Chapter 7

27.9K 1.1K 490
                                    

Chapter 7

Hindi man lang ako ihahatid! I stomped a little and winced in pain when I felt the striking pain on my feet. Tiningnan ko ulit ang parteng namumula at nakita kong kailangan ko na talaga 'yong ipahinga.

Siguro, hindi na dapat ako pumayag na sumayaw ng iba! Hindi siguro mapapagod ang paa ko at nakapagsayaw pa sana kami ni Uriah.

Tiningnan ko ulit ang likod ni Uriah pero nawala na s'ya sa dagat ng mga estudyante.

"Areli?" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin at nakita ko si Samuel, wala na rin ang coat at mukhang marami na ring naisayaw. "I thought you already went home." Ngisi n'ya habang lumalapit sa akin.

Akala ko, hindi ko na sila makikita ulit. Sa dagat ng mga estudyanteng 'to, mahirap nang mahanap ang isa't isa. Hinahanap ko nga kanina si Serah, tinext ko na rin, pero mukhang naging abala na rin s'ya sa ibang bagay.

Ngumiti ako at umiling. "Uuwi pa lang." 

Kumunot ang noo n'ya. "Why?"

"Masakit na sa paa 'yung heels ko," I pointed at my feet.

Samuel looked at it. Mukhang nagtataka pa s'ya pero nag-angat din ng tingin sa akin, medyo nag-aalala.

"I have some flipflops in my car. Do you want to borrow it for a while?" He asked.

Samuel's really a gentleman. Ibang-iba sa best friend n'ya. Napangisi ako nang maisip 'yon. But Uriah intrigues me more.

Hindi ko rin alam kung bakit 'yon ang nagustuhan ko sa kan'ya; ang pagsusungit. Kahit na malamig ang tingin na ibinibigay n'ya, parang umiinit ang t'yan ko kapag sa'kin n'ya 'yon binibigay.

Kaya siguro nagugustuhan s'ya ng mga babae! Madidilim ang mga mata at intimidating. It makes people flip. It's bothering—in a really nice way. Iyon bang iisipin mo ang tingin n'ya hanggang gabi.

Agad akong umiling. "Hindi na!" Tanggi ko kay Samuel, bahagyang natatawa. "Paparating na ang kuya ko. I texted him a while ago."

Tulad nga ng bilin ni Kuya Abdiel, I texted him to pick me up. Malalim na rin ang gabi. Kung hindi pa nga sinabi ni Uriah na umuwi na ako, hindi ko mapapansin na masyado na palang late.

Siguro ay nag-aalala na si Mommy. Lagi naman s'yang gano'n, parang hindi na nasanay na hindi ko nasusunod ang curfew n'ya sa'kin.

My curfew's 6 PM. Masyadong maaga 'yon para sa'kin kaya madalas na hindi ko nasusunod. Mommy gets mad pero hindi naman n'ya ako mapagalitan nang matagal dahil paborito. Mas madalas pang manermon si Kuya kaysa sa kan'ya.

Tumango si Samuel. Now that I look at him, napapansin ko na ang medyo pagkabanyaga ng features n'ya. Mukhang mabait si Samuel but not the Yovan Romero type. He looks manly and boyish at the same time.

Bigla kong naalala si Uriah. That guy is different! He's manly and intimidating. Halatang hindi friendly at mukhang hindi mamamansin.

But I think Uriah is really a thoughtful person. I mean, he shoves me off and tries to ignore me most of the time, pero hindi nakakalagpas sa akin ang mga pagkakataong pinagbibigyan n'ya ako. Like earlier! Puwede naman n'ya akong iwan na lang doon at  hindi na ako isayaw pero he still indulged to my request!

Kung hindi lang ako nakonsensya na lagi kong ipinipilit ang sarili sa kan'ya, baka nga hindi na ako pumayag na umuwi na rin kaagad.

Kahit na madalas ko s'yang kulitin, I know it's wrong that I invade his privacy too much. At pagod sila sa katutugtog kanina. Bakit ko pa s'ya pipilitin na isayaw ako kahit ayaw n'ya naman talaga? I care about him kaya!

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon