EIGHT - LET THE GAMES BEGIN

442 24 7
                                    


"Nagseselos?!" Hiyaw ni Nessi nung ikwento ko ang nangyari kanina sa cafeteria.

Umikot ang mga mata ko dahil sa iritasyon.

"Shout! Lakasan mo pa, hayop ka!"

Humagikhik naman siya bago tinutop ang sariling bibig. She even put both of her hands in front of her mouth to stop herself from over-reaction.

"So ang gusto mong palabasin ay jowa ni Valeria si President? Kaya siya nagseselos?"

I don't know! Punyeta. Nagagalit ako sa naisip ko pero yun lang ang nakikita kong dahilan kung bakit harap-harapang nasabi nung isa nilang kasama na nagseselos si Valeria.

Gusto ko talaga siyang kalbuhin. Lahat ng buhok sa kanyang katawan, tatanggalin ko isa-isa! Ganon! Gamit ng hair-puller ng walang kahit anong anesthesia!

"Let's stalk her Nessi." Buong loob kong saad pagdaka noong mapuno na ako ng tuluyan ng inis.

Nagpapadyak pa ako sa loob ng girls comfort room sa upper floor ng main building ng senior high.

I have to know. Kasi kung jowa niya si President, edi.. aagawin ko! Damn it! That guy's gonna be mine! Kung kailangan kong ipaalam sa buong school ang bagay na yun, gagawin ko!

"Sureness. Kaso busy ako mamayang gabi and on sunday. Whole day ang date namin ni Mommy e." Medyo nanghihinayang niyang saad.

Damn it.

"Tomorrow then?" I can't give up easily. What if mahulog na si President ng sobra sa babaeng yun? I can't let that happen, no!

Nalukot ang mukha niya dahil sa narinig. She wrinkled her nose as she look inquiringly at me. "Ay. Akala ko bar hopping bukas?"

"Bar hopping?"

Umikot ang mga mata niya na para bang sinasabing ang tanga-tanga ko. "Lucas' birthday, remember?"

Oh shit. Yung aya nina Kuya Broque at Kuya Chase yun. It's Lucas' birthday so we will celebrate with a bang kahit wala siya dito. Bale, magbabar hopping kami tapos we are going to call together at exactly twelve o'clock via Skype, bago magsimula ang birthday niya sa America. Spoiled asshole!

"Ngayon na natin gawin kung ganon." Pamimilit ko pa.

"What? Pero Physical Education! Haleeeeer! Kung hindi mo maalala dahil nagka-amnesia ka, nag-aaral pa tayo gaga ka!" Inis niyang saad bago ako iniwan sa banyo.

"Nessi! Juaneza Cecilia!"

Umikot muna ako sa harap ng salamin saka muling pinasadahan ang itsura ng katawan ko sa suot na type-C uniform bago naghabol sa kanya papalabas.

Thankfully, she was waiting for me outside.

"Syempre, hindi naman full-time stalking ang gagawin natin." Paliwanag ko pa rin habang naglalakad kami papunta sa gym.

I can hire someone to do this, pero I want it to be personal this time. Parang mas gusto kong ako ang gumawa so that I know how to exploit even the most undefined weakness. Gusto ko, pag dudurugin ko na siya, may personal touch ko.

"Wew. Sexy Lumi.." Anas ng isa kong kaklase habang hinahapit ako sa beywang.

Bahagya akong nadistract mula sa mga masama kong balak.

Napangiti ako kay Kristof saka ko siya tinapunan ng flying kiss. Actually, kapag maayos naman ang lagay ng utak ko, may mga malalapit din naman akong kaklase. Mostly boys, because girls are so damn annoying.

Humalakhak siya. "Bagay na bagay talaga ang type-C ha?" Pangbobola ng kurimaw habang pinapasadahan ako ng tingin.

I know Kristof. I'm such a goddess.

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Where stories live. Discover now