Chapter 24

1.4K 56 19
                                    

Chapter 24: Date

Natapos ang araw na iyon, pinag-take kami ng exam. Sinubukan din akong kausapin ni Trisha, pero hindi ko pa siya magawang harapin. Sounds OA, but that’s what I think is right, doon ako comfy.

Binabantayan ako nila Kuya para hindi sila makalapit sa akin, maybe next time I will. Ang announcement bago kami magsi-uwian ay Acquaintance Party next week kaya naman kailangan naming maghanda para sa party.

Nagkausap kami ng pamilya ko tungkol sa nangyari sa dean's office. Ang sabi nila ay puwede silang ipatanggal, nagtaka ako dahil ganoon lang kadali but they refused to explain. I didn’t mind, though.

Nakapagdesisyon si Dean na ipapasuspend si Chesca for 1 week. And to clear my name, she should announce by herself that it was not my fault, I know that’s too much, I even argue na okay lang, but then Chesca got mad at me, feeling daw ako. O, sige bahala siya.

Nang isang araw ay namili kami sa mall ng mga susuotin namin, pagtapos naming namili ay kumain kami sa isang Filipino restaurant, tapos nagsine naman kaming lahat. That was a great day for me, ever.

Kinabukasan napatalukbong ako ng kumot dahil sa ingay sa labas. “Anak!” sigaw galing sa labas. Humikab pa ako at bahagyang nagstretch bago bumangon. “Bakit, Ma? Bukas ‘yan!” Tiningnan ko ang oras sa pader at nanlaki ang mata ko nang nakitang mag-a-alas dose na?!

“Magbihis ka na! At may date kayo ni Jace!” Pumalakpak siya, tila sabik na sabik.

Date?

“True ba iyan?”

“Oo, paulit-ulit ka. Nariyan nga siya sa baba, e, nag-uusap sila ng Lolo at Papa mo, dali!” kinikilig na sambit niya bago pumanhik palabas.

Kumalabog sa kaba at sabik ang aking puso. What is he doing?

Dali dali akong naligo at nag-ayos, my phone rang and I saw Jace’s name appeared on my screen.

“Hello, babe,” natatawang sabi niya. May kausap yata siya sa baba kaya tatawa-tawa pa nang tawagin ako.

“Yeah?” I acted boring.

“I’m here you know, what are you doing? We’ll go on a date... get dressed, babe.”

Nagkibit balikat na lang ako, hindi siya sinagot at binaba ang tawag.

I was wearing a maroon smocked puff sleeves paired with a boyfriend jeans with a black gucci belt on it; and white sneakers.

Nang nakababa na ako ay dumiretso ako sa dining area hanggang sa nakita ko si Jace na nakaupo habang nag-uusap sila ni Kuya at Mama.

“Good morning.” Humalik ako sa pisngi ni Kuya at Mama, at umupo sa tabi ni Jace, I kissed his cheek too, medyo nahiya pa ako, pero unfair naman kasi kung hindi ko siya isasali sa beso.

“Hindi mo ako sinabihan.” Inirapan ko siya bago kumuha ng sandwich.

“Well, it supposed to be tomorrow, but I just had a sudden change of mind last night.”

“Saan kayo pupunta?”tanong ni Kuya.

“Ba’t gusto mong malaman?” tanong ko.

Umirap siya sa akin at itinuon ang pansin kay Jace. “Ingatan mo iyan, Jace, sinasabi ko sa iyo.”

“Of course, I will. Mall lang muna siguro kami,” sagot naman ng isa.

“Saan pala sina Papa, Ma?” tanong ko kay Mama na nasa counter.

“Egaro, they’re checking our house...”

Tumango ako.

Natapos na kami kaya nagpaalam at umalis na. Pinagbuksan ako ni Jace ng pinto at pumasok na ako sa shotgun seat, umikot naman siya para makapagdrive na.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now