It Ends here

15 3 0
                                    

"Congratulations for the success of your new game, Mr. Santiago. Balita ko ilo-launch na din ito sa iba pang mga bansa?" masayang sabi sa akin ng isa kong investor.

Inilahad ko ang kamay ko. "Thank you, Mr. Salvidar. Ipapalabas na ito sa ibang bansa."

Nakipagkamayan muna ito bago umalis. Kakatapos lang ng isang meeting para ipakita ang naging kinalabasan ng bagong laro na ginawa namin. It is a success and now it is known in different places and also in different countries.

Naramdaman kong tumunog ang phone ko. Mom's calling.

"Yes?"

"Tapos na ba ang meeting niyo? Aalis na tayo mamaya papuntang Batanes. Bilisan mo ang kilos mo." Mom rant.

"Relax Mom, malapit lang ako sa inyo. Wala ako sa Maynila." Tumawa ako.

I heard her sighed. "Whatever." At pinatay niya na ang tawag.

Pinatawag ko si Hannah upang tanungin ng schedule ko sa susunod na dalawang araw.

"Sir, wala na naman pong sobrang halagang meeting kaya na-move na po ito para sa dalawang araw na bakasyon niyo sa Batanes. At" tumigil muna siya. "Huwag po kayong mag-alala, babantayan ko ang kompanya."

Napangiti ako sa paliwanag niya. "Salamat naman. Aalis na ako."

Tumango lang siya at ako naman ay naglakad na paalis sa opisina.

The sun is bright this day. Then a very important person comes to my mind. My love, Alice. She likes the sun.

Nang nakalabas ako ay dinama ko muna ang init na dala ng araw.

"You like the sun, because of its warmth, now, when I feel its heat, it reminds me of you, being around and your love for me." nakangiti kong bigkas.

Iminulat ko na ang mata ko at nagsimula lang magmaneho papunta sa bahay ko. Sa nagdaang isang taon, nangungulila pa rin ako. Hindi mawawala iyon dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Pero sabi nga psychologist ko, 'To love her is to set her free' and that's what I am going to do right now.

Bigla akong napangiti ng tumugtog sa radyo ang kantang Together Again. Sinabayan ko ito.

"There are times when I look up above and beyond
There are times when I feel your love around me baby
I'll never forget you baby"

Ito ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa bahay ko.

Pagkabukas ko ng gate ay sumalubong agad sa akin si Akim.

"Hey, Akim, aalis na tayo mamaya. Are you excited?" tumahol lang ito na parang naintindihan ang sinabi ko.

Binuhat ko ito para makapasok sa bahay.

Napairap ako sa nakita. "I told you Elaine, don't let some stranger enter my house." Komportableng nakaupo si Kervin sa sofa ko habang nanonood at kumakain.

"Oh, my lovely cousin is here." nakangiti nitong sabi at lumapit sa akin. "Give me a hug and kiss and I'll do the same."

Itinulak ko ito. "Get lost. Alagaan mo muna si Akim. Aayusin ko lang ang mga dadalhin ko."

Tinanggap nito ang aso ko. "Are you ready?"

"I am. Don't worry." simple kong sagot at sumigaw ako.

"Elaine, okay na ba ang mga dadalhin?"

Sumigaw ito pabalik. "Opo Sir, pati po ang kay Akim okay na din po."

Umakyat na ako sa kuwarto ko para makapagbihis. And I saw one luggage.

Naayos na nga niya.

Lumapit ako sa tukador sa kuwarto ko. There's Alice picture, a beautiful candle, and her ashes inside the vintage urn.

I touch it. "You will be in a beautiful place, my love."

I looked at the flower that is preserved even though it is withered, it is a significant flower for me. And also the stones that we got is place beautifully.

Ilang sandali akong tumingin doon bago ako naghanda ng sarili ko.

