Chapter 32

36.2K 1.3K 691
                                    

Chapter 32

"This Thursday..." Uriah mumbled as he took my bag from me one afternoon, sinusundo ulit ako para maihatid pauwi. Tinitigan ko s'ya at inabangan ang sasabihin n'ya. "It's my birthday," aniya.

July 4! I almost forgot! Tumango ako at inabangan ang sasabihin n'ya.

"I will throw a party," he said, pursing his lips.

Nanlaki ang mga mata ko. Si Uriah? Party? Did I hear him right? He doesn't like parties!

"At our house at 7."

"Nando'n sila Jude?" Excited na tanong ko.

Sumimangot si Uriah at dumilim ang tingin sa akin.

"Sila talaga ang gusto mong makita?"

Napangiti ako at tinitigan s'ya. Ako raw ang selosa. Umirap ako at hindi na lang s'ya sinagot. Hinatid ako ni Uriah diretso pauwi. Nalaman ko kasing may quiz pa s'ya kinabukasan kaya hindi na ako nagpadaan sa kung saan.

When I got home, I immediately fixed my self and waited for Uriah's text. He always texts kapag naka-uwi na s'ya.

Uriah Penalver:
I'm home.
What are you doing?

Excited akong nag-type ng reply para sa kan'ya.

Areli Lopez:
Nakahiga lang. Hehe.

Uriah Penalver:
Alright, mag-aaral na 'ko.

Areli Lopez:
Alright! Aral mabuti.

Gusto ko sanang sabihin na para sa future namin 'yon pero hindi ko na lang sinend. T'saka na kapag sigurado na akong kami talaga. Sa ngayon kasi, sa tingin ko, we are still mending the torn parts. I don't think I should do the things that I did before. I will give Uriah his chance to make up for the parts where he lacked because I think he deserves a chance to prove himself.

Uriah Penalver:
Alright.

Napanguso ako at agad na nakaramdam ng lungkot. But I know that his course is hard kaya hindi na ako nag-reply pa. Napansin ko kasing kapag nagre-reply ako, laging sumasagot si Uriah at hindi na matatapos pa ang pag-uusap namin. Hindi na s'ya makakapag-aral kung gano'n. Ayoko namang maging dahilan pa ako para mahati ang atensyon n'ya sa pag-aaral.

My heart warms every time because I know that Uriah is making efforts to keep me. It's touching that he's not used to this, but he's trying his best to give me attention. It's heartwarming that he's not really fond of texting but he makes an effort to answer my every message.

I can see that now. Uriah isn't like everybody. He's not used to this. He's not expressive. But because he knew he needed to express himself better to keep the people who're dear to him, gumagawa na s'ya ng paraan para magawa 'yon.

Instead of bothering Uriah, I spent my time on social media. Panay ang panonood ko ng videos at pagtingin-tingin sa Instagram at Twitter. Matagal kung mag-aral si Uriah. Maybe because he loves the course he's taking, he's taking it passionately.

Iniisip ko pa lang ang mga kailangan nilang gawin; mag-dissect at mag-aral ng mga patay na hayop at mga halaman, parang hindi ko na gugustuhing mag-aral. But Uriah seems fascinated by it. And I love it when he's fascinated about something.

Because I saw a picture of donuts on Facebook, agad akong nag-tweet ng tungkol doon. Mabilis ang reply sa akin ni Lyndon na panay ang social media ko at hindi ako nag-aaral.

areli @arelilopez
replying to @lyndoncabrera
Kunwari ka pa, hindi ka rin naman nag-aaral?

lyn @lyndoncabrera
replying to @arelilopez
Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan, ah?

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon