Chapter 14

28.3K 1K 381
                                    

Chapter 14

I stared at the newspaper. Kalat na kalat na ang papel na 'to sa buong campus at usap-usapan na, hindi lang ng higher year, kundi ng buong senior high school department ng Torrero University. They published it a few days after Uriah's birthday. Bagong pakulo yata ng school newspaper. 

The big letters of the series, The Heartbreakers, was written on top. May maikling article, detalye tungkol kay Eli Dasilva, at picture n'ya. Halos lahat na yata ng kaklase ko ay may kopya nito.

"Typical heartbreaker," basa ko sa ibinansag kay Eli at tiningnan ko ang picture n'yang nandoon. Guwapo! 

"It's so cool, right?" Ngiti ni Serah habang tinitingnan din ang school newspaper. 

It's wise, really. I mean, they could get so many readers with this. 

Madalas ko pa ring makita si Eli sa hallway kasama ng dalawa n'yang kaibigan; Cyra and Chester. Mahirap na hindi sila mapansin lalo pa't madalas silang sundan ng tingin ng mga estudyante. Iyon nga lang, I don't mind them that much dahil mas focused ako sa pagsunod-sunod kay Uriah.

Dahil doon, lagi na tuloy kaming magkakasamang pito. Serah's fine with it. Mukhang masaya nga s'ya na madalas na n'yang nakakasama ang kuya n'ya.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria, sumiksik kami sa table nina Uriah para sumabay sa break time. Dahil nauna nang naupo sina Samuel at Ashton sa tabi ni Uriah, there was no space for me anymore so I settled on the seat in front of him. Kanina pa sila nag-uusap-usap pero mas focused ako sa pagtitig sa leeg ni Uriah para tingnan kung soot n'ya ba ang regalo ko.

I stared at Uriah's neck, squinting my eyes a bit so I can see it better if he's wearing it, the necklace. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatitig sa akin si Samuel kaya napatingin ako sa kan'ya, he looks confused. Mukhang nagtataka rin sa pagtitig ko sa leeg ni Uriah.

I smiled at him and looked at Uriah again, who's now looking at me. Nagtama ang mga tingin naming dalawa. Uminit ang mga pisngi ko at nginitian ko s'ya. 

"Do you want anything? Treat kita," I told him with my sweet voice.

Umirap si Uriah at hindi ako sinagot. Narinig ko ang tawa ni Jude.

"Ako, Areli. Treat me," aniya, natatawa.

Napatawa rin ako. "Si Uriah ka ba?"

Nang tumayo si Uriah, napa-angat ang tingin ko sa kan'ya. Mukhang may bibilhin s'ya kaya tumayo rin ako at sinundan s'ya para samahan.

"I'm wondering," I started to tell him nang sabay na kaming naglalakad. "Suot mo ba ang regalo ko?" I grinned.

Uriah looked at me. "No, why would I wear it?" Walang pakialam n'yang sagot pero sa hitsura n'ya, feeling ko ay nagsisinungaling s'ya. 

Nang huminto s'ya para pumila sa isang stall, nilingon s'ya ng ibang mga estudyante roon at may narinig pa akong impit na tumili dahil sa presensya n'ya. I pouted and glared at Uriah's neck.

Tumingkayad ako at inabot ang kuwelyo ng uniform n'ya at hinila 'yon para makita kung soot n'ya ba o hindi. Uriah violently looked at me and held my wrist to stop me but I already saw the chain necklace on his neck, nasa ilalim na rin ng under-shirt n'ya.

Agad akong napangiti at masayang tiningnan ang mukha ni Uriah na mukhang nairita dahil sa ginawa ko.

"You're wearing it!" I happily said. 

Bumuntong-hininga si Uriah at binitawan ang pulso ko bago umiwas ng tingin at tumingin na lang sa stall. Hmp! Kunwari pa ang isang 'to.

"Bakit ayaw mong aminin?" Habol ko sa tingin n'ya, nangingiti. "Are you shy?"

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon