Chapter 23

1.2K 55 6
                                    

Chapter 23: Accuse

“Nagsasabi ba kayo ng totoo lahat?” si Dean Hisman.

Hindi umimik si Sandra hindi gaya ng apat na nagsitanguan.

“How about you, Miss Joson?” tanong ni Lolo.

“P-Po? Sorry po.” Nag-angat siya ng tingin kay Lolo at agad na yumuko.

“Gusto niyo bang masuspend?”

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ni Dean Hisman. “H-Hindi po!”sabi ng tatlong babae.

“Mr. Reistre, what punishment will do?” tanong ni Dean, si Lolo naman ay tumingala at nag-iisip.

“Dahil kayong mga estudyante ay nawawalan ng respeto sa kapwa kamag-aral dapat nga ay ipatanggal kayo sa eskwelahang ito. Kung gusto ko ay gagawin ko pero hindi, ni patawag sa mga magulang niyo ay hindi ko ginawa. Manghingi kayo ng paumanhin sa apo ko at pag-uusapan natin ito sa susunod pagkatapos naming mangangalap ng ebidensiya.”

“Excuse me po, about Miss Joson dalawa po ang answer key na nakita ang isa ay galing sa faculty room at ang isa kay Mr. Payne. Is there a possibility na siya rin mismo ang gumawa noon?” si Sam.

Oo nga, sino naman ang kumuha noong sa bag ni Sir Payne? Ang hindi ko lang din maintindihan ay kaya pala itong gawin ni Sandra sa akin.

“Ang laking kahihiyan nito sa ‘yo, Miss Joson, gusto kong ipatawag ang mga magulang —”

“Huwag po, Dean. Parang awa niyo na huwag po...”

Bakit? Natatakot ba siya na malaman ng magulang niya? Sabagay kung ako ang may kasalanan matatakot talaga ako. Naaawa ako sa kaniya, pero naisip ko na hindi dapat kung sana kasi ay hindi niya lang ginawa iyon.

“Pagkatapos mong gawin ang kalokohang ito? Matatakot ka? Sana isinaisip mo muna!” Tumaas ang boses ni Lolo.

Umiling si Sandra at nagsimula nang umiyak. Hindi kaya hindi talaga siya ang gumawa no’n? Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin.

Paano kung napag-utusan lang siya? Tahimik at mahinhin si Sandra at alam kong hindi niya iyon magagawa. Kahit kinakabahan ay tumayo ako at yumuko nang bahagya.

“Excuse me po, can I talk to her for a while?” paalam ko.

Tumango si Dean at si Lolo.

“Thank you po.” Binalingan ko si Sandra at napansin ang pagtigil niya nang ngumiti ako at naglahad ng kamay sa kaniya. “Let’s talk.”

Nanginginig man ang kamay niya ay inilagay niya iyon sa ibabaw ng aking palad. Bumaling ako kay Dean. “Sa labas lang po kami, sorry po.” Yumuko ako.

Nang nasa labas na kami ni Sandra ay hinarap ko siya. “Sandra, una pa lang ang gaan na ng loob ko sa iyo, nagulat nga ako nang nalaman kong ikaw ang gumawa non.” Ngumiti ako habang nakatitig sa kaniya na nag-iwas naman ng tingin.

“Alam kong hindi mo iyon magagawa, magsabi ka nga nang totoo sa akin. Hindi ba’t ayaw mong mapatawag ang magulang mo?”

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango.

“Inutusan ka lang, hindi ba? Sana totoong inutusan ka na lang hindi ako naniniwalang magagawa mo iyon.”

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako.

“Sino ang nag-utos sa iyo? Tinakot ka ba niya? Sabihin mo sa akin ang totoo, hindi kita pababayaan. May tiwala ka ba sa akin?” mahinahon kong sabi.

Lumunok siya. "S-Sige sasabihin ko ang totoo sa loob.” Kinagat niya ang labi hanggang sa tumulo ang kaniyang luha.

“Okay ka lang? Sorry...” Hinaplos ko ang kaniyang buhok at hinila siya para sa yakap.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now