Chapter 22

1.2K 50 2
                                    

Chapter 22: Defamation (2)

Kampante ako kinabukasan dahil alam kong hindi nila ako pababayaan, ganoon din ang mga kaibigan ko lalo na si Kuya.

Nasa gate na kami at napahinto dahil tinawag ako ni Kuya Shan, kaya naman pinilit ko si Kuya na mauna na kahit ayaw niya ay pumayag siya.

“Bakit po, Kuya Shan?”

“Totoo ba ’yon? Kalat na sa eskwelahan na magnanakaw at mandaraya ka. Ikaw, ha. Ba‘t ka nandaya?”

“Hindi po ’yon totoo at lalong hindi ko magagawa iyon...” mahinahon kong sabi.

Nanliit ang mata niya na parang ayaw pa akong paniwalaan. “Sure ka? Hindi ako naniniwala.”

Napayuko na lang ako. “Mauna na ho ako.”

Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi pa ako nagpahintay kay Kuya, nahihiya akong dumaan mag-isa lalo na‘t ganyan ang naririnig ko. Nasa hagdan na ako paakyat sa aming room nang nakaramdam ako ng lamig at basa sa aking katawan.

Napapikit ako pagbukas ko ng aking mata ay nakita ko ang tatlong babae na may timbang dala.

“‘Yan ang dapat sa ’yo!” sabi ng babaeng hindi ko kilala.

Pinagmasdan ko ang aking damit na basa at madumi binuhusan ako ng maruming tubig.

“Salot ka sa eskwelahang ito!”

Hindi ako umimik magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang harangan naman ako ng isang lalaki. “Ano ba ang ginawa ko sa inyo?!” sigaw ko. “Kapag ako napuno sasapakin ko ’yang mukha mo,” dagdag ko pa.

“Ang tapang nito, ah!” Inilapit niya sa akin ang mukha kaya napaatras ako. Nang paatras ako ay nawala sa isipan ko na nasa hagdan ako kaya naman wala akong naapakan at diretso akong nahulog pababa.

“Victoriane!” Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin dahil sa pag-inda sa sakit sa tagiliran at paa.

Ganoon na lang ang pagkabuhay ng aking loob nang hinawakan ako sa braso at inilalayang tumayo. Jace.

“Shit! Are you okay?” Inalalayan niya ulit akong maupo muna sa baitang ng hagdan at may tinawagan sa kaniyang phone. Tumingala ako at nakitang wala na ang mga estudyante na gumawa sa akin nito.

Bumaling naman ako kay Jace na kanina pa pala nakatitig sa akin, ngumiti ako at ambang tatayo ngunit kumirot ang aking tagiliran at paa.

“Stay still,” seryosong aniya. Kumuha siya ng panyo sa bulsa at pinunasan ang aking mukha.

“They’ll fucking pay for this...” mariin niyang saad.

Nagbaba ako ng tingin. Ganoon ba talaga kalala ang nagawa ko para tamuhin ang ganito? Ano ba ang kasalanan ko?

“Ari?”

Napalingon ako sa tawag ni Kuya. Nakita ko rin si Sam, Archie, at Kent na palapit sa puwesto namin ni Jace.

“Sinong gumawa sa ’yo nito?!" Pinagmasdan niya ang aking itsura, at pinasadahan ang aking kabuuan.

Umiling lang ako dahil hindi ko rin naman iyon kilala pero nasisiguro ko na 11-B ang mga iyon. “We'll report it to the prefect of discipline. Sino ang gumawa niyan?!” pasigaw naman na sabi ni Sam.

“Can you please tone down your voice and don't shout at her!” pasigaw rin na sagot ni Jace.

Nag-usap sila na hahanapin daw nila iyon habang si Kuya at Jace naman ay dadalhin ako sa clinic, si Sam naman ay magpapaalam kay Miss Florencia o Sir Payne.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now