Chapter Fifteen

1K 67 0
                                    

Fifteen

"Uno--- dapat sa inyong tatlo, ikaw ang mahuli!" usal ng dalaga habang nakatingin sa larawan ng lalaki. Tumayo siya sa kinauupuan at idinikit sa board na salamin ang mukha nito kasama ang larawan ni Marlon Simoen at Patrick Mor'le. Sa kanilang tatlo ang pinakabata ay si Patrick.

Base sa mga impormasyon na mayroon si Barbara at galing kay Tori, ay 15 years ang agwat nito sa kapatid na si Inna. Pumalit sa pwesto ng uncle nito.

Biktima si Inna--- dahil sa pagiging mahina nito na control ang buhay nito ng mga demonyo. Pare-pareho pa naman may sakit sa utak ang tatlo. Nabuo ang organization ng mga ito dahil sa kakaibang fetish ng mga ito pagdating sa pakikipagtalik. Na hindi nila makuha sa mga kapareha nila. At nakukuha nila iyon sa ibang tao. Hanggang sa ang libangan nilang iyon ay ginawa na nilang negosyo hanggang sa lumaki ng lumaki ang sakop ng operasyon ng mga ito.

Lumabas na sa social media ang mga pangalan at larawan ng mga taong involve sa black organization nito. Pwera sa mga pinuno nito. Para kay Barbara, hindi sapat ang makulong ang mga ito. Napakarami nilang sinirang buhay. Involve man or hindi sa organization ay naaapektuhan pa rin.

Tulad ni Zander.

Mapapatawad kaya niya ang taong gumawa no'n sa kasintahan nito? Iniangat niya ang maliit na notebook na nakuha niya sa kwarto ng ama nito. Doon din niya nakuha ang mga larawan, at mga pangalan ng nasa grupo. Mga politiko at negosyante ang karamihan sa suki ng mga ito. Sa huling pahina ng notebook ilang mga bagong pangalan na kilalang mga celebrity sa bansa. Napakababoy nila.

"So what is your next plan?" sinulyapan niya si Islah na tahimik sa couch at pinapanood siya. Hindi rin niya natiis na ilihim sa kaibigan ang mga nalaman niya. Makulit ito at alam niyang gusto nitong makatulong.

"Papatayin ko silang lahat, sa pinaka masakit at pinakamalupit na paraan!"

"Alam kong kaya mong gawin 'yan, pero---kakayanin mo ba sa pangatlo!" turo nito sa larawan ni Uno.

"Oras na magharap kami, kung 'di ko man makalabit ang gatilyo ng baril ko----ikaw ang gagawa no'n para sa akin!" ani niya.

"Sigurado ka?" gulat na sabi nito. Alam ni Islah na ang misyong ito ni Barbara ang pinakamasalimuot na trabahong ginawa nito. Alam nya ang pinagdadaanang hirap nito sa bawat sandali na lumilipas at tumatagal ang misyon. Matagal na niyang nakasama ang dalaga, hindi man niya madalas mabasa ang iniisip nito alam naman niya kung kelan siya dapat at hindi dapat makialam sa mga gusto nito. At sa hinihingi nitong pabor---walang pag-aalinlangan niyang gagawin iyon. Kahit pa---- mariing bumuntong hininga si Islah.

"Alam mong nasa dulo ang pagsisisi Barbara---oras na 'di mo magawa hindi ako mangingiming gawin ang sinabi mo! I want to end this war of yours. This is too much, especially for you!"

"'Wag kang mag-aalangang, dahil ayaw ko ring pagsisihan sa huli na 'di ko na tapos ang mission ko!"

"Noted!" muli niyang sinulyapan ang mga larawan.

"'Pag na tapos ba ito, may balak kang balikan ang mga taong naghihintay sa'yo?"

"Wala akong lugar sa mundo ng mga taong iyon! Alam nating pareho na walang tatanggap sa tunay na ako"

"Tunay na ikaw? Bakit ano bang tingin mo sa sarili mo?"

"Masama, demonyo nga eh! Sila---madami pang magandang mangyayari sa buhay nila, mga panibagong tao na darating para palitan ako!"

