Chapter Thirteen

983 64 0
                                    

Thirteen

Dumating sina Zander sa gusali kung saan ayon sa nagpadala ng tip ay original na lugar kung saan nagaganap ang transaction ng grupo.

Pero bangkay na lang ng mga bantay ang nagkalat ng dumating sila. Sa bawat pasilyo ng lugar ay may mga bankay na kung hindi baril ang tumapos ng buhay, ay patalim na nakatarak sa mga noo ng mga ito.

"Z--ander!" malakas na tawag ni Juan. Nakasilip ito sa isang silid kung saan may naririnig siyang ungol.

Ngunit halos manghina siya nang makita ang kalagayan ng mga tao sa silid na iyon. Nakagapos ang mga ito, pare-parehong hubad. Pero ang mas malala roon wala na ang mga ari ng mga ito at lahat ay nasa kanilang mga bibig na. Umaagos pa ang mga dugo na talaga namang nakakakilabot.

---

"'Wag kang mag-alala Zander, lahat ng mga dinala sa ospital paglabas ng mga iyan ay sa kulungan na!" ani ng heneral na tumulong sa kanila.

Nagkalat sa paligid ang pulisya. Sinusuri ang mga bangkay. Tiyak silang dalawang tao lang ang may gawa nito dahil iyon ang pinagdiinan ng mga lalaking nakuha nila. Nakamaskara ang mga ito. Ganoon din ang sinabi ng mga bata na hero raw nila.

"General, kayo na ang bahala sa mga bata! 'Yong foundation na sinabi ko sa'yo, walang alam ang mga volunteers doon!" ani ng binata sa heneral. Tumango lang ang lalaki.

"Dude, let's go!" ani ni Juan na halata ang pamumutla ng mukha. Sumuka ito kanina dahil sa nakita nito. Kaya nanlalata ang lalaki at kanina pa gustong umuwi. Natagpuan ang halos nasa 45 na batang babae at lalaki sa isang damuhan. Ayon sa mga ito, Doon daw sila dinala upang magtago. Meron ding dalawang silid na puno ng mga babae at lalaki na walang kamuwang muwang sa nangyari.

---

"Nakausap mo na ba ang ama mo?" tanong ni Juan sa kaibigan."Wala ba talaga siyang ka-ide-idea kung anong kademonyuhan ang ginagawa sa loob ng foundation na iyon?"

"Nakausap ko na, wala raw!"

"By the way, anong balita kay Angel? Hindi na ba bumalik ng club?"

"Para s'yang bulang naglaho!" ani niya na saka nilagok ang laman ng kopitang hawak.

"Do you like her?" tanong ng kanyang kaibigan. Nagkibitbalikat lang si Zander.

"She's like Inna---"

"Hindi ko tinatanong kong tulad siya ni Inna!"

"So all this time, dahil kay Inna kaya ka nagpabalik-balik ng star club? Hindi dahil sa magandang babae na nagtratrabaho ro'n! Tsk, I get it now!" ani nito na umiling-iling pa.

Kahit si Zander na tanong din niya ang sarili. Dahil nga ba kay Inna?

---

"Hindi pa tapos ang laban mo Barbara, pero---kung umasta ka ngayon parang talo ka na! Ano ba kasing problema mo?"ani ni Islah na hindi nilulubayan ng tingin ang kaibigan na nanatiling nakahiga sa kama. Ilang araw na simula ng mangyari ang pagsugod nila sa foundation.

At ilang araw ng nagkukulong ang dalaga sa unit nito.

"B--arbara!" napapadyak pa ito.

Natigilan si Islah ng mapansing umiiyak na ang kaibigan.

"What happened to you?" ani nito saka sumampa ng kama.

"It's been 15 years!" usal nito. Saka lang natauhan si Islah. Nag-sink in din sa isip kung bakit nagkakaganito ang kaibigan.

---

"Mama, gusto ko sa birthday ko simple lang ang celebration!" ani ni Barbara. Hawak sa kanang kamay ang alaga niyang pusa.

Barbara : The Player (Completed)Where stories live. Discover now