TWENTY-FIVE --- MARRY ME OR MEET ME IN COURT

832 40 25
                                    

"When are you planning on telling me the truth?" He growled the words as if he can't bear to talk in a different way.

Sinubukan kong labanan ang titig niya pero sadyang mahirap lalo kung puro galit ang makikita mo doon. I've always known that Miah is so damn intimidating, hindi nga lang ako makapaniwala na nakatutok sa akin ang lahat ng yun ngayon.

"W-what?" Maang-maangan ko sa tanong niya.

"You know damned well what I'm talking about Lumierre Helena."

"I don't---"

He eyes pinned me on my space; angry at my words. Nakakulong ako sa magkabila niyang braso habang nakayuko siya papunta sa akin. Nasa likod ko ang isle ng kusina nila Nessi.

If Miah from senior high was insanely tall, Miah as a lawyer is now a giant. Ngayon ko lang naramdaman na manliit ng ganito sa harapan niya.

"Anak ko yun Lumierre." Garalgal na anas niya. "Isang tingin ko lang sa kanya, alam ko na. Now I'm asking you.. when are you planning on telling me? O wala ka man lang bang balak na sabihin sa akin."

I swallowed hard the uneasy feeling in my heart. Should I tell the truth? I should. I should stop this nonsense and just tell him the truth.

"Wala." Buong tapang kong anas. Nilingon ko siya at saka ko ipinakita na hindi ako natatakot. I am a mother and I would do anything to protect my kid.

"W-what?" He sputtered indignantly.. "You'll let her live her life without a father?"

"May ama siya!" Came the lie. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang kasalanang iyon. Hindi ko sinasadya na magsinungaling but, I just can't bear that he'll think so badly of me. Na isipin niyang wala akong pakialam sa anak ko kung lumaki siyang walang ama.

His face contorted in a mocking sneer. "That stupid husband from Switzerland? You want me to entrust my kid to some random douche?!"

"Hindi siya random douche! My husband is a better man than you!" I whispered my scream. Hindi ko alam kung anong ipinaglalaban ko dahil wala naman akong asawa. I contradict just to be contradicting. Isa pa, kailangang mabawasan ang yabang niya sa katawan.

Gustong-gusto ko na siyang sigawan pero natatakot ako na baka marinig ni Macky na nasa salas lang.

After dinner,  nagpasya kaming mag-usap ni Miah tungkol kay Macky. We let Nessi and Kodj take our daughter away so that we can talk, but now, I don't think it's a very good idea.

Hinding-hindi kami magkakasundo ng ama ni Macky. Not when he's all offense and I'm all defense.

"Divorce him." Mariin na utos niya. Umalis sa pagkakatuko ang isa niyang kamay sa pader para lumipat sa lalamunan ko. His thumb pressed in the hollow of my throat as if he can't escape the attraction of just choking me right here right now.

"W-what?! Nababaliw ka na ba talaga Lucian? You think marriage is that simple na kung sasabihin mo na makipagdivorce ako,  gagawin ko naman? Anong akala mo saken---"

"Divorce him Lumierre." Mas mariin niya nang saad. "File that fucking divorce papers  or I'll take my daughter away from you!"

"No!"

This time, I was not able to stop the angry shout from emerging in my mouth. Nangatal ang lalamunan ko pati na rin ang dalawang nakatenggang kamay dahil sa kahuli-hulihang sinabi niya. Natakot.

"You won't take my daughter.. you won't.." I kind of stopped performing after that. Nagshut down bigla yung utak ko dahil sa bantang iyon.

"Marry me or meet me in court. Your fucking choice."

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon