Chapter 39

186 2 0
                                    

Lumipas ang isang linggo.


Breaking News: The Executive Monster CEO of SGC Mr. Zackary Jareth Schneider and the Hollywood Deity Ms. Selena Gomburza announced their engagement earlier today.


"WHAT THE FUCK!" hindi mapigilan ni Angel ang mapamura sa balitang nabasa niya sa internet. "I can't believe this! How could he marry Selena? Doesn't he know that Ashley is still missing as of the moment?" naiinis si Angel hindi dahil sa nagseselos siya, kundi dahil sa nagawa pa ni Claude na magpakasal sa kabila ng pagkawala ni Ashley.

Pabor man para sa kuya niya ang gagawing pagpapakasal ni Claude sa iba, pero hindi siya matutuwa kung masasaktan lang din naman si Ashley.

Isang linngo na rin nilang hindi makontak si Claude tapos ito pa ang mababalitaan nila.

"Dumating nga ang araw na 'to!" sabi ni Noel.

Napakunot naman ang noo ni Angel "Anong ibig mong sabihin kuya?"

"Mahirap ipaliwanag, ngunit kailangan kong mamili kung sino kina Ashley at Claude ang unang tutulungan. Pero sa mga oras na ito mas nag-aalala ako para kay Ashley dahil hindi pa natin alam kung nasaan siya"

"Kuya hindi kita maintindihan"

"Mahirap talaga intindihin ang mga nangyayari"



Flashback*

14 years ago.

Naglalaro si Noel ng bola. Aksidenti namang gumulong ang bola papunta sa kalsada kaya hinabol niya ito.

Hindi niya napansin ang sasakyang paparating sa kanya. Muntik na siyang masagasaan, mabuti na lamang at may isang batang lalaki na ka edad niya ang nagligtas sa kanya.

"Thank you" sabi ni Noel ngunit hindi sumagot ang bata. Tiningnan lang siya nito at saka umalis.

Napansin ni Noel na may lungkot sa mga mata ng batang iyon. Sa mga oras na yon, gusto ni Noel makabawi sa ginawang pagligtas ng batang lalaki sa kanya.

Sinundan niya ito ng palihim hanggang sa makalapit na ito sa bahay nila.

Nasa iisang village lang sila nakatira ngunit may kalayuan ang bahay ng bata sa bahay nila ni Noel.

Nakita niya ang isang pamilyar na lalaki, kausap ang isang matandang lalaki na parang nagtatalo silang dalawa.

Natigil ang dalawa sa pagtatalo nang makita nila ang batang lalaki na tumakbo papunta sa matanda at yumakap dito.

Kasunod namang lumabas ang isa pang lalaki na may dala-dalang mga maleta. Pumunta ito sa sasakyan.

Tumakbo ang batang lalaki papunta sa lalaking may dalang maleta at niyakap ito patalikod.

Kahit malayo sa kanila ang pinagtatagoan ni Noel ay rinig na rinig niya ang pagmamakaawa ng batang lalaki sa daddy nito!

"DAD PLEASE DON'T LEAVE ME PLEASE! PLEASE! PLEASE! I WILL NEVER ASK FOR YOUR ATTENTION, I WILL NOT ASK YOU TO LOVE MOMMY AND ME! JUST DON'T LEAVE US! PLEASE STAY DAD!" iyak nong batang lalaki.

Itinulak ito ng dad niya kaya napatakip ng bibig si Noel.

"I DON'T LOVE YOU AND I CAN'T STAY WITH THIS HOUSE ANYMORE!" sigaw nong lalaki at padabog na sumakay ng kotse.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now