Chapter 10

29.1K 1K 264
                                    

Chapter 10

Of course, I didn't win against him. But I wasn't mad. Okay lang! At least I have his hoodie, right? At hindi ko rin kasi maiwasang ma-distract! I mean, the way he quickly presses the buttons and how he controls the thumbstick of the console, sobrang guwapo. Pati na ang seryosong titig n'ya sa TV para sa laro. I don't even know why I find everything he does attractive. Naglalaro lang naman s'ya!

Kaya after our game, kahit na natalo ako, I couldn't stop grinning. Napatitig nga sa akin si Uriah pagkatapos dahil ngising-ngisi ako kahit na talo naman. Hindi n'ya alam, titig n'ya pa lang sa akin, pakiramdam ko panalo na ako. 

"Fine, you win!" I told him.

Uriah just looked away and ignored me. 'Di ka pa mamamansin d'yan!

"Pero panalo ka naman talaga sa puso ko, eh," I chuckled and I heard Jude and Khalil laugh at that. 

Uriah rolled his eyes and looked at Samuel. Lalo akong napangiti.

"Sam, one game," yaya n'ya sa bestfriend n'ya.

Tiningnan ko si Samuel at nakita kong nakatingin ito sa akin. Ngumuso ako at hinayaan na silang maglaro. Nilapitan ko na lang ulit si Serah na mukhang sina Jude naman ang kalaro sa pool table.

Nang mauhaw, I realized na ubos na ang dinala ng kasambahay nina Serah na inumin.

"Wait, I'll call someone," ani Serah nang tanungin ko s'ya tungkol sa inumin.

"'Wag na!" I said. "Ako na lang ang kukuha."

"Sure?" 

Tumango ako at ngumiti bago tumayo. Alam ko naman na ang sikot papunta sa kusina. Their house is really big. Nang lumapit ako sa pintuan, nilingon ko sina Uriah at nakita kong nag-angat s'ya ng tingin sa akin. My heart jumped a bit. Ngingitian ko na sana s'ya pero ibinalik na n'ya ang atensyon sa laro nila ni Samuel.

Napanguso ako. 

"Hmp, sungit," I mumbled before I went out.

May nakasalubong akong kasambahay nina Serah na agad kong nginitian nang makita. Ngumiti rin naman ito pabalik. Dumiretso na ako papunta sa kusina nina Serah. 

Their kitchen looks good too. Malinis at spacious. Puting marble ang mga counter tops at itim na kahoy naman ang bawat pinto ng cupboards sa itaas. Puti ang mga drawers at malinis tingnan. May isang kasambahay doon na napatingin sa akin nang dumating ako. Kasalukuyan s'yang naglilinis sa lababo at nang dumating ako ay nagpunas s'ya ng mga kamay sa bimpong malapit. 

"Kukuha lang pong tubig," I politely said, smiling a little.

"Oo, sige. Kuha ka lang, iha. May malamig t'saka maligamgam ang meron. Ano ba ang gusto mo?" She asked.

'Yung anak po ng amo n'yo. Tumikhim ako. 

"Ako na po ang kukuha, ate," Ngisi ko, pinipigilan ang tawa dahil sa naisip.

Tumango ang kasambahay at ngumiti sa akin. Binigyan n'ya ako ng baso at tinanggap ko naman 'yon at lumapit na sa refrigerator para kumuha ng tubig.

"Bagong kaibigan ka ni Ma'am Serah?" Tanong ng kasambahay sa akin.

Ngumiti ako at tumango. "Opo. Magkaklase po kami sa Torrero University."

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon