Chapter Eight

1K 84 0
                                    

Chapter Eight

"Ayos ka lang?" tanong ni Angel sa lalaking tahimik na umiinom sa kanyang tabi. Wala ang grupong madalas nitong bantayan. Simula kaninang dumating ito ay tahimik lang.

Bumuntong hininga si Angel sabay tayo. Hinubad ang suot na jacket na galing dito.

"Gusto mo atang mag-isa? Magtratrabaho muna ako!" akma na siyang tatalikod ng hawakan nito ang palad niya.

"Stay!" ani nito saka hinila siya paupo. Muli nitong ipinatong ang jacket sa kanya.

"Ano ba kasing problema mo?" tanong n'ya rito na seryosong tinignan ang lalaki. Inagaw ang hawak nitong alak saka pabagsak na inilapag sa mesa.

"Pwede ba tayong umalis dito?" tanong ni Zander na halatang problemado.

"Alam mong 'di ako ganyan, matagal mo ng alam 'yan 'di ba? Hindi ako nagpapalabas sa costumer!"

"That's not what I mean! Wala akong balak na gawan ka ng masama!"

"Ganoon naman pala, tara!" mabilis niyang sagot.

Nilapitan ni Angel si Cloe.

"Labas lang kami!" aniya rito.

"Baon kang condom!" agad na sagot nito.

"Gaga, hindi ganoon!" aniya saka pumasok sa locker room. Nagbihis lang siya at kinuha na ang bag na naglalaman ng gamit niya.

Lumabas siya at tinungo ang parking lot. Nandoon na si Zander. Halatang malalim ang iniisip kaya napakislot pa ng tapikin niya ang balikat nito.

"Ako na ang mag-da-drive, saan ba tayo?" ani ni Angel na inagaw ang susi rito. Wala sa sarili ang lalaki kaya mas mabuting siya na ang magmaneho.

Nang nakasakay siya sa driver seat sumunod naman itong sumakay sa passenger seat.

"Saan tayo?" aniya ng buhayin ang makina ng sasakyan.

"I don't know!" tugon nito. Napabuntonghininga na lang si Angel saka pinaandar ng tuluyan ang sasakyan.

"Your phone is ringing!" puna ni Zander.

Mabilis na chineck niya iyon gamit ang isang kamay.

Sinagot niya agad ang tawag ng makitang si Trina iyon.

"Trina?" aniya.

"Ara , Ara anong gagawin ko? Si Nanay!" umiiyak na tanong ng kaibigan pagkasagot niya ng tawag."Ara natatakot ako!" mabilis na huminto si Angel sa gilid ng kalsada. Wala namang imik si Zander.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"Bigla na lang kasi siyang nawalan ng malay, tapos dinala namin s'ya sa ospital! Hanggang ngayon wala pa kaming balita!" umiiyak nitong sabi sa kaibigan.

"Saang ospital yan? Pupuntahan ko kayo!"

---

"Ito yung susi mo, pasensya ka na 'di kita masasamahan papalitan ko na lang 'yong bin----"

"It's fine, samahan na kita!'' ani ng lalaki na nauna pang bumaba kasalukuyan silang nasa parking lot ng hospital na sinabi ni Trina. Mabuti na lang talaga at kasama niya si Zander may nagamit siyang service patungo rito.

Bumaba na rin siya at sumunod sa lalaki na malapit na sa tapat ng elevator.

---

"Trina!" tawag n'ya sa kaibigan. Katabi nito ang tatay nito na inaalo ang kaibigan na umiiyak. Agad itong tumayo at sumalubong ng yakap kay Ara.

"Ara, anong gagawin ko!" tanong nito. Ano bang dapat ipayo sa kaibigan? Bukod sa hindi s'ya doctor hindi naman siya manghuhula.

"Magdasal ka!" tugon n'ya rito. Pero kahit siya 'di niya alam ang salitang iyon. Matagal na niyang kinalimutan. Gusto nga niyang tawanan ang sarili sa sinabi.

Simula ng makita niya ang malagim na sinapit ng kanyang magulang sa grupo na tinutugis niya ngayon. Noon, kahit sobrang nasasaktan na siya sa training nasusugatan pasa, bali at iba pa. Hindi niya tinawag ang diyos. Kasi para sa kanya, gawa-gawa lang ng tao ang Diyos. Kasi kung may Diyos eh 'di sana hindi sinapit ng kanyang magulang ang nangyari noon.

"Magiging ok si Nanay!" aniya. Bumalik sa tabi ng tatay niya ang dalaga habang magkatabi sina Angel at Zander sa kabilang dulo.

"Nakakatawa 'no, in-advice kong magdasal ang kaibigan ko samantalang sa sarili ko hindi ko ma-apply" malungkot niyang sabi saka isinandal ang ulo sa balikat ng binata. Hindi naman umiwas ang lalaki at hinayaan lang siya.

"Praying is one way for you to surrender yourself to God!" ani nito. Nag-angat ng tingin si Angel at bahagyang natawa. Inialis niya ang ulo sa pagkakasandal rito at tumayo.

"Where are you going?" tanong ni Zander saka sinundan ang dalaga na parang walang narinig.

"Angel!" tawag nito."Angel!" Inabutan niya itong pasakay ng elevator. Mabilis din itong sumakay. Pinindot nito ang rooftop button saka sumandal sa gilid.

"Are you okay?"

"A---ngel, tsk, what a sweet name! But the person you called Angel is not what you think it is. Broke, dirty and evil!" ani niya habang nakayuko.

Lumabas agad siya ng marating ang rooftop at bumukas ang elevator. Tahimik lang na sumunod ang binata.

"Your not!" ani nito ng marating nila ang railings. Napakaganda ng tanawin sa itaas.

"I am Zander, this girl beside you is not pure, she's dirty, broke and evil!"

"Hindi mo ginusto ang ganyang buhay!" ani nito. Bumungisngis ang dalaga.

"Syempre, pero anong magagawa ko oras na nilabag ko ang grupo papatayin nila ako!" ani niya na malayo pa rin ang tingin.

"What did you say?" gulat na tanong nito. Hinawakan pa ni Zander ang kamay ng dalaga para iharap dito.

Nag-ring ang phone ni Angel pero mabilis rin itong namatay. Nang tignan niya---

"Hawak nila ako sa leeg, Hindi nila ako titigilan!" ani niya sabay abot ng cellphone sa lalaki. Nagtatakang tinignan ito ni Zander.

"B.K.O?" takang tanong nito.

"Pinaglalaruan nila ang buhay ko, ginagamit na parang laruan at robot na pwede nilang utusan, katulad ng ginawa nila sa kaibigan ko!" ani niya na unti-unting naglandas ang luha.

"Baka, baka susunod na rin akong mamatay! Hindi ko na alam ang gagawin ko Zander! Pagod na pagod na ako!" hinila siya palapit ni Zander saka mahigpit na niyakap.

"Mababaliw na ako kaiisip kung paano ako makakawala sa kanila! Papatayin nila ako, pati ang mga mahal ko sa buhay!" ani ni Angel na patuloy ang pagtangis.

"Pati si Inna, 'yong kaibigan ko---- pinatay nila! Pinatay nila!" mas lumakas ang pag-iyak nito. Naramdaman ni Angel ang bahagyang pagluwag ng yakap nito.

"I---nna?" nautal na tanong ni Zander.

Pinahid ni Angel ang mga luha.

"Oo, hindi man aminin sa akin ng grupong iyon, pero siguradong hindi suicide ang ikinamatay ng kaibigan ko!---ang sama-sama nila!"

Nanlambot na napaupo si Zander sa sahig.

Tahimik na pinagmamasdan ito ni Angel na patuloy na tinutuyo ang luha.

"Hindi mo dapat nalaman ito, mapapahamak ka!" aniya na nilangkapan ng takot ang boses na lumuhod sa harap nito."I'm sorry Zander, baka saktan ka rin nila!" Umiling ang lalaki at mabilis na sinapo ang kanyang pisngi.

"No, hindi nila magagawa 'yon! Saakin--- lalong-lalo na sayo! Hindi ako papayag! I'll protect you no matter what" ani nito na hinila siya payakap dito. Punong-puno ng pangako ang bawat salitang binitawan nito.

Lihim namang napangiti si Angel. Ito ang ibig niyang sabihin. Ganito niya lalaruin ang mission na ito. Sorry na lang para sa binata dahil gagawin niya ang lahat para sa mission na ito.

Barbara : The Player (Completed)Where stories live. Discover now