Chapter 9

28.2K 1.1K 465
                                    

Chapter 9

I was grinning while Serah and I were waiting outside the senior high school building. Hinihintay namin ulit sina Uriah dahil sasabay kami pauwi.

Serah usually goes to school and home with her driver since may ibang mga lakad ang kuya n'ya at minsan ay mas maaga itong umuuwi. Ngayon, mas late ang uwi ni Uriah kaya hinihintay pa namin s'yang dalawa ni Serah dahil sasabay kami sa kan'ya.

"You really did?" Natatawang tanong ni Serah nang malaman n'ya ang ginawa ko no'ng nakaraan.

I don't know how she knew pero madali lang naman n'ya 'yong malalaman dahil malapit s'ya sa mga kaibigan ni Uriah, especially with Samuel. Samuel's really friendly kaya hindi na nakakapagtaka 'yon. He's friendly even to me.

Akala yata ni Serah ay hindi ko talaga gagawin 'yon nang magtanong ako sa kan'ya kaya ngayon ay nagulat na natuloy pala ang plano ko.

"Did Kuya get mad?" She asked, curious about what happened because I failed on telling her.

"Who told you ba?" Natatawang tanong ko. 

Serah's hair is in a high ponytail now at ang ilang wavy na strands ng buhok ay nasa gilid ng mukha n'ya, framing it well.

"Sam! He said, kaya raw pala I asked him the other day kung ano ang favorite drink ni Kuya," ngiti ni Serah. 

Napangiti ako. "I think Uriah got irritated but later on decided to just not care," natatawang sabi ko.

Natawa si Serah at napatango, like she understands because her brother is really like that.

Parang hindi nga magagalit sa akin si Uriah. Maiinis, oo. Pero parang pagkatapos n'yang mainis, he realizes that it's not worth his time and just ignore everything in the end. I wanted to make an impact but I don't think I've done it yet.

Dumating na nga sina Uriah, kasama na naman si Samuel at ang tatlo pa. I pursed my lips as I watched Uriah walk towards us. Nagtama ang mga tingin naming dalawa at agad ko s'yang binigyan ng matamis na ngiti. It's odd that his gaze is so cold but I feel really warm inside my stomach. I think that his glare is cute. I must be nuts.

"Hi!" I greeted him enthusiastically but he just looked at me, sighed, and looked at his sister.

"Let's go," Malamig na sabi n'ya sa kapatid n'ya at nauna nang naglakad.

I pouted and looked at his friends. Nagtama ang mga mata namin ni Samuel and he automatically smiled at me.

"Hey," he grinned.

Binati ko naman sila pabalik pero sumunod na rin kaagad ako kina Uriah para makasabay na rin sa kanila. I saw Uriah clicking on his keyfob as he neared his car. Pumasok na si Serah sa front seat at sumakay naman ako sa likuran. When Uriah entered his car, sinalubong ko kaagad s'ya ng tingin kaya nagtama ang mga mata namin bago pa man s'ya tuluyang nakapasok ng kotse.

"Saw you a while ago! Binati kita pero hindi mo ako pinansin," I started.

Hindi sumagot si Uriah at pinaandar na ang kotse n'ya. I pouted and watched him move the gear stick and steering wheel. 

"I don't know how to drive yet," I said.

"Me too!" Sabi ni Serah, nililingon ako. "Dad wants me to go to driving school pero naisip ko, why not na si Kuya na lang?"

"I'm busy," ani Uriah.

"You have free time sometimes, Kuya," si Serah sa kuya n'ya.

"Mas matuturuan ka sa driving school," Uriah said dismissively.

Cold Heartbreaker (Heartbreakers Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon