Chapter Sixteen

985 66 2
                                    

Sixteen

"Dude, you need to see this!" ani ni Juan saka inilapag sa harap niya ang laptop nito. Iginilid pa ang laptop niya Kung saan kasalukuyan siyang nagbabasa ng reports mula sa opisina.

"What is that?"

"That person wants to meet you, the one who sends some tips!" mabilis niyang binasa ang bukas na email na tinutukoy nito. At tama nga ang lalaki dahil ayon sa email ay gusto nitong makipagkita sa kanya. Hindi naman siya natatakot dahil bukod sa kaya niyang protektahan ang sarili ay wala rin naman siyang natatandaan na kasalan dito.

"Anong plano mo?" tanong ni Juan.

"Haharapin ko s'ya, baka may impormasyon pa siyang alam tungkol sa mga pinuno ng organization! Maski si Papa ay walang alam ni katiting na impormasyon sa mga pinuno!"

"Dude, hindi ba delikado?"

"Alam nating pareho na oo, pero kung 'di ko haharapin ang taong ito----sino ang kikilos para sa akin? Baka sakaling may makuha rin akong impormasyon kung nasaan si Ara!" ani niya. Malapit ng mag-isang buwan ng mawala ito. Ni walang paramdam kung ano na ang lagay nito.

"Tinamaan ka na talaga dude!" biro ng kaibigan na pabirong sinuntok ang kanyang braso.

"Ako lang ba? Sino kaya sa atin 'yong nanliligaw na sa magulang?" napasimangot agad ang kaibigan.

"Bwisit na babae kasi 'yon napakaarte, tapos panay pa ang kausap doon sa Toto na 'yon! Kailangan mas advance ang diskarte!" ani nito.

"Sobrang advance na nga eh, 'pag nalaman talaga ni Ara ang ginawa ninyo lagot kayo roon!" nahuli kasi niya ang dalawa sa silid ni Ara na natutulog. At 'di siya ipinanganak kahapon para hindi maunawaan ang ginawa ng mga ito.

"Tang'na dude, sasabunutan ko talaga 'yong Trina na 'yon oras na makita ko silang magkasama na naman ni Toto!" natatawang binatukan niya ito. Parang aso at pusa kasi ang mga ito pero hindi siya manhid para 'di maramdaman ang attraction ng dalawa sa isa't isa.

"Mabait si Trina, gano'n lang ang bibig ng babaeng 'yon kaya umayos ka!"

---

"Bakit kailangan ako ang magpakita?" nakasimangot na tanong ni Islah sa dalawang kaibigan na nasa harap niya.

"Pwede naman kasing i-send mo na lang!" panay ang reklamo nito habang inaayusan ni Barbara.

"Madami siyang tanong na siguradong ibabato sa iyo, makinig ka lang sa sasabihin ko!" ani niya.

"Kamukha ko na ba si Selena Gomez?" tinignan ni Barbara ang kaibigan sa salamin. Salamat sa make-up dahil malabong makilala ito, kamukha na nito si Selena Gomez sa ginawa niyang ayos sa buhok at mukha nito.

"Hintayin mo lang ang lahat ng instructions sa'yo ni Barbara!" ani ni Tori na iniabot ang device na gagamitin ng dalaga. Si Islah na ang naglagay no'n sa kanyang tenga.

---

Sa isang hotel ang sinabing lugar ng taong gustong makipagkita kay Zander. Particular sa isang silid. Nang dumating siya roon, inabutan niya ang isang babae na nakaupo sa kama. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Hi, I'm Selena!" ewan ni Islah kung bakit siya natawa. Nadinig pa niya ang reklamo ni Tori na kelan daw ba siya titino.

"I'm Zander Simoen!" naglahad ito ng kamay ngunit hindi tinanggap ng dalaga.

"Upo!" ani ni Islah sabay turo sa bakanteng upuan na nakaharap sa tv.

Sumunod din si Islah sa lalaki.

"May nakikinig sa usapan natin, Ewan ko ba sa taong ito at ako pa ang inutusang makipag-meet sa'yo!"

"Shut up, Islah!". malakas na sabi ni Barbara. Mali pa ata siya ng na pili na gagawa ng mission na ito. Natawa naman si Teri na nakahiga sa kama. Nasa kabilang silid lang sila. Siya , si Teri at Tori.

"Ano ba ang gusto mong malaman?" tanong ni Islah. Gaya ng napag-usapan nila ni Barbara. Tatanungi lang nito ang lalaki ng mga gusto nitong malaman. At sasagutin ni Barbara saka si Islah ang sasagot sa binata.