"Ang bagal mo kumilos. Galit na si Tita. Bilisan mo, nasa sasakyan na sina Elaine at Akim." inis na salubong sa akin ni Kervin at kinuha ang luggage ko, nauna na ito sa sasakyan.

He told me what happened before between him and Alice. Siya ang dahilan kung bakit nakilala ako ni Alice at may nagawa itong malaking kasalanan sa kaniya. He tried to rape her, pero hindi ito natuloy dahil naisip niya na mali ang nagawa niya. Sobrang nabugbog ko siya at hindi kinausap. Pero nagkapatawaran na dahil napatawad na din siya ni Alice.

"Ano? Tutunganga ka diyan? Para kang pagong." galit na sabi niya kaya nagmadali na akong pumunta sasakyan at binatukan ito.

"Nauna na sila Tita sa airport dahil sa kabagalan mo." paalala niya pero hindi ko na ito pinansin at hinawakan na lang ng ayos ang urn ni Alice.

We reached the airport and my Mom's nagging welcome us.
Pangasinan is not that far from Batanes kaya nakarating din kami dito sa araw na iyon.

"Pumunta na muna tayo sa villa na tutuluyan natin." Mama suggested then look at me. "Ikaw anak, ngayon mo na gagawin?"

I nod at her. "Yes, Ma. Aalis na ako ngayon. Pahinga muna kayo."

"Wala ka bang kasama?" tanong niya.
Itinuro ko si Kervin. "He will be with me."

"Sige, magpaalam ka na sa kanila bago kayo umalis."

And that's what I do bago umalis galing sa airport.

Hawak-hawak ko ang urn hababg binabantayan si Akim sa backseat. Si Kervin ang nagmamaneho papuntang Valugan Boulder Beach .

"Kaya mo na ba talaga?" nag-aalala niyang tanong.

Umirap ako. "Huwag ka ngang akala mo naman susunod na ako kay Alice."

"I am just worried, bro. Alam ko ang pinagdaanan mo sa nakalipas na buwan. Birthday mo ngayon at 14th anniversary niyo sana." sagot niya.

"I need peace and silence, so shut the hell up." at tumawa ako.

Walong minuto lang ang nakalipas ay nakarating na din kami sa lugar na iyon. Lumabas na ako at mahigpit na hinawakan ang kinalalagyan ng abo ni Alice.

"Here bro." inabutan ako ni Kervin ng isang sunflower. "Hindi na ako samama, babantayan ko na lang muna si Akim."

Tumango ako at naglakad sa papalayo. We're now here at Valugan Boulder Beach.

Tumingin muna ako sa kapayapaan ng karagatan, pumikit at tahimik na nagdasal. Dinig ko ang tahol ni Akim.

"You love the ocean, right my love?" nakangiti kong tanong kahit alam kong wala itong maisasagot.

"You will be with it now." I breathe softly. "I will never forget you, my love. I can't just take away my own life because, I know God have plans for us, that's why this happened."

Binuksan ko na ang cover ng urn niya at unti-unti kong  ibinuhos ang abo niya. Thinking of all of our memories together makes me cry.

"I know you are happy there with our child. And you are watching me now, smiling widely." I said while sobbing.

Inihagis ko na ang sunflower na hawak ko sa tubig at ito ay lumayo ng paunti-unti.

"Thank you for all the memories, Alice. I am going to move forward now. You'll always here in my heart no matter what happens. Be happy there. I love you so much." nakangiti kong sambit.

"I am sure in our next lives, we'll meet again and I will keep you, no matter what." suminghot ako ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Be one with the ocean and wind now, my love." I paused to close my eyes and savor the feeling of love and compassion.

Ilang minuto akong nakapikit at napagpasiyahan ng umalis.

Inayos ko na ang sarili ko. "Goodbye my love." I smile.

"And in our next lives, I know I can recognize you in instant, because when our eyes meet, my heart will shout, 'she is the one'"

Tumalikod na ako at nagtungo sa sasakyan.

A Flower for AliceWhere stories live. Discover now