Chapter 27

36.7K 1K 459
                                    

Chapter 27

Iniwas ko kaagad ang tingin ko mula kina Uriah at napansin kong nagtagal ang tingin ni Axel sa kanila kaya hinila ko ang braso n'ya, kinukuha ang atensyon n'ya. Axel brought his eyes back at me again.

"Gusto ko rin ng croissant," sabi ko kay Axel, itinuturo ang pastry na gusto ko.

Axel stared at me like he has a clue with what's going on. Tumango s'ya at nang umusad ang pila ay umusad din kaming dalawa.

Bakit kasama ni Uriah si Yara? And she's wearing Clermont University's college uniform. Don't tell me, dito rin s'ya nag-aaral at magkasama sila ni Uriah sa klase? Pero HUMSS student si Yara no'ng nasa Torrero University pa, hindi ba? Bakit naman sila magsasama? Unless Uriah picked her up from her class.

Hatid-sundo ba, Uriah? Napangiti ako nang mapait.

Kasalanan ko rin siguro. I pushed myself to him. Did I assume too much? Were the holding hands, stolen glances, and the amusement in his eyes meaningless? Ako lang ba ang naglagay ng kahulugan sa lahat ng 'yon?

I don't know... kung hindi ko gusto ang isang tao, I wouldn't hold his hand and steal glances at him. I wouldn't let that person hug me without a proper reason. I wouldn't accept his daily delivery of coffees. I wouldn't let him keep my hoodie. Lalo na kung hindi naman kami sobrang malapit.

The hoodie. Nasa akin pa pala 'yon. Hindi ko alam kung isasauli ko pa ba. Ayoko na kasi s'yang kausapin pa.

"May kakilala ako sa dating batch. Manghihingi ako ng tips kung paano mabuhay sa grade 12," Axel chuckled and I suddenly remembered Samuel.

Sayang. Ibinigay n'ya na sa akin noon ang mga tips kung pa'no maka-survive ng senior high school sa Torrero University. I barely survived grade 11, grade 12 pa kaya?

"Kahit naman hingin mo, tamad ka pa ring mag-aral," I told him na ikinatawa n'ya naman.

Pero kahit na nag-uusap naman kami ni Axel, hindi maalis ang atensyon ko sa likod ko. Ramdam ko kasi ang init ng titig ni Uriah ro'n. I couldn't even turn my head or look around the cafe. Kinakabahan akong baka magtama ang mga tingin namin.

"I think the professors won't meet us during the first week," narinig kong sabi ni Yara.

Hindi sumagot si Uriah. Maybe he nodded o baka hindi talaga sumagot.

"Susunduin ka ni Kuya Abdiel?" Tanong ni Axel sa akin.

Kilala kasi kaming magkakapatid sa Clermont University dahil doon na kami nag-aral magmula pagkabata kaya kumportable si Axel na tawagin s'yang Kuya.

Umiling ako. "Mamaya pang hapon ang uwi n'ya, eh," I said. "Baka sabayan ko si Azriel. Pero hindi pa ako sigurado sa oras ng uwi n'ya."

Tumango si Axel. "Puwede naman kitang ihatid? Madadaanan ko naman ang inyo," he said.

"Baka singilin mo ako sa gas?" Pilyang sabi ko, natatawa.

Minura ako ni Axel at hinawakan ang barandilyang nasa gilid ko. Para sa pila kasi 'yon. Dahil sa ginawa n'ya, para n'yang binakuran ang likod ko. Tumama rin ang likod ko sa balikat ni Axel, mas lumapit ang distansya ng mga mukha namin.

Sanay ako na masyadong malapit si Axel. Junior high school pa lang, gan'yan na s'ya kaya hindi na ako nai-ilang. 'Yon nga lang, sa pagkakataong 'to na nasa likod si Uriah, hindi ko mapigilang makaramdam ng pagka-ilang sa ginawa ni Axel.

"Kailan kita pinagbayad?" Tawa ni Axel at napa-irap ako.

Lagi nga naman akong nililibre ni Axel dati pa. Napanguso ako. Kay Uriah, bilang yata sa daliri ang pagkakataong binilhan n'ya ako ng para sa'kin.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon