo ang mga ito, siya naman 'yong tipo na handang magpakademonyo para lang magdusa ang mga ito.

Wala ng santa sa panahon ngayon. Mas madami ang demonyo at magaling manggago. At isa na siya roon.

Barbara : The Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon