Chapter 14

1.5K 71 13
                                    

Chapter 14: Kent

“Dito na rin po ba mag-aaral si Kent?”

Kasalukuyan na kaming nasa dining room at kumakain ng hapunan. I‘ve never been this happy during our dinner until today.

“Yes, anak,” sagot ni Papa.

“Oh, my gosh! Does that mean we‘re classmates too?”

“We‘ll see,” Lolo said. 

Natapos na kaming kumain kaya kani-kaniya na rin kami nang akyat sa kuwarto para makapaglinis ng katawan.

Dito raw muna pansamantala sila Tito Von, Kent at Lolo sa amin, though mayroon din naman silang sariling bahay rito sa Valley Golf.

“Apo, halika!”

Sabik akong umupo sa tabi ni Lolo, sa kabila ay katabi ko si Kent at sa harapan naman namin si Kuya.

“‘Tol, classmates tayo! Excited ako!” Sinapak ni Kent sa braso si Kuya na parang gigil na gigil.

“Kaya dapat kang manapak?” Sinamaan naman siya ng tingin ni Kuya.

“Lolo, confirmed na ba na sa Clark High mag-aaral si Kent?”

“Oo naman.”

We talked about some random stuff until Lolo brought up something that would surely make me blush.

“Itong apo ko ay dalagang-dalaga na dahil may manliligaw! Naalala niyo iyong apo ng best friend ko na si Domi? Kaso pumanaw na ang amigo ko na iyon. Nakakalungkot isipin. Hay ang Domi, iniwan ako sa ere.”

“Bakit, Lolo, gusto mo ba sumama sa kaniya?” inosenteng sambit ko.

“Sino pa lang manliligaw, Lolo?” tanong ni Kent na nakapatong na ang paa sa hita ni Kuya kaya tinampal ni Kuya ang paa nito. 

Akmang itataas ni Kent ang gitnang daliri nang inginuso ni Kuya si Lolo.

“Si Jace, apo. Iyong panganay ng mga Prama,” si Lolo. 

Nagtiim-labi ako.

Bakit pati sila alam, e, niloloko lang naman ako no’n?

“What?”

“Huwag ka maniwala, Kent. ‘Di naman totoo.”

Pinanliitan niya ako ng mata. “Sure ka?”

Tumango ako.

Ngumisi siya at kinurot ako sa pisngi. “Then why are you blushing, huh, Ari?”

Inirapan ko siya at hinampas.

Hindi ko masukat kung gaano ako kasaya ngayong araw para bang iyong nangyari kaninang umaga nawala na lang bigla dahil sa nadatnan ko pag-uwi. Parang araw-araw na akong nakangiti nito, ah. I‘ve never been this happy in my entire life. I can’t believe that this would happen.

My phone beeped later when I entered my room.

Mr. Playboy: Good evening, Victoriane, I’m sorry.

Ako: Huh?

Mr. Playboy: I am just sorry. Are we good?

Ako: Crazy ka, nagso-sorry tapos wala lang? And yeah, we’re not in bad terms naman.

Mr. Playboy: You‘re funny, babe.

Inis akong napasinghal. Kahit talaga ano ang gawin kong pagtataray ay ako mismo tumitiklop sa simpleng moves niy. Hindi ko na lang siya ni-replyan dahil umaandar na naman ang pagiging manloloko niya.

Once is enough, twice is too much.

After that, pumanhik na ako papunta sa kwarto nila Mama. Kumatok ako at binuksan naman kaagad iyon ni Papa.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now