TWENTY-THREE -- GOING HOME

634 35 36
                                    

"Lu-Lu.."

She called me early one morning before I can even get up. Isang linggo na ako dito at kagaya ng inaasahan, it was not an easy ride. The pregnancy is making it all the more difficult, at utang ko kay Kuya Khian ang perang pinahiram niya para sa pangangailangan ko. Para makabawas sa iisipin.

"W-what?" I answered groogily.

Dahan-dahan akong umupo para hindi ako mahilo, nag-iingat rin na hindi ako maduwal. It's so hard being alone in this kind of situation. Walang araw na hindi ako halos mawalan ng malay sa sobrang pagsusuka at pagkalula.

Tapos minsan naman, kapag malala talaga, mamamalayan ko na lang ang sarili ko na nakahandusay sa sahig, walang alam kung paano ako napunta doon.

Tumikhim siya, medyo nag-aalangan na. "Nagkakagulo sila dito." Sumbong niya sa akin. "Nalaman palang nina Tita na nawawala ka kanina."

Kunot noo akong ngumiti ng malungkot habang iniimagine si mom. One week huh? Grabe. That took her long enough.

"Pumunta sila dito tapos hinanap ka saken. Syempre ako naman, maang-maangan mamsh. Sabi ko, 'PO?! SI LUMIERRE? P-PERO SABI NIYA MAG-I-STAY SIYA SA MANSION!' tapos humagulgol ako Lue! Pang-FAMAS!"

I chuckled at her antics. Somehow having Nessi feels that everything was as it was before. Nagbago lang yung lugar, tapos yung klima.

"Oh, tapos, ano naman daw ang sagot?" I humored her even if the truth is, I really wanted to know too.

"Umiyak veve. Lumuhod sa harap ko tas sabi ni Tita Helene, ilabas na daw kita. Sabi ko naman, wala po akong alam 'Ta. Ang huling pagkikita namin ay noong kinaladkad siya ni Tito. Tapos ayun.."

"Ano?" I held my breath. "Umalis? May nalaman ba sila? Wala naman bang napansin? Naghinala ba?"

"Nahimatay si Tita, veve.."

H-huh?

"Kasama niya si Yaya Mareng. Naawa nga ako e. Si Yaya, hindi lang umiimik pero ramdam mo yung lungkot niya. Si Tita naman.. ah basta veve! Di ko mapaliwanag ng maayos. Pero kung makikita mo lang, baka isipin mo nang umuwi."

My heart broke. Umagos na naman ang masaganang luha sa aking mga mata dahil sa narinig. The truth is, I miss them so bad. My mom and my Yaya. Juaneza. My lolo who is not my real lolo. Dad.

Tumikhim ako at saka pinatatag ang loob. Because nope, missing them won't change anything. Nangyari na ang nangyari. Paninindigan ko na ang lahat ng ito. I will forgive them, one day.. but now, hindi pa siguro ito yung tamang oras.

"Hello, Lumierre?"

"Uh.."

"Tapos si President naman.."

"Ness, don't." Pigil ko sa akmang sasabihin niya. Ayokong may marinig tungkol sa parteng iyon ng buhay ko. As much as possible, gusto ko na lang na kalimutan kung ano siya sa akin. I want to forget about his existence.

"Sure ba? Isang beses lang oh. Malaman mo lang kung anong iniwan mo dito. Pagkatapos nito, hindi na ako magbabalita, promise."

Well, would it hurt? Kahit ano namang sabihin niya ay wala namang magbabago sa desisyon ko e. I am where I should be.

I sighed. "Fine. Ano?"

"Eh diba, noong malaman ng mommy mo na nawawala ka, sinabi niya agad kay Tito. Tapos wala pang isang oras veve, nalaman na ng buong Pilipinas."

I stood up completely forgetting about my health.

"Ano?!"

"Oo be. Kaya sabi ko sayo nagkakagulo ang buong Pilipinas diba? May pabuya kasi sa kung sinong makakapagturo kung nasan ka. Si Kuya Luke nalaman na ang nangyari sayo. Uuwi daw siya."

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Where stories live. Discover now