Chapter 30

39.3K 1.1K 762
                                    

Chapter 30

Napalunok ako at parang dumadagundong ang tibok ng puso ko sa dibdib ko. My eyes were already stinging and I figured that it was because of my forming tears because my sight became blurry. Hindi ko na makita ang mukha ni Uriah dahil sa panlalabo ng mga mata ko.

"Areli?" Tanong ni Axel, nagtataka. "Are you alright?"

Napatingin ako kay Axel at tumango ako bago maliit na ngumiti.

"Ano ulit 'yung sinasabi mo?" Tanong n'ya.

"Puwede bang mauna na kayong umalis?"

Kalagitnaan pa lang ng sinasabi ko, kumukunot na ang noo ni Axel.

"Bakit?" He asked.

"May naiwan kasi ako." I stuttered.

Napatingin ako kay Lyndon at nakakunot na rin ang noo n'ya sa pagtataka sa ina-aksyon ko. Then he looked at Uriah. When Lyndon saw him, Lyndon immediately looked at me, slightly shocked with what he saw.

"Puwede ka naman naming hintayin-" Hindi na natapos pa ni Axel ang sasabihin n'ya dahil hinila na s'ya ni Lyndon.

"Tara na," he told Axel. "Kaya na ni Areli ang sarili n'ya."

"Ano bang naiwan mo? Puwede naman kitang hintayin-"

Umiling na ako. "Okay lang, Axel," I mumbled. "Kaya ko na. Kikitain ko rin si Azriel. Uuwi na kami," I lied.

"Sigurado ka?" Nagtatakang tanong n'ya, naguguluhan sa nangyayari.

Tumango ako at ngumiti sa kan'ya. Sa huli, nagpatianod si Axel sa hila ni Lyndon pagkatapos maibalik sa akin ang bag kong hawak n'ya kanina at nauna na silang umalis. Tiningnan ko ulit si Uriah. Sinusundan n'ya ng tingin sina Lyndon. Hinawakan n'ya ang strap ng bag n'ya bago ako nilingon.

Nang hindi ko na makita pa sina Axel, nagsimula na akong maglakad papalapit kay Uriah. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Pain and joy were two of the mixed feelings I can name.

Titig na titig sa akin si Uriah at kitang-kita ko ang paglabas ng ugat sa braso n'ya nang higpitan n'ya ang hawak sa strap ng bag na dala. Nang tuluyan akong makalapit sa kan'ya, umawang nang kaunti ang mga labi n'ya.

Tinitigan ko ang mga mata ni Uriah. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong nasa ibabaw ng mga ulap, nakalutang at parang nasa isang panaginip. Kung panaginip 'to, sana paggising ko, maayos na kaming dalawa. Sana, wala na ang sakit.

"Bakit ka nandito?" I asked him, hindi ko na napigilan ang lambing sa boses ko.

Uriah pursed his lips and stared back at me. Kahit na mukhang galing nga s'ya sa klase, presko pa rin ang hitsura n'ya. Amoy na amoy ko ang pabango, pakiramdam ko, ilang beses s'yang nagwisik no'n sa katawan n'ya bago naghintay sa akin.

Seeing him in his college uniform feels like he became more mature. No'ng grade 11 ako at grade 12 s'ya, kapag tinitingnan ko s'ya ay parang halos magkasing edad lang naman kami. Pero ngayong college na s'ya, para bang ang lawak ng pagitan ng edad naming dalawa.

"I heard... that your brothers won't drive you home," he mumbled and my heart clenched soothingly. "Kaya susunduin sana kita," dugtong n'ya at nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata n'ya.

Uriah smiled a little and I think his gaze wavered a bit.

"Pero kung ayaw mo, it's fine. I just want to make sure that you're safe," aniya.

Kumuyom ang panga ko nang lumatay na naman ang sakit sa puso ko. Gusto kong ipasada ang kamay ko sa panga n'ya at hilahin s'ya sa isang yakap but I couldn't because my arms feel weak, even my shaking knees.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon