FIVE - THE ANGRY PRESIDENT

511 24 7
                                    

I'm happy.


I woke up happy.



"Yaya!" Malakas na tawag ko kay Yaya Mareng pagkapasok ko sa banyo. Umaalpas ang matunog kong halakhak dahil sa gagawing kalokohan na paniguradong ikasisira ng araw niya.




This has always been our routine. Walang umaga na hindi ko to ginagawa. Simula noong tumuntong ako sa pre-school at magkaisip kung paano nangyayari ang tinatawag na bullying, si Yaya na ang naging experimental variable ko.





Iba-ibang patibong. Lahat successful.





"Oh, anak? Asa banyo kana ba?" Maingat na tanong niya habang kumakatok.





Tumikhim ako para hindi siya maghinala sa aking gagawin, ginawa ko pang seryoso ang boses.





"Yes. Get my towel. I forgot to bring one."




Lalong lumakas ang halakhak ko nang marinig ko ang kanyang papalayong yabag. Go yaya! Make me proud! You never failed to amuse me ever since. Somehow, you always end up exactly where I wanted you.




Naghubad ako ng damit at saka agad-agad na pumasok sa shower.





Sinipat ko pa sa huling pagkakataon iyong balde na may lamang nagyeyelong tubig para masigurado na saktong-sakto ang bagsak nun.




I opened my showerhead and started bathing.






"Nak, andito na." Maingat na naman na anas ni Yaya.





Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang aking kamay bago sumilip sa siwang ng smoked glass wall.




"Come in Yaya. Andito na ko sa stall."




Umingit ang pinto at sumilip ang mukha niya sa loob. I can imagine her scanning the place if there's something partly suspicious. Nag-iingat. May kaunting ideya na.



Kinailangan ko pang itabon ang buong palad ko sa bibig ko para lang maiwasan na makagawa ng ingay at nang hindi siya umurong.



"P-papasok ako?"





"Yes. Ilagay mo na lang dyan sa towel rack Ya."





Humakbang siya papasok at bumilang naman ako ng lima.

One.

Two.

Three.

Four.


Hindi niya napansin yung maliit na sinulid na nilagay ko sa daraanan niya para matrigger yung patibong.


Sumagi ang paa ni Yaya Mareng.


Five.


Pumitik ang safety. Nabuhos yung tubig sa nakanganga niyang mukha! Bawat butil ng malamig na tubig ay sumusuot sa kanyang unipormeng pangkatulong.




Operation success!



"Yay! You walked right into my trap!"



Nagtatatalon ako sa loob habang umiigkas ang kamay sa hangin! Sumayaw-sayaw pa ako na parang may disco ball sa itaas ng aking ulo dahil sa sobrang tawa.



"Puke ng ina mo Lumierre!" Malakas at nanggagalaiting sigaw niya.





Napasinghap ako.



The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Where stories live. Discover now