Chapter 2

763 16 0
                                    

Naglalakad ako dito sa loob ng SM Mall. Nang makita ko ang National Bookstore ay agad ako pumasok doon. Mahilig ako sa mga novel at isa rin akong frustrated author. Ilang beses ko na rin sinubukang magsulat pero hindi ko matapos-tapos dahil wala akong inspirasyon.

Hawak-hawak ko ang isang novel na makapal. Curious ako sa kung ano man ang kwento roon. Pero nang e check ko ang price, OMG! Ibinalik ko sa istanti ang libro. Kay mahal naman wala akong pambili.

Nang maibalik ko na ang libro ay kinuha naman agad ito ng babae. Napatulala ako sa kanya. Nasa edad 50 na siya sa tansya ko, matangkad at ubod ng puti. May katabaan rin siya, marami siyang suot na burloloy sa kanyang katawan at masasabi mo talagang sobrang yaman niya.

"You want to buy?" Tanong ng babae sa akin at nginitian niya ako.

"N-no ma'am" sagot ko naman. Tatalikod na sana ako pero hinawakan niya ang aking braso.

"Wait Miss" napalingon ako sa kanya at ang ngiti niya ay talagang nakakagaan sa kalooban.

"I know you want this book. I will buy it for you in one condition"

"What condition?" Na curious naman ako sa kondesyon niya. Mukha naman siyang makakapagkatiwalaan. Pero baka mudos ito. Hindi dapat ako basta-basta na magtitiwala nalang.


15 minutes later. . . . .

Nandito ako ngayon sa loob ng starbucks nilalalaklak ko ngayon ang isang basong kape.

Oo sinabi kong hindi ako dapat magtiwala pero gusto ko talaga ang libro na iyon. Huhuhu!

"Ma'am what is your condition by the way?" Tanong ko sa babae.

Ngumiti na naman siya, parang hinahalina niya ang aking puso. Wala sigurong tao ang kayang magalit sa kanya.

"Before that I want to introduce myself, I am Miranda Schneider" pakilala niya at inalahad ang kanyang kamay para makipag shakehands.

"I'm Ashley Clair Villarez" pakilala ko rin saka nakipagkamay sa kanya.

"Okay here is it Ashley, my condition is I want you to accept my offer"

"What offer ma'am?"

"A job"

"What job?"

"Chatmate for my son"

Muntik ko nang mabitawan ang isang basong ng kape dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman na trabaho na pala ang pagiging chatmate.

"Don't worry. I will compensate you better" sabi niya. Parang nag-aalala siya na tanggihan ko ang offer niya.

Nilaklak ko muna ang kape para ubusin, baka kung ano na naman ang sasabihin niya at mabitawan ko na talaga to.

Bago ko pa maubos ang kape ay nagsalita na naman siya.

"You're salary will be 5,000 US dollar a month"

Nasamid na talaga ako sa iniinom kong kape. Napaubo-ubo tuloy ako at napatingin ang iba pang mga tao na nandito.

Agad lumapit ang mga crew para tulungan ako, maging si Ma'am Miranda ay napatayo rin at inabutan ako ng tubig.

Nang mahimasmasan na ako ay nagpatuloy na kami sa kasunduan.

"Sorry if I shocked you, I am so desperate" sabi niya sa malungkot na boses.

Talagang na shock ako, 5000 US dollars mga 250,000 pesos yon dito sa Pilipinas. My gash!

"I can't feel my son as a human. He never hang out with other people. He only thinks about business. I want him to have at least one friend. Please do that for me. I will increase your salary if I see any progress."



Nandito na ako sa bahay. Nakatira kami sa isang squatter's area. Hirap na hirap ang pamilya namin kaya tinanggap ko na rin ang offer ni Ma'am Miranda.

Binigay na rin niya ang account ng anak niya.


ZACKARY JARETH SCHNEIDER
CEO of SGC
Multi Billionaire
American
22 years old


Na amaze naman ako sa taong to. Kabata-bata pa ay sobrang successful na. Marami na rin siyang mga awards na natanggap. Natutulog pa kaya ang taong to?

Nang matapos na ako sa pag stalk sa kanya. Naglakas loob na akong magchat.

"Hi Mr. Zackary, I'm Ashley. Can we be friends?"

Lumipas ang sampung minuto ay hindi siya nagreply kahit pa online siya. Kaya nag chat ako ulit.

"Hey! 🙂 I am looking forward of being your friend"

Nag seen siya. Pero lumipas na naman ang lima, sampu, bente minuto wala pa ring reply.

"Zackary notice me! :)"

Wala pa rin. Inaantok na ako. E tuturn off ko na sana ang data ko nang bigla siyang nagreply.

"Okay Miss Ashley, I don't need friends! I know you are only doing this for money. So backed off and don't disturb me!"

Abaaaaaa! Suplado!

"Hahaha! Suplado ka pala!" Reply ko

"What did you say?" Tanong niya.

"Millionaire ka di ba? Edi mag hire ka ng intrepreter mo!" Akala niya magbabait-baitan ako sa kanya. No way!

"Are you spouting bad words against me?"

"Hulaan mooooooo ^_<" pang-aasar ko pa.

"If I will find out that you are saying bad against me you will regret this!" Banta niya.

Nakaramdam naman ako ng pagka-ihi kaya nag CR muna ako sandali.

Pagbalik ko ay hindi na maawat sa kakatunog ang messenger ko dahil sa dami ng chats niya. Pinipilit niya akong mag reply agad.

Napangiting tagumpay naman ako. Ako yong chat ng chat sa kanya kanina, ngayon siya naman! Hahaha! Bala ka jan! Matutulog na ako.

Pinatay ko ang data at mahimbing na natulog! Whahaha!

The Obsession of Three HeartsМесто, где живут истории. Откройте их для себя