Last chapter. Thank you for the patience and support. ILYF. <3
Chapter 49: Forever
"It's graduation day!" sigaw ko, bumangon at bahagyang ini-stretch ang katawan.
Kaagad tumunog ang aking cell phone kaya kinuha ko iyon sa sidetable.
Jace: Good morning, miss. Congratulations, I love you!
Ako: Good morning! Thanks <3 love you rin hehe
Naligo ako at nagbihis muna ng pambahay bago bumaba at dumiretso sa dining room. Nakita ko si Mama at Papa roon na nakatunghay sa crib.
"Good morning!" bati ko, lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi bago tumunghay kay baby Andy na dalawang buwan na.
"Hello, baby ko. Ang cute mo talaga manang-mana ka sa ate mo." Pinaliit ko pa ang aking boses at ipinahawak kay Andy ang aking isang daliri.
She cutely blinked her beautiful eyes.
"Paano nga ulit ang cute, baby?" tanong ko, nangingiti.
Humikab si Andy at halatang natutuwa sa akin.
"Paanong cute -"
"Ganito, oh!"
Napalingon ako kay Kuya na nasa aking gilid. Nakanguso siya at mukhang tangang ipinagdikit ang dalawang hintuturo bago kumurap-kurap.
Humalakhak ako at hinampas siya. "Mandiri ka nga, Kuya! Kainis ka!"
Pinanggigilan niya ang pisngi ko bago dungawin si Andy. "Hindi ba mas cute si Kuya kaysa kay Ate?" aniya.
Mayamaya pa ay nawala ang ngiti ni Andy at kaagad umiyak.
"Ayan, sira ka kasi Kuya! Umalis ka nga rito natatakot sa mukha mo!" Itinulak ko siya nang bahagya.
"Tumigil na kayong dalawa riyan! Kumain na kayo, gisingin ninyo na si Kent- oh, good morning, hijo. Kumain na kayo!"
"Good morning po!" ngisi ni Kent.
"Ang ganda ng araw natin, ah?" bungad ko sa kaniya at naghila ng upuan para umupo.
"Siyempre, alam na. 'Di ba, 'tol?" Sabay tapik niya sa balikat ni Kuya.
Sumipol si Kuya sa kaniya, at halata sa tinginan nilang dalawa na may something. Umiling ako. Mga loko.
Nang natapos kaming kumain ay nagsimula na kaming mag-ayos para mamaya. Hindi ko na mapangalanan ang kaba at sabik na nararamdaman.
Ang bilis talaga ng panahon at college life na naman kami sa susunod.
Nang nagtanghali ay sumakay na kaming tatlo sa SUV habang sina Mama ay nasa kabilang sasakyan.
"Congrats sa inyo!" bati sa amin ni Kuya Jul nang nasa loob na kaming tatlo.
Malaki ang ngiti naming tatlo. "Salamat, Kuya Jul!"
"Salamat, 'tol!"
"Salamat, pare!"
Tumawa ako.
Dumiretso na kami sa gymnasium dahil doon gaganapin ang graduation ceremony. Abot-abot ang aking kaba at saya.
Sabay-sabay kaming tatlo na pumasok sa gymnasium, marami ng mga estudyante at pare-pareho kaming lahat na naka-graduation gown. Kung saan-saan din kami nakatanggap ng mga greetings.
"Congrats, Reistres!" bati ni Sir Payne sa amin sabay tapik niya sa aming mga balikat.
"Maraming salamat, Sir!" sabi ko.
YOU ARE READING
Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)
Teen FictionAfter transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life. She didn't know that studying there would be precious, for her dull life would change into something colorful. Meeting people she never tho...