Hindi ko na nasundan ang lahat ng pangyayari dahil nawalan pala ako ng malay. Nagising na lang ako sa isang kuwarto na purong puti at walang ibang gamit kung hindi itong kamang hinihigaan ko, isang lamesa at upuan at isang kabinet.

"My love, are you okay? Tawagin mo ang doktor, bilis." rinig kong sabi ni Dario.

Lumapit siya sa akin. "Alice, can you hear me?" malambing niyang tanong sa akin. I just nodded.

"Pupunta dito ang doktor, my love to check on you. Don't worry so much okay? Sorry kung hindi kita naligtas agad." malungkot niyang paliwanag sa akin.

I felt my that my heart ache because he is blaming himself for what happened. I smiled at him.

"N-no, it's not y-your fault Da-rio. Where is that brute?" galit kong tanong.

"Nasa kulungan na ang hayop na iyon. How dare he do that to you?" pagalit niya ding sagot. Hindi na natuloy ang pag-uusap namin dahil dumating na ang doktor na mag-titingin sa akin.

"You don't have to worry Mr. Rivera, dala lang ng shock kaya nawalan siya ng malay but she is okay now. Pwede na siyang makalabas." the doctor assured him.

"Sige po Doc, maraming salamat po." sagot ni Dario.

Nang makalabas ang doktor ay tsaka ko lang napansin na kasama pala namin sa loob si Sheryl.

"I'm really sorry Sir, mabait po talaga si Arnel. Hindi ko po alam kung bakit niya naisip na gawin iyon kay Ma'am. Pasensiya na po talaga." saad niya.

"I should listen to her na iba ang pakiramdam niya sa walang hiyang lalaking iyon. Mabubulok siya sa kulungan na hayop siya." galit na sagot ni Dario.

"My love, don't be angry to her. Wala siyang ginawang mali." singit ko sa kanila kaya agad-agad akong nilapitan ni Dario.

"I should have listened to you my love, bakit ba kasi pinaniwalaan ko iyon na tinatawag ako ni Sheryl, edi sana, hindi ka nagkaganito." he said angrily.

Kaya pala nakapasok yung lalaki dahil nagsinungaling siya kay Dario. The image of that man came to my mind again that creep me. Naalala ko na naman ang ginawa niya na nakakatakot. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Hush my love, don't cry. Wala nang makakagawa sayo ng masama. Don't cry, okay?" pagpapakalma sa akin ni Dario.

But I didn't process it properly because of what I am thinking. Bumalik na naman ang mga ala-alang pilit kong kinakalimutan.

"Tatawagan ko sana my love sila Papa, pero gusto ko munang tanungin kung okay lang sayo?" nag-aalangang tanong niya sa akin.

Agad akong umiling. "Don't tell them, I don't want to stress them."

Niyakap ako ni Dario ng mahigpit.

"Okay my love, huwag ka na umiyak, okay? Nakakulong na yung lalaki." he assured me. Tumango na lang ako habang mahinang umiiyak.

Nang araw na din yun, pinalabas na ako ng doktor para sa villa na lang ako makapagpahinga at mas makakapagpakalma sa akin dahil katabi ito ng dagat.

"My love what do you want for dinner?" masayang tanong sa akin ni Dario.

"Anything will do." mahina kong sagot habang nakatitig sa bintana na tanaw ang dagat.

Tinabihan ako ni Dario at hinawakan ang kamay ko.

"My love, I know this will cause you trauma. Gusto mo bang magpakunsulta sa psychiatrist?" mahinahon niyang tanong sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. "I don't think it will help, okay lang ako Dario."

He stared at me like a policeman is eyeing the suspect.

"Alice, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" seryoso niyang tanong.

Nanginig ako sa tanong niya kaya napaatras ako. Nagulat siya sa ginawa ko.

"My love, you know you can tell me anything, right?" mas mahinahon niyang tanong.

Naluha ako sa sinabi niya at sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Natakot lang ako kaya ako ganito, but I am okay now because you are here. Thank you for saving me from my downfall." sagot ko at agad siyang niyakap ng mahigpit.

"Huwag kang mag-alala, hindi na iyon mauulit. I'm sorry for not protecting you, my love. I promise I will take care of you." pangako niya.

"Stop apologizing my love." sagot ko naman. "Mamamasyal tayo bukas di'ba?"

Hinarap niya ako sa kaniya. "Yes, we will. Nakaplano na ang lahat ng pupuntahan natin, wala ka nang po-problemahin." sagot niya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay napagpasiyahan na naming mag-dinner. Kahit na madami pa rin akong iniisip ay hindi ko iyon ipinapahalata, dahil ayokong sisihin na naman niya ang sarili niya sa nangyari.

"My love, you want to change the location for our wedding?" bigla niyang tanong habang kumakain kami.

"Hindi na kailangan. I know after that incident, they assure everything is okay, kaya okay na dun. Besides, ayokong ma-hassle pa ang mga inimbitahan natin dahil sa pagbabago ng location." paliwanag ko sa kaniya.

Tumango lang siya at tinitigan ako ng gamit ang seryoso niyang mga mata.

"Don't look at me like that Darius, parang kriminal ako." biro ko sa kaniya.

"My love, I know you have that secret that is so deep." he answered seriously. Napalunok ako.

"Wala nga Dario. Natatakot lang ako, but I am okay now." saad ko.

Tinitigan niya lang ako. "You sure we will not tell this to your parents?"

"Hindi na. Hindi naman sobrang lala nang nangyari, and I don't want them to think about that so much, alam mo naman na nerbiyosa si Mama. Baka hindi niya makaya." sagot ko.

"Okay, huwag na nating pag-usapan iyon. Tomorrow, you should not wear to much clothes kasi madami tayong pupuntahan bukas." anito

I am happy that he is making all the way for me para hindi ako mag-overthink. I am so lucky to find a man like him because he is too perfect for me, but I hate it. Because I know it is unfair for him, to be a girl that is detained by the past and couldn't be free.

"Earth to my love, naiintindihan mo ba ang gagawin natin bukas." he said that snapped me out from thinking AGAIN.

"Y-yeah?" tanong ko.

"Well, I am just saying our plans for tomorrow." sagot niya.

"Ah okay, anong mayroon?" sabi ko.

"It's okay, magpahinga ka na para handa ka bukas my love. Ihahatid na kita sa kuwarto mo." he said.

A Flower for AliceWhere stories live. Discover now