Chapter 11

27.7K 929 347
                                    

Chapter 11

Areli:
Guess whose hoodie this is.
Sent a photo.

I smirked as I send a picture of me wearing Uriah's black hoodie to Lyndon who's probably home by now. Mabilis n'yang nakita ang message ko at mabilis din ang reply.

Lyndon:
Wtf?
Bumili ka pa ba ng hoodie para mag-ilusyon?

Napa-irap ako. Lagi na lang akong sinasabihang nag-iilusyon ng isang 'to!

Areli:
Bakit ba ayaw mong maniwala?

Lyndon:
Kung ibang lalaki 'yan, maniniwala ako.
Pero si Uriah? Really?

Areli:
Bakit? Ano ba si Uriah sa pagkakakilala mo?

Lyndon:
Well, based on what I heard, kahit mga nagpapa-picture sa kan'ya malamig ang pakitungo n'ya.

Areli:
Pero nagpapa-picture pa rin s'ya, right?

Lyndon:
Well, yeah.

Areli:
Kami nga wala pang picture!!!

Lyndon:
Exactly my point!
Picture nga hindi n'ya maibigay sa'yo.
Hoodie pa???

Areli:
Bitter! Hmp.

Napa-iling na lang ako kay Lyndon at muling binisita ang chat ko kay Uriah. Tingnan mo ang isang 'to! Sinunod nga ang sinabi kong basahin ang messages ko, hindi naman nag-reply! Kanina, pagka-uwi ko, nag-send kaagad ako ng chat sa kan'ya at binuksan n'ya nga 'yon at binasa pero hindi naman nag-reply. Kahit "K" man lang sana, matatanggap ko pa.

Areli Lopez:
Won't you reply to me? :(

Kumunot ang noo ko at tumitig sa chat kong 'yon kay Uriah. Delivered. Online s'ya!

He opened my messages again, sini-seen ako. I pouted and glared at my phone. Hindi man lang nag-abala kahit mag-type ng kahit ano!

Areli Lopez:
Hello, free naman ang chat!
Puwede ka naman sigurong mag-reply, right? 🙄

Seen ulit! Napabuga ako ng hangin. Ang hirap naman! Ano bang iniisip ni Uriah? Na titigilan ko s'ya?

I immediately sent him the same mirror selfie of me wearing his hoodie that I sent to Lyndon. Kanina pa ang picture na 'yon nang makauwi ako. Dahil gabi na at papatulog, iba na ang soot ko.

Gusto ko rin sanang isuot sa pagtulog ko ang hoodie ni Uriah pero baka kapag nalaman n'ya, isipin n'yang creepy ako. Well, if he doesn't find me creepy yet.

Areli Lopez:
Sent a photo.
Thanks sa hoodie. 😘
I'll always wear it.
Iniisip ko nga kung lalabhan ko pa ba???
I mean, your perfume is still here and I like the smell of it. ❤️

Uriah Penalver:
Give it to me tomorrow.

I automatically squealed! Oh goodness! Nag-reply din! Ang hirap naman n'yang pag-reply-in. Parang talang hindi maabot.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon