Chapter 32

1.3K 43 1
                                    

Chapter 32: Apologize

Last week of school at sem-break na. Another break, less stress. As usual, nasa bahay lang ako. Minsan ay pumupunta kami ng mall nila Mama or kami ni Jace.

Hindi kami gaanong nagkita ni Jace this week, because we’re both busy. Tuloy-tuloy rin ang discuss ni Sir Payne at Miss Florencia, that’s why we’re all drained.

Noong isang araw lang ay umuwi na ulit kami sa Warder, dahil pabalik-balik si Papa sa Egaro at nililigawan kami para umuwi na sa kaniya.

Dalawa kasi kami ni Kuya na may tampo sa kaniya... kahit nga si Mama, e! The fact na naglihim siya at may anak sa iba hindi maayos iyon, and we do really need a time to think about it. Hindi naman iyon maliit na bagay na maaaring balewalain lang.

Even Mama told us that we’ll accept it eventually. Still, Kuya's stubborn, medyo ayos na sa akin, pero may parte pa rin na ayaw ko muna siyang kausapin.

As of now, gusto ko lang na maging okay si Kuya. Hindi niya kasi talaga kinakausap si Papa the whole week. I know na nababastusan na rin si Lolo dahil sa pag-inignora namin sa ama, pero masisisi niya ba kami?

On the other hand, as per Lolo ay humingi ng tawad si Chelsea at Kuya Shan noong nasa conference hall pa sila. They also made a promise na hindi na nila uulitin or else. I know my family is love giving chances whether you are deserving or not kaya hindi nakakapagtaka.

So that’s why they dropped the supposed case. As per Kuya Shan, he’ no longer the school guard. I felt sad for him, but I won’t blame myself for that. I really think he deserves it, after all he turned out to be Chesca’s uncle— her mom’s younger brother. Hindi ko alam kung bakit guard siya, e, mayaman naman sila, but his reason was he’s working for himself at hindi siya umaasa sa iba. Well, that's nice to hear.  As Chelsea’s punishment, dahil ayaw niya namang makulong ay binigyan siya ng task ni Lolo. He commanded her to do community service around the school for one month, whole day with her daughter, Chesca. I somehow felt bad for them, pero tuwing naaalala ko iyong ginawa nila ay umuusbong ang galit ko.

“Ariane, p’wede tayo mag-usap?”

Kasalukuyan akong nasa library at nagrereview para sa quiz ni Miss Florencia, hindi ko alam kung bakit narito ako, pero dahil sa kadahilanang wala kami sa good terms ni Sandra at Trisha ay wala akong kasama na babae.

Pero ngayong narito si Sandra sa harapan ko ay tumango na ako sa pabor at iminuwestra sa kaniya ang upuan sa harap ko.

Kabado siyang umupo roon. Ilang beses na huminga bago nagsalita nang diretso at walang palya. Parang nag-practice. “Sorry talaga, sana mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko. I will do everything, patawarin mo lang ako. Ikaw ang una na naging kaibigan kong babae kaya sobra akong nagsisisi sa nangyari. Sobrang bait mo sa ’kin para makatanggap ng ganoon sa akin in return, pasensya na talaga dahil takot at duwag ako kaya napili kong... saktan ka. Ayaw kong matanggal sa eskwelahan kaya sinunod ko si Chesca kahit labag sa kalooban ko. Pangako, hindi na ulit iyon mauulit kahit ano pa ang mangyari at maging kapalit...”

I pursed my lips while watching her talking with her teary eyes, hindi ko napigilang pangiliran din ng luha at mapangiti. “Isang sorry lang, ayos na ako, pero dahil dinamihan mo, e ’di thank you. Bati na tayo,” sabi ko at pinisil ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa.

Lumipas ang isang araw at si Trisha naman ang lumapit sa akin. Nasa bahay ako nang sabihin ni Mama na may bisita ako. Saktong nag-uusap kami noon nina Lolo nang dumating si Trisha.

“G-Good afternoon po, Chairman...” bati niya iyon kay Lolo at hindi man sabihin ay halata ang pangangatog ng mga tuhod nito marahil ay nininerbiyos.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now