Chapter Eleven (spg)

1.1K 68 0
                                    

Eleven

"Medyo nahirapan akong pasukin ang security system ng mansion, but I'm already in! Nasa kwarto na si Zander, no guards in the second floor of the mansion!" dahan-dahan siyang lumabas ng silid. Napakatahimik ng paligid.

"Sa mansion din na 'yan nakatira si Marlon Simoen!"

"That's great!" aniya."Saan ang kwarto nya?"

"Turn left! His in the shower!" pagliko niya may nakita siyang pinto na tahimik niyang pinasok.

Lumapit siya agad sa cabinet at maingat na naghalungkat. Kung 'di siya mag-iingat siguradong mahuhuli siya agad.

"Faster!" ani ni Tori na nakadama ng tensyon. Mabilis na binuklat ni Barbara ang mga folder ng magawi ang tingin niya sa isang maliit na notebook. Mabilis niyang dinampot iyon. Isinara ang cabinet. Saktong paglabas niya bumukas ang pinto ng banyo. Hindi man lamang napansin ang dalaga na tahimik na nakabalik sa kanyang tinutuluyang silid.

Hindi na niya sinuri ang nakuha, mabilis niya iyong nailagay sa secret pocket ng kanyang bag.

---

Naalimpungatan si Barbara ng naramdaman ang paghaplos sa kanyang hita. Nagpanggap siyang tulog, tiyak siyang hindi si Zander ang lalaking iyon. Kilalang-kilala niya ang amoy ng binata.

Napatili ang dalaga ng biglang hilain ang kanyang dalawang hita ng istranghero at dumagan sa kanya. Malakas ang tili niya. Kunwari'y takot na takot sabay tulak ng malakas dito. Bumagsak ito sa kama saka mabilis na hinablot ng dalaga ang bag at mabilis na tumakbo.

"Z---ander!" malakas niyang hiyaw. Alam niya kung saan ang silid ng lalaki pero nagpanggap siyang kinakalampag ang bawat pintong madaanan.

Hanggang sa bumukas ang isang pinto. Pupungas-pungas na lumabas ang lalaki na naka-pajamang itim lamang.

"Why? What happened to you?" takang tanong nito. Naunawaan agad nito ang nangyayari ng galit na lumabas ang kanyang ama sa silid na ipinagamit niya sa dalaga.

"Dad!" malakas niyang sigaw sa kanyang ama. Mukhang natauhan naman ito at agad napaatras. Hinila niya si Angel patungo sa kanyang silid. Mahigpit itong niyakap nang magsimula itong humagulgol nang iyak. Takot na takot at nanginginig pa.

"Iuwi mo na ako Zander, ayaw ko na rito!" umiiyak nitong pakiusap sa kanya.

"Okay, if that's what you want!" nagbihis lang ito ng t-shirt saka dinampot ang susi ng sasakyan nito.

---

"S--alamat!" ani ni Angel na mula ng umalis sila hanggang makarating sa tahanan nito ay umiiyak pa rin.

"Sasamahan kita!" ani nito na mabilis na bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto.

Nakaupo na sila sa couch ni Angel pero wala pa rin itong imik. Mugto ang mga mata at namumula ang ilong.

"I'm here!" ani ni Zander at binuhat ang dalaga upang kandungin. Agad itong yumakap sa kanya.

Nakikita niya si Inna sa dalaga. Matagal niyang hinanap ang grupo na gumawa noon sa kanyang kasintahan. Nang makita na niya hindi niya inaasahan ang matutuklasan.

Madami na siyang nakuhang impormasyon galing sa mga ninakaw niyang papeles sa silid ng ama. Malaki ang tinutulong ng kanyang ama sa grupo. Hindi niya lamang tiyak kung may idea ito sa ginagawa ng mga tao sa likod ng black king organization.

Ilang transaction na rin ang 'di natuloy dahil sa kanya. May mga dumarating kasing impormasyon sa kanya tungkol sa activities ng grupo wala lang siyang idea kung kanino nanggaling.

Barbara : The Player (Completed)Where stories live. Discover now