FIFTEEN - SENIOR HIGH SCHOOL DAY

545 27 15
                                    

Dressed in a skin tone navel cut, off-shouldered puff sleeve t-shirt top; a mini-skirt and an ankle length brown boots, I strutted my way to the entrance of the school for the SHS Day.

Umikot ang mata ko sa paligid. Naglipana ang mga estudyante sa iba't ibang parte ng school. Some are at the horror booth, some at the food bazaar, some are being cuffed by the SSG officers..

Umirap ako ng makita ko ang mga alagad ni President. I am so ampalaya but I can't help it. May plantation na yata ako dito sa dibdib ko e.

"Alam mo yung pinakaayaw ko sa mga ganito? Masyadong maraming tao. Nag-open pa sila para sa ibang high school e." Biglang anas ni Juaneza.

Tumaas ang kilay ko. Well, that's good right? I can do what I planned to do. Much better kasi ibang high school pa. After using the guy, I can easily discard him.

"Things keeps getting better and better then." Sagot ko naman sabay hawi ng buhok ko na nililipad ng hangin.

Gosh. It's hot in here. But I'm hotter so I really don't mind. Busy ang utak ko kakaisip kung anong pwede kong gawin para mabilis na makamove on sa frustrated relationship ko. And while at it, siguro kaunting selos na rin para kay President. Pambawi man lang sa sakit ng loob na hanggang ngayon ay nararanasan ko.

"Hoy, oo nga pala." Kambyo na naman ng matalak na babae sa aking tabi. "Nag-away ba kayo ni President? Bat di kayo magkasama?"

Naningkit ang mga mata ko noong balingan ko siya ng tingin. Nagngalit din ang mga ngipin ko sa sobrang pagpipigil.

"Kailangan ba palagi kaming magkasama? Bakit.." Ulit ay hinawi ko ang buhok ko. ".. pinanganak ba kaming kambal? Hindi kayang mabuhay na wala yung isa?"

Namilog yung mga mata ni Juaneza sa kabila ng kanyang salamin. Mas lalo iyong  lumaki kasi nga may kakapalan din yung glasses niya.

"Ang taray mo veve. Nagtatanong lang naman ako bat di kayo magkasama e."

"Pwes wag kang magtanong! Naaalibadbaran ako!" Sigaw ko.

Mabuti na lang talaga at nanahimik siya pagkasinghal ko ng ganon. Paano ay handa na naman akong magwala. Nangangati na naman manabunot yung malambot kong palad.

"Nagtatanong lang.."

I sneered. "Let's find your Kodj then. Tanungin din natin kung bakit ka niya iniwan. I bet he'll answer that it's because you are so maingay!"

"It's because you're so maingay." Panggagaya  niya sa sinabi ko habang nalulukot ang mukha dahil sa panunuya.

I bared my teeth at her.

"For your information.." Patuloy niya. "Hindi niya ako iniwan. Ako yung umalis!"

Inirapan ko siya. "Gaga.. sinong maniniwala sayo?"

Mas lumaki ang butas ng ilong niya dahil sa inis. Umamba pa siyang sasaktan ako kaso pinakita ko yung bagong hasa kong kuko kaya mabuti at tumiklop din naman. "Fine. Sige, siya yung nang-iwan at nagloko pero duh, atleast hindi ako naghabol kagaya ng iba niyang babae ano."

"Kasi wala ka ngang hahabulin." Nang-uuyam na saad ko na sinamahan pa ng nang-aasar na halakhak.

"Wrong veve." Tumaas ang kilay niya pati ang sulok ng pang-itaas na labi na animo'y nandidiri sa aming pinag-uusapan. "Hindi ako naghabol kasi masakit."

"Yuck. Pathetic. You fell in love?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

She put her forefinger up and moved it side to side, while tsk-tsking at me.

"I meant, masakit sa dede veve. Maaalog dede ko pag naghabol ako, duh." Hinawakan niya ang gilid ng dibdib niya saka iyon inalog-alog ng marahan; pinagmamalaki kung gaano iyon kayaman.

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon