Chapter Twenty-one

1.3K 71 9
                                    

Twenty-one

"Are you okay, dude?" halos dito na siya tumira sa bahay ni Barbara kung saan siya iniwan nito. Pagkatapos niyang ayusin ang company, at walang gaanong trabaho, rito siya nag-e-stay.

"Yes, of course!" ani niya sa lalaki. Sumama ito dahil nag-away ito at ang kasintahan nitong si Trina.

"It's been 4 years, still waiting ha!" tinaggap niya ang inabot nitong kopita ng alak. Oo, apat na taon na simula ng huli niyang makita si Barbara, pabalik-balik siya sa lugar na ito at umaasa na maaabutan niya ito gaya ng unang makarating siya rito. Pero paulit-ulit siyang na bigo.

Pero never siyang sumuko. Iniisip niya na baka natagalan ito kasi sinusubukan pa nitong buuin ang sarili ng mag-isa.

"Akala ko ba kung 'di siya bumalik ikaw na ang mismong magpapakita sa kanya?"

"Ts). Kung 'di hinaharangan ng grupo niya ang paghahanap ko, matagal ko na sana siyang na kita. It means, she's not ready yet! Kasi kung handa na s'ya sigurado naman akong nagbibigay na 'yon ng signs!"

"Bat kaya 'di mo subukang lumuhod at magmakaawa roon sa babaeng tumulong sa'yo?"

"Ginawa ko na dati!" naiiling na sabi niya. Mukha siyang tanga noon, pero pakialam ba niya? She wants Barbara, gagawin niya ang lahat para rito kahit pa magmukhang tanga sa harap ng iba.

"Buti naman at isa sa priority mo ang baryo na 'to?"

"Well, mahal ni Ara ang lugar na ito kaya dapat lang na ingatan ko ang lugar at ang mga tao rito!" aniya. Satisfied siya na makitang maayos ang pamumuhay ng bawat isa sa baryo. Ang mga tao kasi rito ay nagtutulong-tulong sa bawat isa. Ito 'yong lugar na babalik-balikan mo dahil sa mga tao.

"Ikaw ba? Anong plano mo kay Trina?"

"Madami, kaso mukhang 'yong babaeng 'yon ang walang plano para sa aming dalawa!"

"Just wait, hindi naman kabawasan sa pagkalalaki natin ang hintayin sila!"

"Paano kung 'yong hinihintay mo ay nakabuo na ng bagong buhay malayo sayo?"

"Hindi ko alam!" bumuntonghininga pa ang s'ya. Isipin pa lang na 'di na babalik sa kanya ang babae ay sumisikip ang dibdib niya.

"Love sucks!" ani ni Juan na tinunga na ang alak sa mismong bote.

"Tao po!" natanaw nila ang isang babae na mukhang galing lang sa kalapit na bahay dahil pamilyar ang mukha nito sa binata. Madalas itong maghatid ng gulay at prutas dito sa bahay.

Si Juan ang lumabas para kausapin ito. Nang bumalik ito may dala ng kahon.

"Ano 'yan?" 'di nya mapigil ang magtanong. Saka tinaggap ang kahon.

"Lady A raw!" tarantang binuksan niya ang kahon para alamin ang ibinigay ng babae.

Tumambad sa kanya ang mga larawan ni Barbara na base sa mga ito ay mga stolen pictures. At sa lahat ng larawan na iyon ay makikita ang nakatawa nitong mukha o kaya'y nakangiti.

Dinampot niya ang sobre saka iyon binuksan.

Zander,

Masaya na si Barbara sa bago niyang buhay, Alam kong may usapan kayo na babalikan ka n'ya. Pero apat na taon na ang lumipas---so I think dapat mo na s'yang sundan! Suyuin mo, ligawan nang paulit-ulit kung kailangan at ibalik na rito sa Pilipinas. Do it, or I'll kill you.

Lady A

"I think this is the address!" turo ni Juan sa isang larawan na may sulat kamay sa likuran.

Barbara : The Player (Completed)Where stories live. Discover now