FOURTEEN - WON'T LET YOU GO

474 28 3
                                    

Tinalikuran ko sila.

Bago pa man makapagsalita si President, at bago pa makadugtong si Valeria, tumalilis na ako ng alis. Ni hindi ko na nga naalala na kasama ko pala si Juaneza noong mga oras na yun. I was just so intent on leaving this godforsaken place and the freakin' people here that I totally forgot about it all.

Nga lang, nakakasampung hakbang pa lang ako noong  biglang humarang sa daraanan ko si President, humihingal at kunot na kunot ang noo.

I hissed in irritation.

"Alis!" Bulyaw ko bago siya marahas na itinulak.

Umatras siya ng isang hakbang pero hindi tuluyang natinag. Gumalaw ang panga niya na animo'y nagpipigil ng galit. Bakas din ang nag-iigtingang ugat sa kanyang braso at sa nakakuyom na kamao.

Ulit ay nawalan ako ng takot sa pinapakita niyang galit. Nawalan ako ng pakialam sa ibang bagay dahil ang tanging hinahayaan kong maramdaman ay ang nagpupuyos na emosyon sa aking dibdib na patuloy kong inaalagaan.

"Sabi ko umalis ka sa harapan ko!" Nanggagalaiti kong sigaw. "Bingi ka ba ha? Do you want me to kick you out of my school?!"

Bumangis ang kanyang tingin. Akala ko ay sasagot din siya dahil halatang nagpipigil siya na pagalitan ako, pero nanatili lang siyang nakatitig. Sayang nga lang at ready na sana akong makipagsapakan e. Nangangati talaga yung kamay ko.

Tinaasan ko siya ng kilay bago ko ipinakita ang matindi kong irap.

I sneered. "Get the fuck out of my sight before I---"

Bago ko pa man malaman kung ano ang sunod niyang gagawin, nakayuko na siya at nahawakan na ang dalawang biyas ko.

Sabay-sabay na tilian ang narinig kong pumailanlang sa buong basketball court noong bigla akong kargahin ni President at isampay sa kanyang balikat na parang sako ng bigas!

"Fuck!" Gulat na mura ko. "What the hell Jeremiah! Put me down!"

Pinaghahampas ko ang likod niya pero nanatili siyang nakatayo at hindi iniinda ang sakit na binibigay ko. Lumingon pa siya sa mga kasama niya at nakuha pang magpaalam ng gago.

"Let me go!" Malakas ko pang tili na hindi naman pinakinggan. I wiggled from his grip but he only tightened his arms on my legs.

"Wag kang magalaw kundi masisilipan ka." Pananakot niya pa.

My mouth dropped open in amazement. "Hah!" Hindi ko makapaniwalang saad. "Kasalanan ko ba, ha? Kasalanan ko?! E ikaw yung dahilan kung bakit---"

"Shut up Yuriko! Mag-uusap tayo sa pribado, hindi dito. Naiintindihan mo? Now shut up!" Napaigik ako noong maramdaman kong tinampal niya ang pwetan ko saka hinawakan yung laylayan ng uniform para hindi iyon lumilis paitaas.

Nakaantabay pa ang braso niya para masigurado na walang parte ng katawan ko ang makikita ng mga tsismosang nanunuod.

I can hear a lot of whispers as we walk through the gymnasium. Girls are whispering how romantic the show is. Boys are envious of Miah. Andaming freak show na may kanya-kanyang thoughts about what is happening and my ear is almost deaf from being carried upside down.

"Down! Put me down, ano ba?!"

Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay iyon lang ang paulit-ulit na sinasabi ko. Hindi rin ako natigil kakapumiglas pero gaya ng dati ay parang bakal iyong kamay niya na nakaalalay sa katawan ko hanggang sa tuluyan niya na nga akong maibaba.

"Stubborn!" Singhal niya.

"Asshole!" Pasigaw ko namang sagot.

Sinamaan niya ako ng tingin pero inilahad niya pa rin ang kanyang kamay. Ang kanyang  seryosong mga mata ay halos lamunin ng dilim.

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon