SEVEN - BITCHES DON'T SAY SORRY

453 24 13
                                    

It's been two days.






Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya sukbit ang itim na bag sa kanyang balikat. Nakabukas pa ang unang tatlong butones ng kanyang long-sleeved polo at maluwag pa ang necktie sa kanyang leeg.







He hasn't tucked his polo in, but a half of it was loose while the other half was already inside, as if it was hastily done.







Pag ganito kalayo, mas iisipin mong myembro siya ng mga grupo ng badboys sa school instead na Supreme Student Government President.






Sobrang itim at kapal ng buhok niya na sumasayaw sa hangin. May kung anong kinang sa kanyang mga mata na parang kumakawala ang lahat ng mga pilyong isipin.






Matangkad, sobra. Kung magpapantay kami, siguradong hindi man lang ako aabot sa dulo ng baba niya.





He's like a godly apparition and he's walking right to me.





But in two days too, I haven't seen him cast even a single glance my way. Matapos ng nangyari sa office niya.






Habang ako ay halos hindi na magkamayaw kakapanood sa kanya na dumaan sa harap ko, sumagot sa teacher, kumain, tumunganga, ngumiti kasama si Valeria, makipag-asaran sa iba pang council, siya naman ay parang bigla na lang akong hindi nakita..







Naging invisible.




Given na sinabi kong wag na ulit magtatagpo ang landas namin, but still..





Isn't he a bit too much?





Feeling ko nga ay saulado ko na ang lahat sa kanya dahil sa walang humpay kong kakamanman. I think I even found all of his social media accounts, from his facebook to his twitter to his IG. Lahat yun in-add friend at finollow ko. Wala ni isang nagconfirm.





I stayed in my ducati when I realized that he will pass this way, where my motorcycle was parked.





Matutuwa na sana ako kung hindi ko lang narealize na ito lang pala ang daanan papunta sa first subject namin. Physical Science. Ang natatanging subject na magkasama ang ABM at HUMSS.





Lumapit siya ng lumapit. I know it's gonna be impossible for him to ignore me. Sa kulay palang ng buhok ko ay hindi na siya malilingat. His peripheral vision won't let him down at all.





'Look at me.' I chanted in my head.





Dalawang hakbang na lang ang layo niya.




'Please look at me. Please.'




Isa na lang.





Naghintay ako na kumiling kahit kaunti ang ulo niya para magtama ang mga paningin namin pero nanatili siyang tuwid at diretso ang tingin sa harap.





'Look at me President!' halos suminghal na ang isip ko dahil sa sobrang frustration at kagustuhang pilitin siya na i-acknowledge ako!






I'm here! You will pass me by! Ano ba!






Lumagpas siya.






Bumagsak naman ang balikat ko.






I know fault ko naman yun. I know. I admit. I also didn't say sorry so for sure galit siya..






The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora