Chapter 13

27.6K 1.1K 512
                                    

Chapter 13

Mukhang mauupo si Serah sa table kasama ang mga pamilya n'ya. Right, why haven't I thought about that? Inaasahan ko kasing magkasama kami sa table at s'ya ang magiging company ko sa party ng kuya n'ya.  Kaya naman sa table namin ngayon, lima kami at iisa lang akong babae. May ilan ngang napapatingin sa akin, iniisip siguro kung sino ako at bakit ko kasama sina Jude.

Mukhang mga kaklase at iyong mga kababata, mga pamilya, at ilang family friends ang imbitado sa party ni Uriah. Pormal ang lahat. Pumapainlalang ang classical music at hindi masyadong maingay ang mga tao. 

"Serah will be here later," lingon sa akin ni Samuel kaya tiningnan ko s'ya.

Tumango ako. Serah already texted me a while ago kaya alam ko naman 'yon.

"Sa'n ka pala pumunta no'ng nakaraan? Hindi ka nakasama sa pagpunta kina Uriah," he smiled at me.

"Naghanap ako ng regalo para kay Uriah," I smiled. "I really had a hard time deciding kung ano ba ang ibibigay ko."

Tumango si Samuel at sandaling natahimik, parang naghahanap ng sasabihin.

"It doesn't show, but Uriah's really appreciative," sabi ni Samuel, ibinabalik na ang tingin sa wine glass na hawak n'ya.

Napataas ang kilay ko. Si Uriah? Appreciative?

"Pa'no s'ya naging appreciative?" Takang tanong ko. 

Tumikhim si Samuel at umayos ng upo. He frowned a bit.

"I gave him a guitar when we were still in Grade 8," he started. "He still has it in his room now."

Agad na nagningning ang mga mata ko sa narinig. Such a softie! Kunwari pa ang isang 'yon! Napangiti ako. Warm feelings surged in my heart. Humigpit ang hawak ko sa paperbag na dala kung saan nandoon ang regalo ko para kay Uriah. Puwede ko namang iwan 'yon kanina sa table kung nasaan ang mga regalo para kay Uriah but I wanted to give it to him personally. 

Gusto ko lang na matapos na ang main program para maka-usap ko na si Uriah.

"Hindi pa rin sira?" Manghang tanong ko.

Umiling si Samuel. "He's good at taking care of things."

"Ako kaya, will he be good at taking care of me?" I laughed.

Napangiti si Samuel pero hindi gaya ni Jude na ginagatungan ang mga sinasabi ko madalas, wala s'yang ibang sinabi tulad ng ginagawa n'ya no'ng nakaraan. He just smiles whenever I throw punchlines for Uriah. Why haven't I noticed it before?

"Ang close n'yo ni Serah," I said, staring at him.

Kumunot ang noo ni Samuel at nilingon ako. "We know each other since high school," aniya.

Tumango ako. "Ang ganda n'ya rin! Hindi mo ba s'ya nagustuhan?" I laughed, making it look like I'm just teasing him.

"She's like a sister to me," ngiti ni Samuel.

 "Ayaw mong ligawan? Mabait s'ya, maalaga, ma-effort--- seriously! Girlfriend material. If I'm a man, s'ya ang liligawan ko," bugaw ko kay Serah kahit wala naman s'yang alam dito.

Kumunot ang noo ni Samuel at napangiti, parang natatawa. "Bata pa si Serah."

"Ako rin! Pero okay lang 'yon. 1 year lang naman ang agwat namin ni Uriah," I said, thinking about it now.

I like men who're older than me. Preferably 2 to 3 years older. Pero I like that Uriah's my senior. Wala pa ba s'ya? Magsisimula na ang party. Gusto ko na s'yang makita. 

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon