Chapter Five

1.2K 96 1
                                    

Chapter Five

"Angel, tumable ka raw doon sa costumer mo!" natigilan si Angel at takang tinignan si Cloe. Nakangisi ito na waring natutuwa pa.

"Costumer?"

"'Yong Zander!" ani nito na napahagikgik pa. Ilang beses ng bumalik si Zander simula ng makilala niya ito. At sa tuwing nagpupunta ito, bukod sa mga bodyguards ay wala na itong kasama. Mag-isang umiinom at nakikipag-kwentuhan sa kanya. Pero malakas makiramdam si Angel, hindi siya kumbinsido na siya ang binabalikan dito ng lalaki.

Madalas itong nakatutok ang atensyon sa isang grupo ng mga VIP's ng club. Umoorder ito ng mga alak ngunit 'di ito tulad ng iba na nilalaklak iyon. Sumisimsim lang at bahagyang nakikipag-kwentuhan sa kanya.

Gaya ng ayos niya para na naman siyang babaeng bayaran. Pero wala naman siyang pakialam. Kung makukuha niya ang gusto sa ganitong paraan---mas mabuti.

"Nandito ka ulit!" nginitian niya ito at naupo sa tabi nito and as usual, hinubad na naman nito ang jacket nito at ibinalot sa kanya. May pagka gentleman ang loko. Samantalang ang ibang costumer kulang na lang makipagtalik na sa mga babaeng katabi ng mga ito.

"Katatapos lang sa trabaho!" aniya na titig na titig dito. Napakagwapo talaga nito. Papasang modelo lalo pa't maganda rin ang katawan.

"So ganito ka mag-relax? Paano ang pamilya mo, asawa?" sumulyap ito kay Angel. Ngumisi ang lalaki.

"Wala akong asawa!" ani nito saka nag-iwas ng tingin.

"Girlfriend? Imposibleng wala, sa gwapo mong 'yan!" aniya na waring sinusuri ang kabuuan nito. Napansin niya ang ngisi sa labi nito.

"Wala, I'm not into commitment!" tumango-tango siya. Isa pala to sa mga lalaking allergic sa commitment.

"Sabagay, sa gwapo mong 'yan kahit walang commitment papatusin ng babae!"

"Ikaw ba?" Tanong ni Zander.

"Ako? Umaasa rin naman ako na may darating na lalaki sa buhay ko, 'yong handang tanggapin kung ano akong klase ng babae. 'Yong hindi lang katawan ko ang gugustuhin sa akin, 'yong kayang bigyan ako ng rason para pagkatiwalaan ko sila!" aniya na ngumiti rito.

"Gusto mo bang umalis na ng club?" tanong nito.

"You mean---- umuwi na?"

"Nope, I mean huminto na sa pagtratrabaho rito!"

"Kung ganoon lang sana kadali, pero hindi eh. Madami pa akong responsibilidad!" aniya na bahagyang napabuntong hininga dahil nahihirapan siyang magsinungaling sa lalaki. Hindi naman kasi ito mahirap kausap.

"I can help you to start again!" sabi ni Zander sa kanya.

"Bakit? Plano mo ba akong ibahay? Ayoko ng gano'n, gusto ko kasal!" sabi niya na sinabayan ng tawa. Nakita niyang natigilan ito kaya mabilis siyang nagsalita."Joke Lang!"

Hindi na kumibo ang lalaki. Naagaw ang atensyon nila ng mapansin ang gulo, ilang table bago sa kanila.

"Mukhang nakarami na ng inom!" ani niya.

Tumayo siya at nagpaalam saglit kay Zander.

Lumapit siya sa nag-umpukang mga tao. May mga bouncer na roon pero may isang lasing na nagwawala pa rin.

Napansin niya si Cloe na takot na takot nakaalalay rito ang isang bouncer.

"Bakit?" aniya sa kaibigan.

"Eh kasi, pinipilit niya ako! Sinabing ayaw ko nga!" sumbong nito. Sumenyas si Angel sa bouncer na ilayo si Cloe.

"Stop!" aniya sa lalaki na akmang hahabol kila Cloe. Mabilis siyang humarang at ang mga bouncer na naiwan.

"Ohhh ito, gusto ko rin to!" ani nito na ngumisi pa sa kanya. Akmang hahawakan siya ng may humablot dito. Nang tignan ni Angel, ang binatang kasama niya kanina pala. Patulak nitong binitiwan ang lasing na lalaki. Agad na lumapit si Angel kay Zander at humawak sa braso nito. Ayaw niya ng gulo. At ayaw niyang masangkot pa ito.

"Ilabas n'yo na 'yan at 'wag ng payagang makabalik dito!" mariing utos niya na sinigundahan ng kadarating na manager nila. Bawal ang ganoong uri ng costumer dito. Kahit gaano pa sila kayaman.

"Balik na tayo sa table natin!"

"No, ako ng bahala sa manager mo ihahatid na kita pauwi!" ani nito. Bahagyang tumingin si Angel sa table na palihim niyang binabantayan. Ngunit agad siyang napalingon kay Zander ng hilain siya nito patungo sa manager niya.

"Naku Zander, hindi pwedeng ilabas si Angel!"

"Ihahatid ko lang sya Manager Boy. Ako ng bahala sa kita n'ya ngayong gabi!"

Tinignan siya ng manager ng club. Waring sa titig nito ay tinatanong siya kung sang-ayon siya.

"Sige payag po ako!" Aniya na tinignan si Zander. "Magpapalit lang ako, ikaw ng bahala sa cashier!" agad tumango ang lalaki at tinahak ang daan patungo sa cashier.

Si Angel naman ay tinungo si Cloe na nasa locker room na.

"Uuwi na ako Angel, nag-text kasi 'yong bantay ng anak ko! Nilalagnat daw!" naiiyak nitong sabi. Kahit ganitong uri ng trabaho ang meron ito alam ni Angel na mabuting ina ito.

"Sige, ingat ka!" aniya na tinapik ang balikat nito. Naiwan siyang mag-isa sa locker room. Kinuha niya ang bag kung saan nakalagay ang bihisan niya. Naghilamos lang siya tinanggal ang make up na nasa mukha. Saka nagbihis.

---

"Kahit d'yan na lang sa kanto!" ani ni Angel. Laman na naman siya ng umpukan bukas oras na magpahatid siya sa looban. Isang beses pa lang siyang inihatid ng naka kotse ay 'di na nawala sa isip ng mga kapitbahay niya. At oo nagsinungaling siya kay Trina ng sabihin niyang costumer niya ang naghatid sa kanya. Malapit niyang kaibigan iyon na may mahalagang ibinalita sa kanya. Baka kasi magtaka si Trina bakit siya may kaibigan na :di man lang na bangit dito.

"Ihahatid Kita!" ulit nito.

"Hindi na!" muling tangi niya. Ngunit sumama lang ang tingin nito sa kanya. Mukhang hindi sanay ang loko na tanggihan. Wala tuloy siyang choice kundi ituro rito ang bahay na tinutuluyan niya.

"'Yong tapat ng tindahan!" aniya. Huminto ang sasakyan ng nasa tapat na ng bahay niya."Gusto mo bang magkape?"Nakakahiya naman kasi kung hindi man lang niya offer-an ng maiinom ang lalaki. Nakasunod pala sa kanila ang sasakyan ng mga bodyguards nito.

"Sige, kausapin ko lang sila!" tumango siya at nauna ng pumasok sa gate. Hinayaan niyang bukas iyon habang sinunod niyang buksan ang pinto ng kanyang bahay.

Napansin niyang umatras ang sasakyan, mukhang pinauwi nito ang mga bantay. Saka sumunod ito papasok sa kanyang bahay.

"Pasensya na maliit lang 'tong bahay ko!" aniya habang naghuhubad ng sapatos."Upo ka!" itinuro niya ang sofa.

Pagkatapos niyang hubarin ang sapatos ay nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape ng bisita.

"Safe ba 'tong lugar n'yo?" nagulat siya ng nakitang nakasandal na ito sa pintuan ng kusina niya habang nakapamulsa.

"Safe naman!" tugon n'ya sabay abot ng kape rito."Sanayan lang siguro!" nagkibitbalikat na sabi niya. Sanay naman kasi talaga s'ya. Kahit nga yata nakapikit s'ya kapag umatake ang kalaban ay kayang-kaya n'ya.

Kinuha rin niya ang kape niyang tinimpla.

"Mas maganda ka kapag wala kang make up!" ani nito. Napangiti si Angel.

"Talaga ba?" biro niya rito.

"Yes!"

Naglakad siya palabas ng kusina. Sumunod naman ito. Umupo siya sa sofa saka tinap ang bakanteng pwesto sa tabi.

"Nasaan ang family mo?"

"Ahh, wala nasa probinsya!" aniya saka nag-iwas ng tingin.

"Ikaw?"

"Wala na! Ulila na!" tugon nito sa tanong niya.

"---pinatay sila!" dugtong nito. Kuyom na kuyom ang kamao blanko ang expression ng mukha.

Barbara : The Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon