Chapter Nine

1K 77 0
                                    

Chapter Nine

"Okay na si Nanay, pero kailangan daw n'yang mag-stay sa ospital!" ani ni Trina. Dumaan ito sa bahay n'ya. Dala na ang gamit na dadalhin nito sa ospital. Magpapahinga raw muna ito dahil 'yon ang bilin ng ama nito.

"Magpahinga ka na, babalik ka pa sa ospital! Ito oh, gamitin n'yo muna nila Nanay!" malaki kasi ang gagastusin nito dahil kagabi rin kinailangan ng emergency operation ang matanda. Alam ni Ara na malaki ang gastusin sa ospital. Sa tulong kagabi ni Zander naayos agad ang operasyon at hindi ito umalis sa tabi ni Ara.

Tulog na si Trina sa silid niya ng marinig ang ugong ng sasakyan. Kilala na niya ang tunog na iyon.

"Zander!" aniya ng pagbuksan ito ng gate. Umugong na naman ang bulungan ng mga kapitbahay niya sa harap ng tindahan ni Aling Ditas.

"Pasok!" aniya na niluwagan ang pagkakabukas ng gate. May kinuha pa ito sa likod ng sasakyan ng ilang supot ng groceries.

"Para saan 'yan?" tanong n'ya rito.

"Para rito sa bahay mo!" tugon nito na nagsimula ng humakbang papasok sumunod na lang siya rito. Siguradong maiintriga si Trina oras na makita nito ang gwapong lalaki sa bahay niya. Nagkita na ang mga ito kagabi pero sigurado si Ara na wala sa wisyo ang kaibigan niya.

"Magluluto ako, kumain ka na ba?" tanong niya rito.

"Hindi pa!"

"Tara sa kusina!' tumango si Zander.

"Mukhang marami 'yan, ah?" puna nito ng makita ang hinahanda ko.

"Si Trina kasi nasa kwarto ko! Nagpapahinga, babalik din sa ospital papabaunan ko!" aniya.

Pinapanood lang ni Zander ang kilos ng dalaga. Hindi maikakailang maganda talaga ito. Perpekto ang hugis ng katawan na 'di naikubli ng pajama at t-shirt na suot. Magulo pa ang buhok na waring basta na lang itinali.

"Stop staring!" ani ni Ara rito.

"Angel----"

"Wala tayo sa bar, you can call me Ara!" aniya na nginitian ito. Lumapit ang lalaki saka tinignan ang niluluto niya. Huminga ng malalim si Ara ng maramdam ang pagkakadikit nito sa kanyang likuran. Maya-maya lang pumulupot ang kamay nito sa kanyang bewang, ang baba ay ipinatong sa kanyang balikat.

"W-hat are you doing?" aniya rito na hindi magawang lingunin ito dahil oras na gawin niya iyon siguradong malalagay siya sa mas awkward na posisyon.

"Watching!" tugon nito na waring komportable sa ginagawa.

"Kailangan bang ganyan ang posisyon?" ani niya na ipinagpatuloy ang paghahalo sa nilulutong adobo.

"Mas masarap kapag ganito!" napangiti na lang si Ara. Hanggang sa naluto ang ulam ay nasa ganoon pa rin itong pwesto.

"Magsasandok na ako, upo ka na!" aniya. Saka lang ito bumitaw.

"Mukhang madami akong makakain!" nakangiting sabi ni Zander at nagprisinta pang maglalagay ng plato sa mesa . Hinayaan na lang niya itong gawin ang gusto. Nang nakapwesto na sinimulan ni Ara na lagyan ng kanin ang plato nito.

"Hindi ka busy sa trabaho mo ngayon?" aniya.

"Nope, I have my men to do all the works for me!"

"Kaya pala malakas ang loob mong tumambay rito 'no?"

"Yeah!" ani nito na magana ng kumain.

"A--ra?" natigilan sila ng marinig ang boses ni Trina ng bumungad ito ng kusina. Halatang kagigising nito pero nanlaki na ang mata ng makitang may kasama siya sa kusina.

Barbara : The Player (Completed)Where stories live. Discover now