"No Barbara, sa lahat ng tao sa gusaling ito kami nila Tori ang nakakakilala sayo, kung gaano kadilim ang nakaraan mo--kung paano mo sinubukang iahon sa kadiliman ang sarili mo! Mabuti kang tao, alam nating pareho 'yan!"

Tinignan ni Barbara ang mga palad.

"Sa dami ng buhay na kinitil ng mga palad na ito, malabo 'yang sinasabi mo!"

"B--arbara!"

"'Pag na tapos ko ang mission, aalis ako!" nanlaki ang mata ni Islah. Alam naman niyang sa dami ng mission na hinawakan ni Barbara, ang kasalukuyan mission nito ngayon ang matagal na nitong pinangarap tapusin. So ibig sabihin iiwan na sila nito.

"Iiwan mo kami?" m1alungkot na tanong niya.

"Alam nating lahat , na pag natapos na ang mga personal na misyon ng bawat isa ang sunod na action nila ay lumayo! Tapos na ang laban nila---gano'n din ako, Islah! Gusto kong sumubok ng bagong buhay na hindi na titignan pa ang nakaraan ko!"

Naunawaan naman ni Islah ang ibig nitong sabihin kaya tumango siya. Ganoon din naman siya eh. Ang personal na misyon na pinaghahandaan niya ang huling misyon na gagawin niya. Kailangan nila ring magdesisyon na labas ang grupo nila. Kahit pa naging parte ito ng kanilang mga buhay. Kailangan nilang bumitiw sa taong kanilang sinasandalan at kinakapitan ngayon.

"'Wag kang mag-alala hindi naman ibig sabihin no'n na kakalimutan ko rin ang mga taong naging pamilya ang Turing sakin. Kung kakailanganin pa rin ninyo ako---tutulungan ko kayo! Tulad ng ginawa ninyo sa akin!"

Nangilid ang luha ni Islah.

"Ano ba naman 'tong usapan na 'to bakit ang emote-emote , ano bang nakain mo?" ani nito at yumakap sa kanya.

"I---slah? Sa tingin mo ba kaya kong magbago? O kailangan ko pang mamatay at ipanganak muli?"

"Baliw, syempre kaya mo! Pwede ka ring bumuo ng pamilya mo! Mag-asawa at magkaroon ng maraming anak! Kaya mo 'yan Barbara---kaya mong sumaya ulit!" naglandas rin ang luha ni Barbara sa sinabi nito. Takot na takot kasi siya ngayon. Parang na wala sa katauhan niya 'yong matapang na batang babae na binuo at hinasa niya sa loob ng maraming panahon.

---

"Tingin ka nang tingin sa picture n'ya, ganda 'no?" ani ni Trina na nahuli siyang nakatitig sa larawan ng kaibigan nito. Kuha ito sa bar. Masaya ang kwentuhan nila ng panahong ito. Ewan niya kung ganoon ba ang nararamdaman ni Angel, pero siya ng mga panahon iyon ay masaya. Ngayon aminado na siya sa sariling gusto na niya ang babae. Pero nasaan na ba kasi ito? Bakit nito ibinigay sa kanya ang sarili nito kung kinabukasan ay iiwan din pala siya at maglalahong parang bula.

"Hindi ka ba galit na nagsinungaling siya sa atin?" tanong ni Zander.

"Galit? Hindi 'no, kaibigan ko 'yon kung nagsinungaling man siya about sa family niya ayos lang kasi siguradong may rason naman siya!" ani ni Trina. Kasama sa pinaimbestigahan ni Zander ay ang pamilya nito sa probinsya na sinabi ni Trina pero wala silang nakuhang impormasyon.

"Kung ano man ang dahilan wala na akong pakialam doon, basta bumalik s'ya!"

"Tsk, sobrang ganda ng kaibigan ko 'no humaling na humaling ka!" natawa si Zander.

"Ano nga palang balita kay Toto? Sumuko na ba? Tsk, magaling ba ang kaibigan ko!" malakas na sapuk ang tumama sa batok ni Zander mula kay Trina na pulang-pula ang mukha.

"Aray ha, pag nalaman ni Ara na ginawa nyong motel 'tong apartment nya, ewan ko na lang!" aniyang natatawa saka mabilis na iniwan ang dalaga sa sala.

Barbara : The Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon