NINETEEN - EVERY GOOD THING ENDS

517 22 11
                                    

'And I should have known.. damn, I should  have already known, right from the moment that our eyes met, how amazingly good you are. And nothing good actually ever stays.'

Ako:

Papunta na sa Cafeteria. Kasama ko si Nessi.

President:

I'm running late baby.

Ako:

Why?

President:

May utos si dean. I'll be there in fifteen minutes I guess.

'So why should fate be so cruel, to make us feel how warm the sun is.. or how beautiful the stars are.. if in the end they will just be taken from us?'

Ako:

I'll wait for you then.

President:

Yup. Pero mauna na kayong kumain.

Ako:

Yes po. Love you!

President:

I love you more than most.

'I don't know.. sometimes it feels like I had you, but then.. other times, I'd question myself if it was all ever true?'

"Kinikilig na naman ang impakta, shutangina e. Naiinggit na ako ah!" Singhal ni Nessi habang sinusubukan akong patirin dahil sa kawalan ko ng atensyon sa paligid.

Humalakhak ako sabay lukso para hindi madisgrasya. Isa pa, ang obvious niya rin na may balak siyang masama e. Nessi is my angelic version. Pero may pagkapareho sa akin ang ugali. May sa demonyita din.

"Inggitera ka ma."

"Sana all naman kasi diba? Bakit ikaw lang, e magkalevel naman tayo ng ganda?" Maktol niya pa.

Tinaasan ko siya ng kilay habang pinagkukumpara ang height namin gamit ang naniningkit kong mga mata. Dinagdagan pa ng suot kong heels, at talagang manliliit siya pag kasama ako!

Bumusangot siya. "Fine! Mas matangkad ka na. Happy? Ikaw na yung model, tapos ako yung cute."

I smirked. "Yep." I answered gaily. "Cute is for puppies anyway. Pero yung model.. damn, gorgeous."

Kinotongan niya ko pero dahil ang saya-saya ko at walang pwedeng makasira ng maliligayang araw ko, napahalakhak na lang ako sa tuwa.

"Hmp. Porke inlove ka ah. Magbebreak din kayo, no! Walang poreber!" Pang-aalaska ng impaktang inggetera na mas bitter pa sa ampalaya. Sumama ang timpla ko dala ng huling sinabi niya dahilan para ako ang magpatuloy ng naunsiyami niyang pamamatid kanina.

This time though, I was successful. Kung hindi nga lang siya nasalo ng Vice Pres ng Supreme Student Government ay baka sumalampak na ang maganda niyang mukha sa sahig.

Sabay kaming napasinghap ni Juaneza pagkatapos ay bumaling sa mukha noong lalaking nakayapos at umaalalay na sa kanya. What the hell, he came out of nowhere!

Si Kodj, one of Miah's friends. Yung ex-MU ng gagang si Juaneza Cecilia! Ayan na nga ba ang sinasabi ko e, 'be careful what you wish for talaga'.

"U-uhmm.. t-t-thank you." Narinig ko ang nginig sa boses ni Nessi dahilan para mautal siya ng matindi. Namumula ang kanyang mukha na parang kamatis na ibinabad sa ilalim ng araw. Iyong hinog na hinog!

The guy though looks like wala siyang pake. He stared straight at me without acknowledging Nessi's attempt of gratitude. "Oops! Woah. Bigat ng hangin ah." Inayos niya si Nessi sa pagkakatayo bago madramang ipinagpag ang kamay. "Ang clumsy pa. Tsk tsk."

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Where stories live. Discover now