Chapter 40: Accident
Nang makarating ako sa bahay ay ngiting-ngiti ako. Kaagad akong dumiretso sa dining room dahil doon ko lang naman sila makikita.
“Hello, everyone!”
Pero napasimangot ako nang nakitang walang katao-tao ang dining room. Lumabas ulit ako at nakita silang tatlo, si Mama, Papa, at Lolo na papalabas na kung hindi ko lang tinawag.
“Saan po kayo?” tanong ko.
“May gagawin lang kami —”
“Tungkol saan po ’yan?” pagputol ko.
“About Chesca,” sagot ni Lolo.
Kaagad namang lumawak ang aking ngisi0 excitement filled my entire system. “I have something to tell you po, it’s important.”
Nagdadalawang-isip pa sila, pero kaagad ring tumango. Dumiretso ako sa dining room at umupo sa kabisera. Masyado uata akong masaya ngayon at pati puwesto ni Lolo ay inagaw ko.
“Saan nga po pala si Kuya?”
“Hindi ba kayo nagsabay?”
Naalala kong umalis nga pala ako kanina, at ibinilin kong sumabay na siya kay Kent, siguro mamaya ko na lang sabihin sa kaniya pagkarating niya. Nag-text na rin naman ako kanina sa kaniya pero wala nga lang akong natanggap na reply.
Kinuha ko ang brown envelope sa aking bag at inilipag sa gitna ng lamesa. Nangunot ang kanilang noo bago nag-angat ng tingin sa akin, inginuso ko naman ang envelope.
“Mr. Arthur gave me that envelope.”
“Who’s Arthur?” tanong ni Lolo bago kinuha ang envelope.
Nagkatinginan naman sina Papa at Mama.
“Arthur? Sounds familiar...”
“I knew him, asawa ni Chelsea.”
“Is this legit, apo?”
Tumango ako kay Lolo, ibinigay niya iyon kay Mama at Papa para tingnan nang natapos nila itong tingnan ay napatakip ng bibig si Mama.
“What’s the meaning of this?”
Sinimulan kong magkuwento, noong natanggap ko ang DNA test hanggang sa pag-uusap namin kanina, hindi ko sinabi lahat tungkol sa naranasang sakit ni Mr. Allen. Nasaktan na nga siya ipangangalandakan ko pa ba?
“Hindi mo anak si Chesca, Papa,” ngiti ko.
“You didn’t fail me, apo. This is great, I’m proud.”
“Ano ba, Lo. Maliit na bagay.” Ni kaya ko nang magyabang.
Napalingon na lang ako kay Mama nang lumapit siya at mainit akong niyakap. “T-Thank you, anak.”
Nag-usap-usap pa kami tungkol doon. At dahil sa sobrang saya at malaya ang aking pakiramdam ay hindi mapawi-pawi ang ngising iyon. Even Papa teared up and apologized for being useless he was. But I refused to agree with him. Biktima lang din siya.
Sa sobrang tuwa namin nina Mama ay niyaya niya akong magluto ng hapunan, sa pagiging ligalig ay natabig niya ang vase sa gilid dahilan kung bakit ito lumikha ng tunog at nabasag.
Kaagad akong kinabahan for no reason.
Nagpatawag naman kaagad si Lolo nang maglilinis. Nakangiti pa rin kami sa isa’t isa nang tumunog ang cell phone ni Papa at lumayo-layo muna para sa privacy.
“What’s wrong, Roen?” tanong ni Lolo sa hindi kalayuan.
Nagkatinginan kami ni Mama.
“Kent j-just called... Zirdy is in the hospital,” he broke the news.
YOU ARE READING
Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)
Teen FictionAfter transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life. She didn't know that studying there would be precious, for her dull life would change into something colorful. Meeting people she never tho...