"Ano ang nangyari kay Inna?"

"Sino 'yon? Jowa mo?" ani ng kaibigan niya. Baliw talaga, kilala naman nito ang tinutukoy ng binata.

"Gaya ng iniisip mo, may kinalaman ang organization!"

"Friend pwede bang ibigay ko na lang 'yon device kayo na mag-usap?"

"Stupid girl!" usal ni Barbara. Ano na naman bang problema nito.

"Fine, Zander naniniwala ka ba sa sapi?"

"What sapi, Islah? Girl, stop it! Don't ruin the plan!" na-es-stress na sabi ni Barbara. Habang ang dalawang katabi ay tawa nang tawa na nakikinig at nanonood sa tv kung ano ang nagaganap sa kabilang silid.

Hindi tumugon si Islah. Wari itong nangisay sa kinauupuan nito na ikinabahala ni Zander. Akmang tatayo si Zander para lapitan ito ng umangat ang kamay ni Islah sumenyas na maupo siya.

"Sinasapian na ako!" umani ng malutong na tawa kina Tori at Teri ang sinabi ni Islah habang si Barbara pabagsak na humiga sa kama. Ang tagal pa nilang brinifing ang dalaga sa gagawin nito. But Islah is Islah, may mga diskarte ito na sumasabay sa trip nito sa buhay.

"Okay, sinasapian ka nino?" hindi malaman ni Zander kung matatawa siya at seseryosohin ang sinasabi ng babae na kamukha ni Selena Gomez. Pero sure siyang make-up lang iyon, Lalo na't sikat ang ganitong paraan ng panggagaya.

"----ni Inna! Ay ako na 'to si Inna!" bigla itong humagulgol ng iyak."Don't worry, water proof 'tong make-up ko!" ani nito.

Tumayo ito at biglang lumuhod sa harapan ni Zander. Halos napakislot pa sa gulat ang binata sa ginawa ng babae. May tama ata sa utak ito.

"P-inagsamantalahan nila ako! Binaboy ang pagkababae ko! Zander Mahal ko!"

"Puta, nakalas na ata ang turnilyo ng utak nitong bruhang to!" dinig ni Islah ang sinabi ni Barbara at ang malakas na tawa ng mga ito, na kahit ang kaibigan si Barbara ay natatawa na rin.

"Isinabit nila ako, Zander! Dalawa sila! Tulungan mo ako---kailangan nilang magdusa!" ani nito na nilakasan pa ang paghagulgol.

"Best actress ang Gaga!" sabi ni Tori na maluha-luha pa sa pagtawa.

Alam ni Zander na kahit may pagkabaliw ang babae ang mga impormasyon na sinasabi nito ay posibleng totoo.

"Ano bang ibig mong sabihin!"

"Play the video!" ani nito na biglang tumayo."Hoy, play the video na!" ani nito na napapadyak pa.

Biglang bumukas ang tv at nag-play ang video na kuha sa silid ni Inna. Ngunit ang mga kasama nitong lalaki ay blurred. Parang na tulos sa kinauupuan si Zander. Pigil ang hiningang nag-antabay sa susunod na mangyayari.

Hanggang sa hinablot ito ng dalawang lalaki. Pinagtulungang hinubaraan at sabay na nagpakasasa sa katawan ng dalaga.

"Stop!" huminto ang video."Ang susunod na kaganapan ay hindi angkop----"

"Shut up!" malakas na hiyaw ni Zander. Kuyom na kuyom ang mga kamao. "Sabihin mo, sino ang may gawa niyan sa girlfriend ko! Sabihin mo!"

"Ouch Naman, 'di ka pa naka-get over sa nobya mo? Akala ko ba may Angel na?" ani nito. Si Barbara na na naghihintay sa tugon nito ay halos 'di makahinga ng maayos. Simula pa lang hindi na sumunod sa plano si Islah. At mas lalo ang sinasabi nito ngayon.

"Alam mo ba kung nasaan siya? Sabihin mo sa akin! Dahil mababaliw na ako kahahanap sa kanya!" sinabunutan ni Zander ang buhok sa sobrang frustration na nararamdaman.

"B-akit?" kusang lumabas sa bibig ni Barbara ang tanong na iyon.

"Bakit?" ani ni Islah na narinig ang sinabi ni Barbara.

"Sagutin mo ang tanong ko, malay mo matulungan kitang mahanap s'ya!"

"Because I love her!" ani nito.

Barbara : The Player (Completed)Where stories live. Discover now