Chapter 44

190 5 0
                                    

Flashback*

Pagkarating sa airport ay dire-diretsong pumasok si Claude at nagpunta kung nasaan ang private jet na pagmamay-ari niya.

Limang minuto bago lumipad ang Jet ay may tumawag na naman sa kanya.

"Hello?" sagot ni Claude.

"Are you sure you are not going to marry my daughter?" tanong ni Eross.

"Yes! I won't marry her" diretsong sagot ni Claude.

"Oww what a confidence!" tumawa si Eross "You better watch this"

"Watch what?"

"Just wait I'll send it to your messenger" tumawa muli sa Eross.


Ilang minute lang ay may natanggap na video clip si Claude. Nang tiningnan niya ito ay nanginig siya sa matinding galit.


Binihag at pinapahirapan ni Eross ang mommy niya na si Miranda.


Tumawag si Claude kay Eross na agad ring sumagot.

"Let go of my mom!" galit na sabi ni Claude.

"I will! I will not hurt your mom if you will marry my daughter and you will stop communicating with that girl named Ashley. I will set her free when you give me grandchild!" tumawa si Eross na parang Dracula na ikanainis lalo ni Claude.


Bago pa man matapos ang tawag ay may pahabol pa si Eross "One more thing, if I will found out that you are still keeping in touch with that girl, I WILL KILL HER!"


Walang nagawa si Claude kundi pumunta sa simbahan at ituloy ang kasal para sa kaligatasan ng mommy niya at ni Ashley.

End of flashback*



Nagriring ang phone ni Claude, tumatawag si Noel. Ayaw niya sana sagutin pero hindi ito tumitigil.

"Hello?" sagot ni Claude. Mababakas sa boses niya na lasing siya.

"Claude akala ko ba hindi mo magagawang magpakasal sa iba? Akala ko ba hindi mo magagawang saktan si Ashley?" inis na tanong ni Noel.

"I lied!" matipid na sagot ni Claude.

"Claude sobrang nasaktan si Ashley sa ginawa mo! Yan lang sasabihin mo? Ganyan lang ba kadali?"


Napapikit ng mata si Claude para pigilan ang pagtulo ng luha niya.

"Claude bigyan mo ako ng sapat na dahilan para hindi kita kamuhian!"

"Kamuhian mo nalang ako!"

"Claude hangga't maaari ayokong magalit sa isang tao ng hindi inaalam ang rason kung bakit niya ginawa ang bagay na ayaw ko. Naniniwala akong may dahilan ka Claude!"

"Bakit ka ba ganyan? Bakit pinagpipilitan mo ang sarili mo sa akin? Ayoko makipagkaibigan sayo! Kung gusto mong bumawi sa ginawang pagligtas ko sayo noon. Nabawi mo na yon noong iniligtas mo si Ashley!"

"Ikaw bakit ka ganyan? Bakit ang tigas-tigas ng puso mo?"

"Wala akong oras makipagtalo sayo!" agad binaba ni Claude ang phone at isinubsob ang mukha niya sa kama.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now